REASON 10: Aral muna bago landi si AKO

38 1 0
                                    

EHEM! Kaya ka single kasi nag-aaral ka pa pero gusto mo na magkaroon ng jowa kaso gusto mo magfocus sa pag-aaral. WAIT! ANG GULO MO NAMAN BES!

Hindi naman masama na mag-focus ka muna sa pag-aaral. Nakakahiya kapag inuna mo 'yung landian bago pag-aaral kasi mahahalata 'yan the way kung paano ka magsalita. WAIT? SINABI KO BA NA KANINA NA BE TRUE TO YOURSELF? Oo sinabi ko 'yan pero kapag may pinost ka sa social media na isang bagay, mabilis ka majudge ng mga tao. Sasabihan ka na 'bobo nito', 'aral muna kasi bago maglandi', 'nakakahiya naman 'to', o etc. Tapos iiyak ka sa mga komento nila? Kasalanan mo kasi 'yan. Gumawa ka ng isang bagay na nakakasira sa reputation mo! Tapos ang lakas mo magsabi na 'tao lang ako at nagkakamali lang' well, paano kung sabihin ko sayo na 'tao lang din ako at tinatama ang mali mo' mabuti nga tinatama ko 'yang mga mali mong ginagawa at hindi lang ako.. pati sila!

Wag mong sasabihin na may pinag-aralan kami kaya nagmamaliit kami ng ibang tao. NOPE! WE'RE TRYING TO HELP YOU NA MAG-ISIP KA MUNA BAGO KA GUMAWA NG ISANG BAGAY! Kapag may pinasukan ka na isang bagay at di mo man lang iniisip ang mga possible na mangyayari, di naman 'yan kasalanan kundi kasalanan mo.

May mga kabataan na nagpapakamatay dahil nabroken sila. JUSKO! TAMA NA! Nag-aaksaya ka lang ng panahon! KAILANGAN MO MAG-ISIP! GUMAMIT KA NG CALCULUS O STATISTIC O QUADRATIC EQUATION! TAENA MO!! Sabi nga 'dapat advance ka mag-isip'! HINDI MO BA MAIISIP 'YUNG MGA TAONG NAGMAMAHAL SAYO? LALO NA PARENTS MO? PERANG GAGAMITIN PANGLIBING MO? PERANG GAGAMITIN SANA PAMBILI NG PAGKAIN TAPOS MAPUPUNTA LANG SA PANGLIBING MO DAHIL NAGPAKAMATAY KA DAHIL SA PAG-IBIG! TAENA NAMAN NITO! SARAP MONG ITAPON SA BLACK HOLE!

Nakakagigil at nakakainis ang mga ganitong tao. Nagpapakamatay dahil sa pag-ibig. Kung may problema, kailangan mo kausapin 'yung mga kaibigan at pamilya mo! HINDI MO DAPAT SINOSOLO 'YAN! SABIHIN MO SA AKIN 'YANG PROBLEMA MO AT MAG-USAP TAYO! No need to add me! Just send your message na lang! PERO GUSTO KO STRAIGHT TO THE POINT! Tumatanggap ako ng straightforward na tao! HAHAHAHAHAHA!

May nakita din ako sa social media na pati pag-iyak kinukuhanan ng picture kahit nga paglalaslas dahil sa pag-ibig eh. Kapag nakakakita ako ng ganyan napapaisip ako 'taena! Mga bobo! Ako nga kapag balak ko magpakamatay hindi tungkol sa pag-ibig kundi dahil sa stress at depression ko sa buhay'. Yes, totoo 'yan at hindi gawa-gawa tulad ng mga nabasa ninyo dito! HAHAHAHHAHA Joke! Yes, nakakaranas ako ng stress at depression but my medicine is my close friends or kung sinong stranger na available na pwedeng pagsabihan ng problema! Kaysa magpapakamatay ako sa kalungkutan at walang masabihan ng mga problema ko. GULAT KA NOH?! DAPAT LANG! Lol.

May nakita din ako sa social media. Hindi ko alam kung tatawanan ko ba siya o maiinis. Nagchanged profile picture siya na may caption na 'siyam na taon akong pinagbubuntis ng nanay ko tapos sasaktan mo lang ako?...... Sana hindi 'to makita ng magulang ko' TAENA! SIYAM NA TAON TALAGA?! DI KO GETS!! BAKIT UMABOT NG SIYAM NA TAON?! GOOOOOSH!! Tapos sinabi niya na sana hindi 'yon makita ng parents niya? Taena naman! SOCIAL MEDIA 'YAN! Kahit kapitbahay ninyo, makikita 'yan! Uso mga chismosa at chismoso na mga kapitbahay sa panahon na 'to!

Marami din ako nababalitaan na maraming mga kabataan na maaga naging magulang. 'Yung iba nga tinatanggap nila 'yung anak nila. 'Yung iba tinakbuhan ang responsibilidad sa anak nila. 'Yung iba nagpalaglag. 'Yung iba... GUSTO KO IPATAPON SA DULO NG KALAWAKAN!

Naaawa ako sa magulang nila. Akala nila okay sa magulang nila na ganun 'yung nangyari sa kanila. Sa totoo lang, natatakot at nalulungkot sila. Una sa lahat, iniisip ng magulang nila na magpagkukulang ba silang ginawa o pinabayaan ba nila 'yung anak nila na nagkaganun sila. Pangalawa, iniisip ng magulang nila ang future ng kanilang anak at ang apo nila. Gusto nila maganda ang kinabukasan nilang dalawa. Pangatlo, iniisip ng magulang nila kung kaya ba ng anak nila na gawin ang responsibilidad nila bilang ina o ama sa kanilang anak. AT MARAMI PANG SILANG INIISIP! Kahit papaano, pinipilit nilang gawin ang lahat para hindi 'yon ipakita sa kanilang anak.

Nangyari na 'yan sa pamilya ko, madali ako makabasa ng tao. Alam ko kung ang magulang ko ay hirap at pagod na sila. Mapapansin ko 'yun sa mga kilos nila. Minamasdan ko sila. Akala nila hindi ko napapansin 'yung mga ginagawa nila. May pake ako at hindi lang halata.

Bilang anak, dapat tayo 'yung mag-aadjust sa magulang natin at hindi sila 'yung mag-aadjust para sa atin. Ilang taon tayo inalagaan ng magulang natin. Ilang taon sila naghirap para sa pangangailangan natin. Ang MAKAPAGTAPOS SA PAG-AARAL ay MALAKING REGALO para sa kanila. Makita lang tayo ng magulang natin na ginagawa natin 'yung mga responsibilidad natin ay masaya na sila doon. Makita lang tayo na may magandang trabaho ay maluwag na sa pakiramdam para sa kanila. MAHAL NA MAHAL KO ANG MAGULANG KO!

Bakit SINGLE pa rin AKO hanggang ngayon? [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon