Sulat

464 2 0
                                        


_____________________

"Baby." bulong saken ni Kroy habang yakap yakap ako sa likod.

"Hmm?" tanong ko.

"Date tayo?" balik niyang tanong saken.

"Sure." naka ngiti kong sagot at humarap sakanya. "Hintayin mo'ko. Magbibihis lang ako saglit."

"Okay." pagpayag niya at ngumiti.

I don't know if it's just me. Pero iba yung ngiti niya ng araw na yon. Iba rin ang mga tingin niya saken. Weird pero hinayaan ko nalang at hindi ko pinansin.

---

"Baby, eto na ice cream mo." sabi ni Kroy sabay abot ng ice cream saken. Gabi na pero andito parin kami sa park na lagi naming pinupuntahan.

"Oh. Bakit isa lang tong ice cream?" nagtataka kong tanong.

"Share tayo haha." sabi niya sabay ngiting nakakaloko. Napailing nalang ako sa kabaliwan nya.

"Kanina ka pa ganyan. Ano bang nakain mo at nasobrahan ata pagka clingy mo ngayon?" natatawa kong tanong.

Bigla syang natigilan pero agad ring ngumiti.

"Baby may sasabihin ako." sabi nya at tumingin sa langit na may napakaraming bituin.

"Ano 'yon?" tanong ko habang kinakain yung ice cream na binili nya.

"Kahit anong mangyari lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita." seryoso nyang sabi sabay tingin saken.

Napatingin din ako sakanya at ngumiti ng matamis. "Alam ko naman 'yon. Mahal na mahal din kita."

Linapit nya ang mukha nya saken sabay hinalikan ako sa labi. Hinalikan ko rin sya pabalik sabay hawak sa batok nya. Alam ko at ramdam ko na punong puno ng pagmamahal ang halik nyang 'yon.

---

Hindi ko alam na 'yon na pala ang huli. Huli nyang sasabihin na mahal na mahal nya ako. At huling matamis na halik nya saken na punong puno ng pagmamahal.

Dahil pagkatapos ng araw na 'yon, iniwan na nya ako. Sabi mo mahal nya 'ko pero bakit nagawa nya akong saktan?

---
2 months ago...

"Hi manong. Anjan po ba si Kroy?" tanong ko.

"Ikaw ba si Tami hija? May pinapabigay siyang sulat sayo. Eto oh." sabay bigay saken ng sulat. Nagtataka man pero kinuha ko parin.

❝Hi baby. Siguro wala na ako jan ngayon habang binabasa mo 'to. Tandaan mong mahal na mahal kita at masaya akong nakasama kita bago ako umalis. Ayaw ko man pero kailangan kong umalis para hindi ka pakealaman nila mommy. Ayaw kong saktan ka nila. Ayaw kong saktan nila ang babaeng mahal na mahal ko. Masakit man pero pinapalaya na kita Tami. Learn to love someone else, someone better than me.❞

ONE SHOT STORIES [TAGALOG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon