Hi readers! Dito sa story na 'to, tuwing may '--------' is ibang day ulit 'yon ha? Baka malito kayo haha.
*******
"Saan mo pa gustong pumunta?" tanong ni Elton.
"Wala," tipid na sagot ko.
"Hm? Eto palang yung una nating pinuntahan. Ayaw mo na bang mamasyal?" tanong niya ulit.
"Ayoko. Tara na. Masakit yung ulo ko," palusot ko. Ayaw ko talagang mamasyal ngayon. Naboboring ako.
"Ngayon lang ulit tayo nagkasama. Lagi ka nalang kasi nasa trabaho. Hindi mo na ba kaya?" ang kulit niya tss.
"Ayoko nga sabi eh! Pagod ako okay?" sabi ko at naglakad na palayo. Pupunta ako sa sasakyan namin, kung ayaw niyang umuwi bahala siya.
Naramdaman kong sinundan niya ako. Hindi ko alam pero naiinis talaga ako. Ayoko siyang kasama ngayon.
Binuksan niya yung pintuan sa may passenger seat kaya pumasok na ako. Oo, gentleman naman lagi si Elton kaya sanay na ako.
"Gusto mo bang bumili muna tayo ng gamot?" tanong niya. Umirap ako sa hangin.
"'Wag na. Diretso na sa bahay," sabi ko habang nakatutok sa cellphone ko.
"Sige. Magpahinga ka nalang muna," sabi niya. Sumulyap siya saken at ngumiti.
---------
"Love, pinagluto kita ng dinner." salubong niya saken pagkauwi ko galing sa trabaho. Ala una na ng madaling araw at sobrang antok na antok na ako.
"Sorry, pagod ako. Ilagay mo nalang muna sa ref." sabi ko at napapikit, pagod talaga ako. Dumeretso na ako sa kwarto.
"Ha? S-sige." sagot niya.
----------
Pagkabukas ko ng pintuan ng condo namin, naabutan ko si Elton na nakahiga sa may sofa. Mahimbing siyang natutulog at mukhang pagod. Kakauwi ko lang galing sa trabaho, siguro hinintay niya pa ako.
Naglakad ako dahan dahan kaso naramdaman ata niyang dumating ako kaya nagising siya. Mukhang antok na antok pa siya.
"Love, anjan ka na pala. Gusto mo bang kumain? Ipagluluto kita," aniya at pilit na bumangon.
"Hindi na. Matulog ka nalang muna, pagod na pagod ka. May tatapusin lang ako," sabi ko.
"Sige. Tara na sa kwarto. Gisingin mo ako kapag may kailangan ka," tumango ako sakanya.
-----------
Andito ako ngayon sa labas ng condo namin. Hindi ko mahanap yung susi, naiwan ko ata kanina.
Nag doorbell nalang ako. Ayaw ko sanang istorbohin si Elton sa pagtulog niya pero naiwan ko yung susi.
May narinig akong bumagsak sa loob. Anong nangyare? May nabasag ata.
"Elton?! Andito na ako. Pakibuksan yung pinto," sabi ko at kumatok nalang pero walang sumagot.
"Elton! Okay ka lang ba? Anong nangyayare jan!?" sigaw ko para marinig niya ako pero hindi parin bumubukas yung pintuan.
Humingi ako ng duplicate key, kilala naman nila ako dito. Agad kong binuksan yung pintuan at naabutan ko si Elton na nasa sahig at sumusuka ng dugo.
"Love!" dali dali akong pumunta sakanya.
"A-anong nangyayare sayo?" tanong ko at mangiyak ngiyak na. Kitang kita ko na hirap na hirap siya.
Hinawakan niya yung kamay ko kahit na nanginginig siya. Tumigil na rin siya sa pagsuka.
"O-kay lang ako. Sorry n-nagkalat pa ako. Tulog na tayo?" nagsasalita siya na para bang walang nangyare pero ramdam na ramdam kong nahihirapan siya.
"Tumigil ka nga! Ano bang nangyayare sayo? Punta tayo ng hospital," sabi ko at tumayo na.
"W-wag na. Okay lang naan ako. Normal lang naman ang magsuka," mahinang sagot niya.
"That's not normal! You're puking blood!" nagpapanic na ako.
"Wag na. Please. I want to sleep with you tonight. I want to be with you until--.." napatigil siya at napapikit.
"A-are you okay? Tell me. A-anong masakit?" natatarantang tanong ko.
"Wala. Let's sleep?"
Wala na rin akong nagawa at inalalayan ko siyang pumunta ng kwarto.
"Love." tawag niya saken habang nakahiga kaya tumingin ako sakanya.
"Bakit? May masakit ba? Gusto mo bang pumunta na tayo ng hospital?" sunod sunod kong tanong pero tumawa lang siya ng mahina. I missed his laugh.
"No. Uhm nothing. Let's sleep? " sabi niya at napapikit na, inaantok na ata talaga siya.
"Hm. Okay," I said and gave him a smack kiss on the lips. Naramdaman kong ngumiti siya pagkahalik ko sakanya.
"I love you. Always remember that," mahina niyang sabi.
"Kahit na anong mangyare 'wag kang matatakot na magmahal ulit," bulong niya kaya hindi ko na masyadong narinig.
"I love you too, and I'm sorry," I said and smiled.
"Sorry rin," bulong niya ulit.
Nagising ako sa sinag ng araw. Tumingin ako kay Elton pero nakatulog pa ata siya. Niyakap ko siya.
Tinapik ko yung pisngi niya para gisingin siya pero walang nangyare.
"Love? Gising na," sabi ko at hinalikan siya sa pisngi pero wala parin.
"Love. Uy," hinawakan ko yung kamay niya, medyo malamig 'yon.
Niyakap ko siya pero para akong hindi makagalaw dahil wala akong marinig na tumitibok sa may bandang dibdib niya.
"N-no. No. No." hinawakan ko ulit yung kamay niya at doon na sunod sunod na nagpatakan ang mga luha ko.
"A-andaya mo naman eh! 'Wag ka namang mantrip ng ganto, please. Hindi 'to totoo diba? Gumising ka na jan, please, please," mahina kong sinapak yung braso niya. Nanginginig na rin yung mga kamay ko.
Humagulgol ako ng iyak hanggang sa may napansin akong papel na nakaipit sa may cabinet. Agad ko 'yong kinuha at binasa.
Napatakip ako ng bibig habang binabasa yung nakasulat sa papel.
"N-no. I'm s-sorry, love. I'm really sorry." at mas lalo pang humagulgol ng iyak.
I love her, I really do. I'm willing to do everything just to make her happy. I want to be with her forever, but... I can't.
May mga bakas ng basa yung papel. He was crying. Umiyak siya pero wala akong ginawa kundi magsungit at ipagtabuyan siya.
1 month. 1 month sabi ng doctor bago kumalat yung sakit ko. Masakit. Sobrang sakit. Pero wala akong pakealam. As much as I can ayaw kong malaman ni Kate 'to. Ngayon na yung huling araw at bukas ay maaaring wala na ako.
Para akong dinudurog. Wala akong kaalam alam sa nangyayare sakanya. How dare I.
I'm happy. Kasi kahit sa huling araw ko lang, narinig ko ulit sakanya yung salitang gustong gusto kong marinig, yung 'i love you' niya. I missed that. I missed us.
"I-I missed you too. I miss you so much. I'm s-sorry. Sorry." ang sakit. Ang sakit sakit.
At mas lalo pa akong nanlumo pagkabasa ko ng pinaka huli niyang sinulat. Medyo magulo na yung sulat niya pero naiintindihan ko parin.
I know you're reading this. Kung nababasa mo 'to alam kong wala na ako. Kasi pag anjan pa ako hindi ko 'to ipapabasa sayo at siguradong nasa basurahan na 'to. Ilang beses ko ng sinabi sayo na mahal na mahal kita, at ayaw kong nakikita na malungkot ka. Masakit saken na sabihin 'to. Pero kailangan mo na akong pakawalan. Tama na. Hanggang dito nalang tayo. I love you so much that's why I'm letting you go.

BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES [TAGALOG]
Short StoryCompilations of one shot stories. Romance, Mystery/Thriller, Horror, Comedy, etc.. Enjoy reading! ^^ 011119