_________"Wag mong sasabihin na pupunta ako sa bahay nila ah." banta ko sa matalik na kaibigan ni Yuan habang kausap ko sya sa telepono.
"Ha? W-wait. W-wag mun--" di ko na sya pinatapos sa pagsasalita at pinatay na ang tawag.
Kakarating ko lang galing sa Canada at hindi ko pinaalam na uuwi ako para surpresahin siya.
3 years. 3 years din kaming hindi nagkita kaya naman sabik na sabik akong yakapin at halikan siya. Sobra ko siyang namiss.
Naalala ko pa nung bago ako umalis, nagpropose siya saken. Pero hindi pako sumasagot at ngayon balak ko na siyang sagutin dahil okay na ang lahat.
----
Masaya akong naglakad papunta sa bahay nila habang bitbit ang regalo ko para sakanya.
Nagtaka ako ng nakita kong medyo bukas ang pintuan ng bahay nila. Di nako kumatok at nagdire diretso nalang na pumasok.
Pagkapasok ko ng bahay, naabutan kong nagkalat ang mga gamit niya. Ang daming upos ng sigarilyo at mga bote ng alak sa salas.
Napatingin ako sa pintuan ng kwarto niya. Hinawakan ko ng mahigpit ang regalo ko at tyaka naglakad papunta sa kwarto.
Napatingin ako sa regalo ko para sakanya at napangiti. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto.
"Sur--" napatigil ako sa sasabihin ko nang makita ko siya... sila. "--prise."
Siya dapat ang susurpresahin ko pero parang ako ata ang nasorpresa. Ang mas masakit pa don, bestfriend ko pa. Ha. Ha. Ang saya.
"L-love?" gulat na tanong ni Yuan saken tyaka dali daling humiwalay sa kaibigan ko.
Lumapit siya saken at niyakap ako. "W-wala lang 'yon, love."
"Wala?" di maka paniwalang tanong ko at sarcastikong tumawa. "Wala? So ano 'yon? Naglalaro lang kayo ng patungan ganon?"
Napayuko siya at nanginginig na hinawakan ang kamay ko pero bigla kong tinabig ang kamay nya kaya nagulat sya.
"S-sorry." nakayuko niyang sabi.
Lumapit ako sa bestfriend ko na ahas na pala ngayon at hinampas sa mukha nya ang regalong hawak ko.
Hinila ko ang maganda at mahabang buhok ng malandi kong bestfriend at kinuha 'yong gunting sa drawer sabay putol sa buhok nya.
"Aahh!!" sigaw nya.
Gulat na gulat silang napatingin saken. Napangisi ako at humabol pa ng isang malakas na sampal kay Yuan sabay bato ng regalong hawak ko.
"Well.. SURPRISE BITCHES." huling sabi ko at umalis na.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES [TAGALOG]
Cerita PendekCompilations of one shot stories. Romance, Mystery/Thriller, Horror, Comedy, etc.. Enjoy reading! ^^ 011119