Pillow

310 1 0
                                        

"Kumain ka na. May binigay si mommy na pagkain naten." sabi ko kay Josh dito sa tabi ng kama ko.

"Bakit ba ayaw mong kumain? Galit ka ba?" tanong ko ulit sakanya pero wala akong narinig na sagot.

"Bat ka galit? Anong nagawa ko?" pero wala pa ring sagot. Naiinis na ako ha.

"Bakit ba ayaw mong sumagot!? Lagi ka nalang ganyan!" sigaw ko at sinapak sapak siya.

"Ate! Ano bang ginagawa mo?! Tama na yan! Tama na.." napatingin ako sa pintuan nang bigla itong bumukas at iniluwa ang kapatid ko.

"Etong si Josh kasi e! Nakakainis. Ayaw akong kausapin." sumbong ko sa kapatid ko.

"Ate ano bang sinasabi mo? Ate wala na si kuya josh. Tanggapin mo na. Hindi na siya babalik! Tigilan mo na yang pag kausap sa unan. Hindi siya yan." sabi ng kapatid ko na ngayon ay umiiyak na.

Hindi. Hindi 'yon totoo e. Hindi. Hindi.

"Hindi lang naman ikaw yung nawalan ate, kami rin. Napamahal na kami kay kuya josh. Pero nagpapakatatag kami. Sana ganon ka rin ate." nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko.

Tumingin ako sa unan na katabi ko. Binigay niya 'to nung last anniversary namin. Kasi alam niyang gustong gusto ko ng unan.

Lumapit saken yung kapatid ko at kinuha yung unan na bigay ni Josh. Sinubukan kong kunin pero nilayo niya.

"I'm so sorry. I'm really sorry ate. But you need to move on." sabi niya at may isang patak ng luha na lumabas sa mata niya bago siya tumalikod.

Sinubukan kong abutin yung unan pero hindi ko magawa.

"N-no! Ibalik mo si Josh! Please! Josh!" sigaw ko at pilit na kumakawala sa mga bagay na nakakabit sa paa at kamay ko.

Sunod-sunod na nagpatakan ang mga luha ko kasabay ng pagsara ng pintuan.

Wala na. Wala na si josh.

I smiled bitterly and cried silently.

------

Medyo konti lang 'to. Don't worry babawi ako sa next stories/updates ko :)

Tatry ko rin na gumawa ng mga hindi hopeless hahaha. Puro masasakit yung stories ko jusko. Napaghahalataang bitter :(

ONE SHOT STORIES [TAGALOG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon