Aces

382 8 0
                                    

Chapter 1 

Nagising ako sa ingay ng telepono

"Meg bumangon ka at sagutin mo nagluluto pa ako ng agahan"

"MEGAN ANO BA!" bumangon na lamang ako at inabot ang telepono

"Hmm" 

"Goodmorning, may I talk to Ms.Princess Megan Bernardino?"

"Speaking" walang gana na sabi ko habang kinukusot ko ang aking mga mata

"I would like to inform you Ms. Bernardino that you can now transfer to Aces College and we will be expecting you on-" ang kaninang namumungay na aking mga mata ay ngayo'y dilat na dilat na.

"A-ANO PO? PWEDE PO BANG PAKI-ULIT?"

"I said, you can now transfer here in Aces college. Since you're enrolled already just go to Aces' website and print your schedule" when the call ended dali dali akong nagpunta sa kusina at niyakap si tita "thank you tita. I'll repay you soon" 

Tita gale is my mom's elder sister. Namatay si mommy last year because of heart failure. As for my father, I never met him. Now I'm on my own, tita Gale stood by my side to guide me.

"Bakit ka ba dyan natulog sa sala? at anong oras ka ba nakauwi ha? alas tres ng madaling araw wala ka pa" hinainan ako ni tita ng pagkain sa plato ko

"Tita diba nga hanggang ala syete ng gabi ang trabaho ko sa restaurant tapos alas otso naman hanggang madaling araw sa bar ang gig ko. Sa sobrang pagod ko po di na ako umabot ng kwarto sorry po"

"Pinapagod mo masyado ang sarili mo meg kaya ko naman bayaran ang pagpatuloy mo kolehiyo" I still prefer to work, tita helped me and my mom so much with the hospital bills during her treatments. We owned a restaurant pero naibenta na namin ito. May iniwan na trust fund si mommy sakin pero ayokong maghintay na maubos ito before I work my ass off.

"Yes tita. Ayoko lang po i-asa naman sayo lahat ng gastos "

"Ay oo nga pala megan ngayong  darating na Sabado naku pasensya na't nakalimutan kong sabihin sabay tayong pupuntang Manila at didiretso na akong Washington pero kung gusto mo sasamahan na muna kita sa Manila, ipapa kansela-"

"Ayos na po ako! You did so much for me tita. Salamat po talaga"  nang matapos kaming mag-agahan ay naligo na ako at nagbihis. Mag re-resign na ako ngayon sa restaurant at sa bar na pinag tatrabahuan ko.

"Boss Kenji" napatingin si boss sakin habang may ginagawa sa laptop niya.

" oh Meg, tuloy ka" umupo ako sa upuan na nasa harap niya. 

"Boss salamat sa pag tanggap mo sakin dito sa restaurant at sa lahat ng tulong mo. Sa Manila ko na po itutuloy ang pag-aaral ko"

"Meg masaya akong magpapa-alam sayo kung para din ito sa ikakabuti mo" naging maayos ang huling pag-uusap namin at dumiretso na ako sa bar upang ipagpaalam na rin ang pag alis ko. Uuwi na sana ako sa bahay ng maalala kong kailangan ko nga palang mamili ng mga damit. Nang makarating na ako sa mall ay agad akong namili sa mga boutique, may nakita akong floral dress at sa tingin ko ay babagay siya sakin. Kukunin ko na sana nang may naka unang kumuha, nung tinignan ko kung sino ay napanganga na lang ako ..

ang ganda naman niya..

"Hi I'm sorry but can I have this? this is my first time in Davao and namimili lang ako kasi uuwi na ako bukas" I just nodded and walk away. There's a lot I could choose from so it's not a big deal anyway.

"Miss excuse me?" lumingon ako nung tinawag niya ako ulit.

"Are you from here? I know this may sound absurd but can you tour me around the place. I'll give you this dress or money, if you want? or anything just name it. I just don't have someone to  spend the day with" I admit it naawa ako sakanya kaya pumayag na rin ako.

"I'm megan by the way, taga san ka ba?" naglalakad kami papuntang restaurant para kumain.

"Misha kim from Manila. I just went here to relax so toxic na kasi ng buhay ko lately buti na lang I found you! You look nice kasi kaya I approached you na" Masaya naman kasama si Misha at ang daldal pala niya. Nag enjoy din akong kasama siya we're almost alike. Gabi na rin ng kailangan ko ng magpaalam mag-aayos pa ako ng gamit bukas kaya kailangan ko na mag pahinga.

"Misha I have to go" 

"Can't you stay a little bit longer meg? I want to have fun pa with you"

"I can't Misha sorry" kinuha niya ang phone ko at nilagay ang number niya.

"Call me if you need anything meg ok? Why kasi you don't want me to pay you or give you anything man lang!" I can't believe you can be this comfortable with a person you just met. Tumungo na kaming parking lot dahil ihahatid na raw niya ako sa bahay. Nang makauwi na ako ay agad na akong nagpahinga.

What Lies Beneath MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon