030;

401 13 0
                                    

Jesse

Habang naglalakad ako papasok ng airport ay may nakita akong pamilyar na tao..

'Sino yun??' Nasa isip ko

Nang higgitin naman ako ni ate ay binalewala ko na lamang ito at nagpa-check na ng mga gamit ko dahil ngayon ang alis na kami.

Hindi na kami babalik dito....Hindi ko na rin siya makikita.

Jowk lang ano!! Masyado kong mahal tong korea para iwanan!! kahit naman iba gusto ng crush ko. dito ko pa rin gusto tumira. Well magbabakasyon lang naman muna kami sa US dahil bibisitahin namin sila lolo at lola dahil birthday ni lolo bukas at sa susunod na araw ay birthday ni lola.

tutal wala namang gagawin sa buong week na ito dahil may ibang event ang school edi pwede na akong umabsent.

"Ano na naman bang iniisip mo?"tanong ni ate.

"Wala!" Sabi ko at umirap, papaano kanina pa ako ginugulo nito dahil hindi ko daw makikita crush ko ng isang linggo.

'Big deal ba yun?'

'Medyo tutal mahal ko parin yun kahit iba mahal niya..'

'Eh lang ang drama mo Jesse ah??'

Tsk...

Nang magsimula na kaming sumakay sa airplane ay yun pa rin ang iniisip ko kaya itinulak ako ni ate para makuha ang atensyon ko.

"Ano ba?!"inis na tanong ko kaya siya naman ang umirap sakin.

'Mana talaga ako rito'

"Wag mo na munang isipin yang crush mong di ka gusto" sabi nito at humalakhak. batukan ko kaya ito? Kahit paisa lang lalakasan ko na.

"Namemersonal ka na ah! tsaka hindi naman siya iniisip ko!"inis kong sabi rito.

"Ok..diyan ka na sa likod ko umupo dahil katabi ko si mama si papa at kuya magkatabi na" sabi niya sabay turo sa likod at yung naka-upo roon ay yung pamilyar na lalaking nakita ko kanina.

Nang maka upo ako sa tabi ng bintana ay pasimple ko uling tinignan ito, nakakailang beses ko nang ginagawa iyon sakanya pero ni hindi niya man lang ako sinisita.

'Baka tulog, pero ang pogi ah!' nasa isip ko. Kaya napapailing naman akong umayos ng upo.

Kamukha siya ni ano hehehehe, Simula kanina palang nung una ko siyang makita. Hindi ko kasi ito makita masyado dahil sa Naka shades ito at may mask pa't natatakpan ng hood niya ang ulo niya.

Pero kamukha niya talaga si ano. Hiheihehehehe.

"Pamilyar talaga yang mukha mo" sabi ko kaya bigla naman nalaki ang mata ko at napatakip sa bibig ko ng gumalaw ito kaunti. Mabuti nalang ay hindi ito nagising.

Tinignan ko nalang muli ang mukha niyang nakatapat sakin mismo ngunit mas kinabahan naman ako nang magsalita na ito.

"Baka naman matunaw na ako niyan" ani nito kaya imbis na bibig ko ang matakpan ko eh mata pa mismo. Parang timang lang??

"Anong ginagawa mo Jesse??"

"Hala ikaw nga!!"

ғʀɪᴇɴᴅᴢᴏɴᴇ | ᴠsᴏᴏTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon