Jesse
Nang mapagod ako katatakbo ay napag-ispan kong maglakad na muna. Ang shunga shunga ko kasi nakaheels pa ako with matching a dress, dahil pagkatapos ng year end party sa school ay hindi na ako nagpalit. kaya dashi run~ run~ run~ tuloy. -,-
'Mukha na akong lantang gulay, kaunti nalang plakda na ako' nasa isip ko, Tanong may isip pa ba ako?? eh haggard na haggard na lola niyo.
Sobra naman akong kawawa nito -.- yaw ko na..
Nang makarating ako sa pinto ng view deck ay napansin kong maingay kaya lalo kong binilisan. Ngunit bago ko pa mabuksan ay may humigit sakin at sinabing kailangan ko raw mag ayos?? Seryoso, away po pupuntahan ko hindi po isang pageant.
Sa sobrang dami kong tinanong sa mga humigit sakin ay ni-isa wala silang sinagot, tampalin ko kaya sila isa isa?? Pero sa sobra naring pagka-tamad at pagka-pagod ko ay hinayaan ko nalang sila gawin ang gusto nila sakin.
"Ano ba talagang meron??" Tanong ko nang ihatid nila ako sa view deck uli. Pansin ko rin kasi na ang mga glass wall ay parang tinakpan ng kurtina. At saka parang wala lang sa ibang staff na may away palang nagaganap, yung guard nga sa pintuan dyan sa view deck eh nakatayo lang, akala mo walang nangyayaring rambulan.
"It's for you to know" sabi nung isang bading saka kumindat. -.-
Iniwan naman nila ako at nagpaalam, kino-congrats nga nila ako eh kaya nag thank you nalang ako kahit hindi ko alam kung anong meron talaga.
Rinig ko ang pagtunog ng phone ko at nang makita ko ito ay tumatawag ang kapatid ko.
"ANO?!" pasigaw kong tanong. At rinig ko naman ang pag 'tsk' ng magaling kong kapatid.
"ASAN KA NA BA?!" Pasigaw rin niyang tanong. Napa-irap naman ako.
"May tumangay saking isang bakla at dalawang babae tas inayusan nila ako" simple kong sagot.
"Oo na!! Bilisan mo na ang hirap awayin nitomg dalapugo oh!!" Sigaw niya kaya naman napairap ako.
"Ito na palabas na akong view deck" sabi ko ng mahinahon.
"K. Ang liit mo. Byeee" sabi niya saka ibinaba ang tawag.
'Bastos talaga ng balikat na yun kahit kelan' sabi ko sa sarkli ko. Mukhang masyado ng napapadalas ang pagsasalita ko sa sarili ko ah??
Nang tuluyan na akong makalabas ay nagulat naman ako dahil wala naman talagang nag aaway at isa pa, ang daming decorations sa paligid na parang pang masquerade ball.
Ang daming ilaw, upuan at lamesa, meron rin namang mga tumutugtog ng violin sa gilid at sa gitna ay may stage at mayroon dung mga design na ang elegante tignan. Kung titignan mo ngayon itong view deck ay mas nabuhay ang itsura nito.
Pero mas nabigla ako ng may magsipag labasan na mga tao. At lahat sila ay mga kakilala ko. They're all wearing their gowns and suits. Pero stand out parin ang suot kong gown.
Isa-isa namang lumapit ang iba at binigyan ako ng flowers na pula. At bawat isa roon may letter.
Yung una ay letter I na galing kay Taeyong..Sumunod naman na yung L, O, V, E, tsaka lumabas rin ang Y at O.
"Nasan yung U??" Tanong ko kay Jungkook tutal siya ang nagbigay ng letter O.
"Na sakin" I heard some one say it in a deep tone.
Lumingon naman ako sa harapan nang umalis na sa tabi ko si Jungkook and then I saw him. Tyrone Kim.
He slowly walked towards me and I can already hear my heart, beating so fast..Pero Feeling ko ay hindi na ako makahinga ng makalapit siya sakin at ibinigay niya ang rose na pula at nakasulat dun ang letter U.
BINABASA MO ANG
ғʀɪᴇɴᴅᴢᴏɴᴇ | ᴠsᴏᴏ
Storie brevi"pasalamat ka crush kita, kundi nasapak na kita!!" 101818 122518