"Ma,kaylangan paba talaga nating lumipat? Okay naman tong bahay natin ah? Ba't pa tayo lilipat?" Naiinis na tanong ni Veronika sa kanyang ina.
"Veronika Nomnishka! Ilang beses ko bang sasabihin sayo? Na hindi atin tong bahay na to, nangungupahan lang tayo dito. Pinamahan ng lola mo ang Papa mo ng bahay at lupa, syempre dun na tayo kesa magbayad tayo buwan buwan sa bahay na ito. Hindi naman mapupunta sa atin. Hay naku! Imbis na magmaktol ka riyan, mas mabuti pang tumulong ka na lang magbalot balot ng gamit, di yung nakatunganga ka lang riyan." Dada ng kanyang ina.
"Haist!" Inis na maktol ng dalaga na iritadong kinamot pa ng marahas ang kanyang batok.
"Sabing tumulong ka e!" Sita ni Lizet sa anak ng makita niya ang pagdadabog nito.
"Oo na! Oo na! Kase naman e!" Hirit pa ni Veronika.
"Naku Venom! kung ayaw mong sumamang lumipat eh di dumito ka, ikaw magbabayad sa renta, magbabayad sa kuryente,tubig at umasikaso sa sarili mo. Ganun lang ka simple, wag kang mag inarte!" Sabi ng kuya Dice niya. Imbis na sumagot ay ginaya gaya lang ito ni Veronika sa nang iinis na paraan habang naglalakad palayo.
"Kainis naman e! Palipat lipat pa e!" Nagdadabog na sabi ni Veronika ng makapasok siya sa kanyang kwarto. Pabalya niyang sinara ang pintuan ng kanyang kwarto na ikinasigaw ng kanyang ina.
"Veronika!!!" Sigaw nito sa pangalan niya. Alam niyang nainis ito sa ginawa niya.
"Ito na! Ito na! Nagbabalot na po!!" Ganting sigaw ni Veronika sa ina syempre ng may paggalang. Wala siyang nagawa kundi ang mag impake na rin. Naiinis siya dahil malayo ang bahay ng kanyang lola, wala siyang kakilala duon at malayo pa sa pinag tratrabahuan niya. Malayo sa syudad at parang napakaliblib pa nun. Isipin mo na lang, dalawang oras papunta dun? Alas syete ng umaga ang pasok niya pag day shift siya alas 5 naman ng hapon pag grave yard shift siya. So, day shift siya papaano siya pupunta sa pinagtratrabahuan ng di nalilate? Lilipad papuntang syudad? Pag nagkataon dapat alas tress pa lang gising na sya at dapat 4am pa lang bumebyahe na sya. Seriously?? 4am? Not funny..its not funny at all! Hindi niya maiwasan magdabog sa isiping iyon. Kung tutuusin kaya niyang magbayad ng renta, kung di lang siya kumuha ng sasakyan na hanggang ngayon ay hinuhulugan pa rin niya malamang sa malamang matagal na siyang bumukod ng bahay, total she's old enough to separate from her parents. Di siya gagaya sa kuya at ate niyang palamunin ng parents nila.
"Hoy,Venom! Mom's asking if you're ready. Were going any minute now." Nagulat si Veronika ng biglang bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto at iniluwa nun ang kanyang ate Alona. Di man lang ito kumatok.
"Ito na nga,ito na... nagmamadali kase eh. Parang malalate lang?" Maktol nanaman niya.
"Kanina kapa riyan sa pabalang mo na sagot ha! Makakatikim kana sakin!" Pagbabanta ng kanyang ate alona. Gusto pa sana niyang sumagot pero sa takot na baka kutusin siya nito ay ngumuso na lamang siya.
"Dalian mo at baka gabihin tayo sa daan!" Hirit pa ng kanyang ate bago ito lumabas ng kanyang silid, ni hindi man lang nito sinara ang pintuan. Walang nagawa si Veronika kundi ang mag madali sa pag iimpake. Actually nakapag impake naman na siya but since ayaw niya ng bumalik para humakot ulit ng kanyang gamit ay hinakot na niya halos lahat ng gamit niya sa loob ng kanyang kwarto. Nang matapos na sa kanyang pag iimpake ay agad nang inilabas ni Veronika ang kanyang mga gamit. Nakita naman niyang nailagay ang lahat ng mga gamit nila sa family service nila. Kaya naman idineritso na niya ang kanyang mga gamit sa kanyang sasakyan.
"May gamit kapa bang natira sa loob anak?" Tanong ng kanyang ama.
"Dalawang karton pa po tay." Sagot naman niya. Bigla namang tinawag ng kanyang ama ang kanyang kuya na kampanteng naka upo sa loob ng sasakyan at naglalaro ng COC nito. Nagdadabog na bumaba ng sasakyan ang kanyang kuya ng marinig nito ang tawag ng kanyang ama.
"Ano ba kasing pinag dadala mo?!" Inis na tanong nito sa kanya.
"Dice!" Sita naman ng kanyang ama kaya wala itong nagawa kundi ang hakutin ang natira pa niyang gamit."Ang laking bahay naman nito Pa!" Bulalas ng kanyang kuya Dice ng makapasok sila sa loob ng bahay.
"Hindi naman ito bahay e! Mansyon ito!" Dag dag pa ng kanyang ate Alona.
"Bahay pa ito ng Lola ng Papa nyo, pinamana sa Lola Ading nyo at ngayon ay pinaman sa Papa nyo." Sabi naman ng kanilang ina.
"Matagal nang patay si Lola Ading ma, bat ngayon lang to binigay kay Papa?" Takang tanong ni Dice sa kanilang ina.
"Pinarentahan kase ito ng Papa nyo nuong nagkakasakit na ang Lola Ading nyo, naka kontrata iyon kaya hindi basta basta mapapaalis ang mga iyon dto." Sagot naman ng kanilang ina na nag umpisa nang magbuhat ng mga gamit.
"May umuupa naman pala dito ma eh, bat di na lang pinagpatuloy ni Papa yung pag paparenta dito?" Tanong naman ni Veronika.
"Gustohin man ng Papa nyo yun ay wala rin namang mangyayari. Una sa lahat walang rerenta sa ganito kalayong lugar, pangalawa, yung rumenta nitong bahay ay di na rerenta pang muli. Actually they just stay here for couple of months then bumalik na sa sila sa states. Pabalik balik sila dito nung una pero nung huli ay di na sila tuluyang bumalik. Naka pag advance na kase ang Papa nyo nun dahil nagkasakit ang lola nyo. Beninta na ito sa kanila ng Papa nyo e, nung una interesado sila pero biglang nagback out. Ewan ko kung bakit kahit ang Papa nyo di rin alam." Paliwanag naman ng kanilang ina.
"What if kung ibenta ito sa bangko ma? Im sure pag aagawan ito. Pwede silang magpatayo ng resort dito. Okay naman ang area eh. Maganda para gawing resort hindi para gawing bahay" sumimangot pa si Veronika sa kanyang huling sinabi.
"Anak, hindi mo ba naiintindihan? Galing pa ito sa ninuno ng Papa mo.. maraming alala dito ang Papa mong hindi pweding basta basta na lang itapon. Isapa kabilin bilinan ng lola Ading nyo na anuman ang mangyari ay huwag na huwag itong ibenta." Sagot ng kanyang ina.
"Pero ma,ikaw na rin ang nagsabi na benebenta ito ni Papa nuon." Giit pa ni Veronika.
"Anak, ang sinabi ko nuong nagkasakit ang lola Ading mo. Hindi ko sinabing hanggang ngayon ay benibenta ito ng Papa nyo" rason naman ng kanyang ina.
"Pero ma-" hindi na natapos ni Veronika ang kanyang sasabihin ng bigla siya makaramdam ng panlalamig. Napalingon lingon siya sa paligid. Walang bintanang naka bukas, ni wala ngang electrifan na naka-on, pero bakit siya nanlamig?
"Ma! May basement pala dito?" Tuwang sabi ni Alona ng buksan nito ang isang pintuan sa ilalim ng hagdanan. Nagtatakang lumapit naman duon ang kanyang ina at sinilip iyon. May hagdanang pababa ito, madalim sa parteng iyon kaya di maaninag ni Lezit kung anong meron duon.
"Hindi ko alam ito anak. Ngayon ko lang ito nalaman." Takang sabi ng Ginang. Inabot naman ni Alona ang switch ng ilaw para ilawan dun ngunit naka ilang click na siya ay di pa rin iyon umiilaw.
"Wala tayong kuryente ma?" Takang tanong nito sa ina. Biglang natutop ni Lizet ang kanyang noo.
"Naku po! Parang nakalimutan yata ng tatay nyong icheck yung fuse!" Bulalas ng ginang. Tahimik namang umupo si Veronika sa sofang nababalutan pa rin ng puting tela, ewan ba niya pero bigla siyang kinilabutan. Pakiramdam niya ay may pares ng matang nakamasid sa kanila.
"Dolfo!?.." tawag ng kanilang ina sa kanyang ama na abala sa pag pasok ng mga gamit nila.
"Ridolfo!?" Ulit nito ng di sumagot ang kanilang ama.
"Naku, Veronika di yata ako narinig ng tatay mo. Akyatin mo nga at ng macheck yung fuse sa labas" sabi naman ni Lizet sa anak. Nagulat naman si Veronika ng bigla siyang tawagin ng kanyang ina, napapiksi pa nga siya sa gulat.
"Veronika? Okay ka lang ba?" Takang tanong ng kanyang ina. Atubiling tumango siya. Gustuhin man niyang sabihin ang kanyang nararamdam, sigurado namang hindi maniniwala ang mga ito at malamang bubungangaan lang siya na kesyo ayaw niya kase sa lugar na iyon kaya kung ano ano na lang ang naisipan niyang idahilan para umalis sila duon. Tahimik na tumayo si Veronika at umakyat ng hagdanan.
"Pa?" Tawag niya sa kanyang ama ng di niya ito nakita agad. Nag palinga linga siya. Bali nasa gitnang bahagi ang hagdanan. May tatlong kwarto sa kaliwa at tatlo rin sa kanan."Pa!?" Nilakasan pa ni Veronika ang kanyang boses ngunit wala pa ring sumagot. Kaya naman napilitan siyang hanapin ang kanyang ama. Inuna niyang puntahan ang kaliwang bahagi sabay bukas sa unang pintuan na malapit lamang sa kanya.
"Pa?" Tawag niya,ngunit walang tao sa loob niyon kaya naman lumabas siya at tinungo ang kasunod na kwarto ilang hakbang mula sa kinatatayuan niya. Agad na niyang binuksan iyon para tingnan ang loob ngunit wala pa ring tao. Sa paglabas niya sa kwartong iyon ay nag palinga linga siya at nakiramdam.
"Parang wala namang tao dito.." bulong ni Veronika sa sarili. Napabuntong hininga na lamang siya at nagdesisyong bumaba na lang. Hahakbang na sana siya pabalik ng may narinig siyang tunog ng pagbukas ng isang doorknob at dahang dahang pagbukas ng pintuan. Napako naman sa kinatatayuan si Veronika at pinagpawisan ng malamig. Gustuhin man niyang lingunin iyon pero natatakot siya,ni hindi niya maihakbang ang kanyang mga paa. Maya maya pay nakarinig siya ng mga yabag ng paa, papalapit ng papalapit sa kanya. At nung naramdaman niyang napakalapit na ito sa kanyang ay biglang siyang simigaw at kumaripas ng takbo.
"Waaahhh multoooo!!!" Sigaw niya habang nagtatakbo sa takot.
"Hoy!! Venom!! Ako to! Hahaha" tawag at habol naman sa kanya ng kuya Dice nya. Ngunit parang wala na siyang narinig at deri-deritso siya sa pagbaba habang sumisigaw.
"Mama!! Papa!!" Sigaw niya habang nagmamadaling bumababa ng hagdanan.
"Oh! Bakit-Bakit?" Salubong na tanong ng kanyang ama ng marinig nito ang kanyang palahaw. Niyakap naman agad ni Veronika ang kanyang ama sa subrang takot. Nanginginig pa ang kanyang katawan.
"Bakit anak?" Nag aalalang tanong ng kanyang ama. Tawa naman ng tawa si Dice sa dulong bahagi ng hagdanan. Halos mamilipit ito sa sakit ng tyan sa kakatawa.
"Dice! Pinagluluko mo naman itong bunso nyo!" Sita ng kanyang ama sa kanyang kuya.
"Masyadong matatakutin! Ang lampa mo naman Venom! Haha" sabi pa ni Dice na di pinansin ang pag sita ng kanyang ama.
"Naku Dice ha! Di na nakakatuwa yan! Tingnan mo at nanginging sa takot si Venom!" Sita rin ng kanyang ate Alona ng makita nitong putlang putla siya.
"Para biniro lang e! Kung ano ano kase ang iniisip kaya madaling matakot!" Depensa naman ni Dice sa sarili.
"Naku! Kayo talagang mga bata kayo oo! Hala! Sige na mag ayos na kayo at maghahapunan na tayo. Oy, Dice! Tigil tigilan mo itong bunso nyo ha!" Hindi rin napigilan ni Lizet na sitahin ang nag iisang anak na lalaki. Wala namang nagawa si Dice kundi ang mapakamot sa ulo.
"Sorry na Venom.." Sabi nito sa mababang tuno. Kahit naman may pagkapilyo ito e, mahal na mahal pa rin naman nito ang bunsong kapatid. Dahan dahan namang kumalas so Veronika sa pagkakayakap sa kanyang ama at tiningnan ang kanyang kuya. Marahang bumaba naman ng hagdanan ang binata at lumapit sa kanya. Napaiyak na lamang si Veronika sa inis at takot na nadama.
"Wag mo kase akong takutin!" Inis na sabi niya sa kanyang kuya. Napangiti naman si Dice sa inasal niya at ginulo nito ang buhok niyang kulot na hanggang balikat ang haba.
"Sorry na..." sabi pa nito.
"Ako na magdadala ng gamit mo sa kwarto mo para bati na tayo,okay ba?" Bumabawing tanong nito sa kanya.
"Hmp! Kaya ko naman eh!" Sabi ni Veronika sabay palis ng luha gamit ang likod ng kayang palad.
"Ikaw pag nilalambing ka wag kang pabebe ha.." gigil na sabi ng kanyang kuya sabay kurot sa pisnge niya.
"Aray!" Reklamo ni Veronika sabay waksi sa kamay ng kanyang kuya.
"Oi,oi tama na yan. Ang mabuti pa Dice i-akyat mo na yang gamit nya at ng makakain na tayo. Madami pa tayong gagawin bukas" sabi ng kanyang ina sabay lagay ng kandila dalawang malalaking kandila sa antique na tokador na naroroon sa salas. Saka lamang napansin ni Veronika na madalim na pala sa labas. Napatingin siya sa kanyang pambisig na orasan. Alas sais na pala ng gabi at di man lang niya namalayan. Tinulungan na siya ng kanyang kuya sa kanyang mga gamit at nagulat siya ng malamang kwarto pala niya ang kwartong pinagtaguan ng kanyang kuya kanina.
"Okay kana ba dito?" Tanong ng kanyang kuya.
Alanganing tumango si Veronika.
"Ako lang ba mag isa dito? I mean sa bahaging ito?" Mat takot sa boses na tanong niya. Ngumiti naman ang kanyang kuya.
"Hindi ah.. yung kwartong malapit sa hagdanan. Yun yung akin. Kay mama at papa dun sa kabila kasunod ng kwato ni Ate Alona. At yung huling kwarto sa dulo sabi ni mama imbakan na lamang daw ng mga lumang gamit" sagot ng kanyang kuya Dice.
"A-at yung kwartong nasa pagitan natin? Bakit di na lang ako dun? Bakit kaylangan pang may pagitan sa kwarto natin?" Nagtagakang usisa ni Veronika sa kuya niya.
"Bakit kaya mo bang buksan yun? Pag nabuksan mo ng di sinisira yung pintuan sige dun ka matulog" nakangising sagot naman ni Dice, lalong lamang nagtaka si Veronika. Papaanong di iyon mabuksan e, nakapasok na nga sya dun kani-kanina lang! Kakahanap sa Papa nila.
"Pinagsasabi mo? Eh,dun kaya ako huling pumasok kanina." Angas ni Veronika kay Dice. Napangisi sabay iling naman ng ulo si Dice.
"Imagination mo napaka lakas! Papaano mong mabubuksan yun? Eh naka lock yun!" Giit pa ni Dice sa kanya. Nangunot ang noo ni Veronika sa mga pinagsasabi ng kuya niya.
"Ay naku kuya! Nang go-good time ka nanaman! Sabing napasok ko nga yun kanina eh!" Mas lalong giit ni Veronika.
"Sige-sige para matapos tong usapan na to. Sige nga puntahan natin at buksan mo. Pag di mo mabuksan matatamaan ka sakin" banta pa ng kapatid ni Veronika. Buo ang loob at sigurado naman si Veronika kaya taas noong nauna pa siyang lumabas ng kwarto at tinungo niya ang pinag uusapang silid. Nakasunod naman sa kanya si Dice hawak hawak ang kandila. Pagkarating nila sa harapan ng pintuan ay tumingin pa muna si Veronika sa kanyang kuya bago niya hinawakan ang doorknob. Kampante at siguradong sigurado ang loob na pinihit ni Veronika ang doorknob. Pinihit niya iyon ng pakaliwa at pakanan ng paulit ulit. Ngunit kahit anong pihit niya ay hindi iyon mabuksan na ikinataka niya.
"Shit! Bat ayaw bumukas?" Naiiritang tanong niya sa sarili. Natawa naman si Dice sa reaksyon niya.
"Sabi ko na sayo e! Naka lock yan papaanong napasok mo yan? Naku, Venom! Baka tumira ka ng katol huh!" Sabay tawa pa na sabi ni Dice. Naiinis tinapunan ng masamang tingin ni Veronika ang kanyang kuya.
"Oi,oi..kayong dalawa riyan. Matatagalan paba kayo? Kakain na" sabi ng kanilang ate Alona. Sabay namang napalingon si Veronika at Dice sa kanilang ate.
"Andyan na." Sagot naman ni Dice sabay tingin sa kanya at abot ng kandilang hawak nito. Napapailing na naglakad ito palapit kay Alona. Hindi na siya hinintay ng mga ito at nauna nang bumaba ang dalawa. Si Veronika naman ay takang taka, papaanong naka lock iyon? Eh,napasok pa nga niya iyon kanina.
"Its so confusing..." bulong pa ni Veronika at bigla ay nakaramdam siya ng panlalamig na para bang may umihip na malamig na hangin. Napayakap siya sa sarili at lumingon lingon siya. Wala namang bintana sa hallway na yun bakit biglang lumamig? Bigla ay parang may umihip ng hangin sa kanyang tenga na ikinagulat niya at napaiwas siya. Ang akala niya ay bumalik ang kanyang kuya para tuksuhing muli siya,ngunit walang tao sa kanyang likuran. Walang tao sa hallway na yun kundi siya lamang. Tumindig ang kanyang balahibo at napakaripas siya ng takbo,namatay ang apoy ng kandilang hawak niya dahilan para dumilim ang palibot at di niya makita ang daanan.
Isang malakas na kalabog ang nagpatigil sa kaabalahan sa pagkain nina Lezit. Lahat sila ay napatingin sa gawing likuran nila kung saan makikita ang dulo ng hagdanan. Madilim duon kaya di nila maaninag kung ano ang pinagmulan ng tunog na iyon. Agad na kinuha ni Rodolfo ang isang ilawan na may tatlong kandilang nakasindi at itinutok iyon sa gawing iyon.
"Ano yun dolfo?" Takang tanong ni Lizet sa asawa. Napakibit balikat naman ang kanyang mister. Tumayo naman si Dice para sumilip ngunit gaya ng kanyang ama hindi rin niya makita kung anong meron duon. Nakarinig sila ng mahinang ungol na para bang nasasaktan. Nagkatinginan silang mag pamilya.
"Ano yun?" Kinakabahang tanong ni Alona.
"Dolfo, ano yun?" Tanong rin ni Lizet sa kanyang mister.Marahang humakbang si Rodolfo patungo sa malawak na salas, nakabuntot naman si Lizet. Napakamit naman sa braso ni Dice ang kanyang ate Alona. Sabay sabay nilang tinungo ang pinagmulan ng ungol. Ramdan nila na papalapit ng papalapit sila sa umungil dahil mas lalo nilang naririnig iyon. Lahat sila ay nakamasid sa paligid ngunit wala silang makita.
"Saan nanggagaling ang ungol na yun?" Takang tanong ni Lizet. Walang gustong sumagot dahil wala rin namang nakakaalam kung saan iyon nagmumula. Palinga linga sila sa paligid na para bang pinapalibutan sila ng ungol.
"Ma, ano yan?? Natatakot na ako.." Sabi ni Alona.
"Sshhh! Wag kang maingay..parang kilala ko yan..." sabi naman ni Lizet na inilagay pa ang palad sa likod ng tenga para maklaro ang boses. Ngunit ganon na lamang ang gulat niya ng biglang may humawak sa kanyang paa.
"Aahhh!!" Sigaw ni Lizet sabay talon kay Rodolfo na agad namang nitong nasalo kahit nagulat ito, ngunit nabitawan nito ang ilaw na hawak hawak kaya mas lalong dumilim ang bahaging iyon.
"Aahhh!!" Sigaw rin ni Dice na ikinagulat ni Alona.
"Bakit?!" Nagtataka at medyo naiiritang tanong ni Alona sa kapatid. Hinampas pa niya ang braso ng kapatid dahil ginulat siya ng sigaw nito.
"Ma-may...ka-kamay...ma-may..ma-may..." nauutal at di matuloy tuloy na sabi ni Dice.
"May ano?!" Inis na tanong ni Alona sa kapatid dahil di nito matapos tapos ang sasabihin.
"May kamay na humawak sa paa ko!!" Sigaw ni Dice at Lizet. Dahil pareho nilang nadama iyon. Natakot naman si Alona sa kanyang narinig.
"Aahhhhh!!" Sigaw nina Lizet, alona at Dice.
"Ano ba! Ano ba! Kayo kayo lang e, nagtatakutan pa kayo!" Sita ni Rodolfo sa kanila at muli ay narinig nila ang ungol na para bang nahihirapan.
"Sino yan?!" Pasigaw na tanong ni Rodolfo sabay baba kay Lizet. Parang sumagot ang kung sino man na umungol itong muli.
"Nasan ka?! Magpakita ka!" Sigaw ni Rodolfo.
"Pa....." narinig nilang tawag nito kay Rodolfo sa paungol na paraan.
"Veronika?!" Tawag ni Rodolfo ng mabosesan ang tinig ng anak. Luminga linga siya ngunit wala siyang nakikita sobrang dilim kaya naman dali dali niyang kinuha sa kanyang bulsa ang lighter at sinindihan iyon. Pilit niyang hinahanap ang kanyang anak.
"Veronika asan ka?" Tawag niya dito. Tanging ungol lang ang naging tugon ng dalaga at nagmumula iyon sa baba! Napayuko siya sa kanyang paanan. Halos mapasigaw siya ng makita niya ang kanyang anak, may dugo sa mukha nito!
"Veronika!!" Sigaw ni Rodolfo.
"Bunso!" Sigaw naman nina Alona at Dice ng makita nila ito. Nakakapit pa ang isang kamay ni Veronika sa paa ni Dice. Umangat ng tingin si Veronika pero napayuko lamang siyang muli at nawalan ng malay.
"Pa, dalhin natin sya sa hospital!" Sigaw ni Dice na agad kinapa ang bunsong kapatid.
"Anak!" palahaw naman ni Lizet ng makita ang anak sabay kapa rito. Dali daling hinanap ni Rodolfo ang kandilang nabitawan. Nang makita niya iyon ay agad niyang sinindihan.
"Alona, kunin mo yung ibang ilaw sa kusina, dali!" Utos ng kanyang ama kay Alona. Tumango naman ang dalaga at mabilis na tinungo ang kusina. Bumalik rin naman ito agad dala dala ang dalawang lagayan ng kandila na may tig tatatlong kandilang nakatirik. Sapat iyon para lumiwaga ang buong paligid nila. Binuhat naman agad ni Dice ang kapatid at inilapag ito sa sofang nababalutan pa rin ng puting tela. Agad na sinipat ni Rodolfo ang anak. Nakahinga naman siya ng maluwang ng makita ang sugat nito.
"Hindi naman ito gaanong malalim. Lizet kunin mo yung first aid kit sa sasakyan. Dice samahan mo ang nanay mo. May flaslight riyan sa drawer gamitin nyo na. Dalian nyo!" Utos ni Rodolfo sa kanila. Agad namang tumalima ang mga ito.
"Pa, okay lang ba si bunso?" Nag aalalang tanong ni Alona.
"Okay lang sya, alam mo namang takot yan sa dugo. Hindi naman malalim ang sugat nya, sadyang madugo lang talaga." Sabi naman ni Rodolfo sa anak para mabawasan ang pag aalala nito. Dinukot ni Rodolfo ang panyong nasa bulsa nita at itinakip iyon sa sugat ni Veronika para pigilan ang pag agas ng dugo ng niyon. "Hawakan mo muna ito anak at kukuha ako ng malinis na tubig sa kusina. Para malinisan ang dugong kumalat sa mukha ng kapatid mo." Sabi ni Rodolfo sa anak, agad namang ginawa ni Alona ang pinapagawa ng tatay niya. Tumayo si Rodolfo at tinungo ang kusina. Agad rin naman itong bumalik na may dala dalang plangganita na may tubig. Inilapag nito iyon sa sahig malapit sa sofang kinahihigaan ni Veronika. Agad namang kumilos si Alona, kinuha niya ang telang nakababad roon at marahang pinahid iyon sa mukha ng dalaga.
"Pa, ito na yung first aid kit!" Biglang salita ni Dice ng makapasok sila ng kanyang ina sa salas. Nilingon naman sila ng mag ama. Iniabot agad iyon ni Dice sa kanyang tatay at inumpisahang linisan ni Rodolfo ang sugat ng anak. Saka iyon benindahan.
"Okay lang ba sya Dolfo?" Nag aalalang tanong ni Lezit. Tumango naman si Rodolfo bilang tugon. Saktong natapos si Rodolfo sa kanyang ginagawa ngarahang dumilat ang mga mata ni Veronika.
"Anak? Anak, anong nangyari sayo? Papaanong nagkasugat ka sa noo?" Tanong agad ni Lezit sa anak, umupo ito sa tabi ni Veronika. Napakurap kurap naman ng mata si Veronika sabay himas sa kanyang noo.
"Aray..." daing niya ng maramdamang muli ang sugat. Marahan siyang bumangon, inalalayan naman siya ng kanyang ina.
"anong nangyari?" Tanong muli nito sa anak. Inalala naman ni Veronika ang nangyari sa kanya at bigla ay napayakap siya sa takot sa kanyang ina.
"Ma..." sabi niya sa natatakot na boses.
"Bakit anak?" Nag aalalang tanong naman ni Lezit sa anak.
"Bakit bunso?" Tanong ni Dice na nag aalala rin.
"Ma-may hanging u-umihip sa tenga ko na para bang may bumulong... tapos...tapos napatakbo ako..tapos...." napayakap siyang muli sa ina ng may naalalang kinakatakutan niya.
"Tapos ano anak?" Nag aalalang tanong ni Lezit.
"Tapos may tumulak sakin sa hagdanan.." naiiyak na sabi niya. Nagimbal naman sa narinig ang buong pamilya. Oo, matatakutin si Vetonika. Pero hindi ito yung tipong gagawa ng storya dahil lang sa natatakot ito. Napalunok naman si Alona sa kanyang narinih at wala sa loob na napatingin sa paligid lalo na sa itaas na bahagi ng hagdanan. Ngunit wala naman siyang nakita.
"Ano kaba Veronika.. nalipasan ka lang ng gutom. Mahaba ang binyahe natin at naghakot pa tayo ng gamit. Malamang gutom at pagod lang yan." Pagsasawalang bahalang sabi ni Rodolfo.
"Pero pa...!" Giit pa ni Veronika na napatingin pa sa ama.
"Anak, alam kong ayaw mo dito. At naiintindihan ko iyon. Pero hindi magandang magsalita ka ng ganyan. Bahay ito ng lola mo, ng aking ina. Alam kong malaking pagbabago to sa ating lahat." Napatingin pa si Rodolfo sa bawat isa sa kanila.
"Pero sana maintindihan nyo. Hindi ko pweding basta basta na lang ibenta tong bahay. At para makatipd tayo, naisipan namin ng nanay nyo na dumito tayo kesa sa mangupahan." Napabuntong hininga si Rodolfo sa bahaging iyon.
"Napag usapan na nating lahat ito. Ayuko nang pang usapan pang muli ito. Alona" nilingon ni Rodolfo ang panganay na anak. Napa angat naman ng tingin si Alona ng tawagin siya ng ama.
"Po?" Sagot nito.
"Samahan mo na muna ang yong kapatid sa kanyang kwarto ngayong gabi. Bukas na bukas din ay ipapatingin natin yang sugat mo Veronika at nang makabili ng gamot para hindi maimpeksyon iyan." Sabi ni Rodolfo sa kanila.
"Tayo na sa kusina at nang makapag pahinga na tayong lahat pagkatapos ng hapunana." Pagkasabi nun ay nauna ng tinungo ni Rodolfo ang kusina. Wala namang nagawa si Veronika kundi ang malungkot na napatingin na lamang sa kanyang ina. Hinaplos naman ni Lezit ang buhok ng dalaga saka ito ngumiti sa anak at tumayo para sumunod sa kanilang ama. Inalalayan naman ni Dice si Veronika na makatayo para sumunod na rin sa kanilang mga magulang at magkasabay silang tatlo na tinungo ang kusina. Tahimik na natapos ang hapunang iyon. Si Dice na ang umakong maghuhugas ng pinggan kaya umakyat na agad sina Alona at Veronika patungo sa kwarto ng dalaga. Pagkatapos nilang mag shower ay magkatabi silang nahiga sa kama. Yakap yakap ni Alona ang kanyang kapatid. Vetonika feel safe, kaya naman nakatulog siya ng mahimbing.
YOU ARE READING
SALAMIN ( are you with me? )
Mystery / ThrillerMinsan sa buhay natin may mga pangyayaring napaka misteryo na hindi natin inaasahang mangyari. Sa kagustuhang makahanap tayo ng mga kasagutan, di natin nalalaman nailalaan na pala natin ang ating mga sarili sa kapahamakan kagaya ni Venom, short for...