"Miss?" Tawag ni Veronika sa babaeng nakatalikod. Ngunit hindi ito sumagot o lumingon man lamang sa kanya.
"Miss? Taga rito ka ba?" Tawag muli ni Veronika sabay tanong dito. Ngunit gaya ng unang reaksyon nito ay wala siyang nakuhang sagot mula rito.
"Ahh, bagong lipat lang kami. Galing kami sa kabilang bayan. Nung isang araw lang kami lumipat" kwento ni Veronika sa babae kahit hindi ito kumikibo. Wala kase siyang kaibigan dun at wala siyang mapagkukwentuhan kaya naman minabuti na niyang maging friendly sa babaeng ito.
"Ako nga pala si Veronika.. ikaw anong pangalan mo?" Nakangiting tanong niya sa babae. Inilahad pa niya ang kanyang kamay para pumalagay ang loob nito sa kanya. Ngunit di man lang ito nag abalang abutin iyon. Nangalay ang kamay ni Veronika sa kakaantay kung kelan nito aabutin ang kamay niya ngunit hanggang sa ibinababa na niya iyon ay di man lamang ito kumibo.
"Wag kang matakot..talagang madaldal lang ako pero di naman ako nangangain ng tao" biro niya sa babae, napangiti pa siya sa kanyang mga sinabi. Ngunit di pa rin iyon umipekto. Tahimik pa rin ang babae.
"Veronika?!" Narinig ni Veronika ang tawag ng kanyang ate Alona kaya naman napalingon siya sa kinaroroon nito. Nakita niyang nakatayo ito sa tabi ng swing na inupuan niya kanina. Kumaway kaway siya para makita siya nito.
"Ate! Nandito ako!" Tawag niya sa kanyang ate. Lumingon naman ito sa kinaroroonan niya.
"Anong ginagawa mo riyan?" Pasigaw na tanong nito sa kanya.
"Wala! Nakikipag kaibigan lang!" Pasigaw na sagot ni Vetonika. May kalayuan kase ang agwat nila kaya kaylangan niyang medyo sumigaw para marinig nito ang kanyang sinasabi.
"Ano?" Nagtatakang tanong ni Alona. Hindi dahil sa hindi niya ito narinig kundi nagtataka siya sa pinagsasabi nito. Anong nakikipag kaibigan lang ito?
Napalingon naman si Veronika sa babaeng nakaupo sa tabi niya. Saka siya sumigaw ulit para sumagot sa kanyang ate.
"Wala! Sige na! Papunta na ako riyan!" Sabi niya.
"Oi, mauna na ako ha.. kita kits na lang next time" nakangiting sabi ni Veronika sa babae sabay patakbong lumapit sa kanyang ate Alona.
"Anong ginagawa mo duon?" Takang tanong muli ni Alona sa kanya ng tuluyan siyang makalapit sa kanyang ate.
"Nakikipag kaibigan nga.. duon sa babaeng naka upo..hindi naman kumikibo." Sabi pa niya sa kanyang ate. Napakunot naman ang noo ni Alona sa pinagsasabi ng kanyang kapatid. Tatanungin pa nya sana ito ngunit nauna na itong umalis. Kaya naman napatingin siyang muli sa gawi kung saan nanggaling si Veronika. Ngunit wala siyang nakitang taong naroroon, walang ibang bagay na naroroon kundi puro sanga ng kahoy, matataas na damo, tuyong dahon at mga halamang napabayaan na.
"Nakiki pag kaibigan?? Kanino? Sa mga puno? At damo?" Takang takang tanong ni Alona sa sarili. Napapailing na sinundan na lamang niya ang kanyang kapatid. *kung ano anong kalukuhan ang mga pinag gagawa ng mga ito..hay naku!* bulong pa sa isipan ni Alona habang naglalakad pabalik sa loob ng kanilang bahay.Alas syete na ng gabi ng dumating ang mga besitang inaasahan ng pamilya ni Veronika. Puro matatandang babaeng nakaitim na mang tabing ang mga ulo nito dahilan para narin matakpan ang mga mukha ng mga ito. Nawewerduhang pinagtitinginan ang mga ito nina Dice at Veronika. Nagsisikuhan pa silang dalawa dahil natatawa sila sa kawerduhan ng mga matatandang babae.
"Mabuti naman po at nakarating kayo" sabi ni Lezit sa mga ito. Ngunit walang sumagot ni isa man lamang sa mga ito.
"A..e.. ito po mag meryenda muna po kayo." Alok ni Lezit sa minatamis na ginawa niya para sa mga ito. Tiningnan lamang nila iyo at tumango ang mga ito. Ngunit hindi ang mga ito nag abalang kainin iyon o tikman man lamang.
"Ahh pag pasyensahan nyo na po yung naihanda namin.. bagong lipat pa-"
"Hindi na kami magpapaligoy ligoy pa Lezit. Ang pinunta namin dito ay ang besitahin ang iyong byenan." Putol nito sa sasabihin pa ni Lezit na ikinasindak naman nina Alona at ni Lezit ng marinig iyon. Napatawa naman ang kuya Dice niya sa sinabi ng matandang babae na nag aastang lider lideran ng mga ito."Matagal na pong patay ang lola Ading..di po ba kayo na inform?" Sabi ni Dice sabay hagikhik. Siniko naman siya ni Veronika na natawa rin sa kanyang sinabi.
"Dice!" Saway naman ni Lezit sa anak.
"Ito kase e.." pabulong na sabi ni Dice sabay turo sa bunsong kapatid.
"Anonh ako ka dyan." Depensa naman sa sarili ni Veronika.
"Magsitigil nga kayong dalawa" pabulong na saway ni Lezit sa mga ito. Napatingin lamang ang matandang babaeng kay Dice, saka nito ibinaling ang tingin kay Veronika at napatitig ito ng mariin sa dalaga. Napansin naman iyon ni Lezit at nakaramdam siya ng di pangkaraniwan sa klase ng titig ng matandang babae sa kanyang bunsong anak.
"Ang mabuti pa mga anak ay kunin nyo yung inihanda natin inumin para sa kanila." Pagtataboy ni Lezit sa dalawa.
"Alam naming patay na si Ading. Hindi naman ibig sabihing dadalawin namin siya ay iniisip namin buhay pa sya." Sagot naman ng matandang babae at muli itong napatingin kay Dice. Napahinto sina Dice at Veronika sa pagtayo sana nila ng marinig nila ang sinabi ng matandang babae. Napilitan silang umupong muli.
"P-pasyensa na po.." hinging paumanhin ni Dice sa matanda ng magtama ang kanilang paningin. Nakaramdam si Dice ng pagka asiwa sa klase ng titig ng matanda.
"Sige na mga anak, kunin nyo na yung inumin" pagtataboy muli ni Lezit sa mga ito. At muli ay umakmang tumayo si Dice.
"Maaari mo ba kaming samahan sa kwarto ng yung lola?" Tanong ng matanda na nakatingin kay Dice. Alanganin naman si Dice na sumagot, kaya tumingin ito sa kanyang ina.
"Naka kandado po ang kwarto ng lola. Hindi po namin alam kung nasaan ang susi" naisipang sagot ni Dice, na totoo naman. Biglang itinaas ng matanda ang kanyang kamay sabay pakita ng susing hawak hawak nito sa kanila.
"Nasa amin ang susi. Inihabilin ito ni Ading sa amin." Sabi pa ng matanda. Kaya walang nagawa si Dice kundi ang tumango.
"Ganun po ba, sige po. Samahan ko na po kayo" sagot niya sa matanda. Tuluyan na siyang tumayo para samahan ang mga ito.
"Ikaw ang tinukoy ko ihja. Ikaw lang mag isa." Sabi ng matanda na ikinagulat ng lahat maliban sa mga besita, sabay baling ng tingin nito kay Veronika. Napatingin sina Dice, Alona at Lezit kay Veronika. Nagulat naman ang dalaga sa sinabi ng matanda at namilog ang kanyang mga mata. Napatingin siya sa kanyang ina na para bang himihingi ng tulong. Matatakutin kaya siya! Sa nangyari sa kanya nung unang araw nila sa bahay na iyon ay nagdulot sa kanyang ng subrang takot. At ayaw na niyang bumalik pa sa kwarto ng kanyang lola Ading kung maaari lang.
"A..ano kase e..may gagawin kase si Veronika. tatawag siya sa office nila para mag file ng leave." Pagdadahilan ni Lezit para mapaiwas ang anak sa gusto ng matanda. Nakakaramdam kase siya ng hindi maganda sa presyensya ng mga besita.
"A..o-opo...tatawag nga po pala ako sa office. Buti na lang naalala mo ma" pag sang ayon naman ni Veronika sa ina. Alam nilang mag iina na sa klase ng mga tingin ng mga ito sa kanila ay hindi ang mga ito naniniwala. Pero wala nang pakialam pa duon si Veronika. Hindi na niya hinintay pang makapag salitang muli ang matanda. Agad na syang tumayo at tinungo ang kusina. Sinundan naman agad siya ng kanyang ate Alona. Napasunod na lamang ng tingin ang matanda sa kanila. Nang mawala sa paningin ng matanda ang mga dalaga ay binalingan nito si Dice.
"Kung gayon, maaari mo ba kaming samahan sa baba ihjo?" Tanong nito sa binata. Napalunok naman si Dice sa klase ng boses ng matanda. Para bang nananakot ang boses nito. Ewan, basta pakiramdam ni Dice tumayo ang kanyang mga balahibo ng titigan siya at tanungin ng matanda.
"Sa baba?" Ulit ng kanyang ina. Nagulat ito dahil imbis na sa kwarto ni Lola Ading sila pupunta bakita sa baba ang sinabi nito? Ang basement ba ang tinutukoy nito? Nagtagakang tanong ni Lezit sa sarili.
"Oo sa baba. May problema ba, Lezit?" Parang nang aakit, na parang nananakot ang boses ng matanda. Nagkatinginan naman sina Dice at Lezit. Nakakaramdam na sila ng kakaiba sa mga besita. Isa isang tinitigan ni Dice ang mga besita at laking gulat niya ng nakatuon ang tingin ng mga ito sa kanya.Halos hindi huminga si Dice sa mga oras na iyon. Nakaramdam siya ng takot sa klase ng titig ng mga ito. Pakiramdam niya ay biglang dumilim ang paligid, na para bang nangamatay ang mga ilaw at parang hinihigop ng mga matatanda ang kanyang kaluluwa.
"Dice..dice.." pukaw ng ina ni Dice sa lumilipad na isip ng binata. Para namang nagising sa bangungot si Dice na napasinghap siya ng hangin at napatingin tingin sa paligid. Hinahanap niya ang maitim na enerhiyang nakapalibot sa kanila ngunit walang bagay na ganun sa kanilang paligid. Napaka liwanag na ng paligid at bukas lahat ang ilaw.
"Anong nangyari sayo?" Takang tanong ni Lezit sa anak. Naikurap kurap naman ni Dice ang kanyang mga mata. *Anong nangyari?* takang tanong niya sa sarili.
"Dice,anak.." tawag muli ni Lezit sa kanyang anak. Nilingon naman siya ng binata kaya nagkatinginan silang dalawa.
"Okay ka lang ba anak?" Tanong muli ni Lezit sa anak. Napa tango naman ng marahan si Dice.
"Okay lang ako ma.." sagot nito.
"Bumaba na tayo" biglang nagsalita ang matanda sabay tayo nito. Nag sitayuan rin ang mga kasamahan nito. Napatingin naman si Lezit sa mga matatandang babaeng nagsitayuan. Napatayo na rin siya kasunod si Dice.
"Mawalang galang na ho, pero..papaano nyo po nalaman ang tungkol sa basement? Ngayon ko lang ho, kase ito nakita at maging si Rodolfo ay hindi ito alam." Nasa boses ni Lezit ang kuryusidad tungkol sa basement na yun.
"Ihja, wag ka nang masyadong maraming tanong. Bago namatay si Ading, hinabilinan niya si Rodolfo na malaya kaming makakalabas masok sa kanyang silid at maging sa baba. May tradisyon kaming sinusunod ihja. Si Ading ang aming punong. At ngayong wala na sya. Ako ang inatasan nyang mangasiwa pansamatala sa aming samahan hanggang sa dumating ang pulang buwan. Tuwing byernes ng gabi ang punta namin dito. Bibisita kami sa kwarto ni Ading saka kami baba sa basement. Ito ang unang araw ng pagbisita namin dito sa bahay na ito simula nang namatay si Ading. At ang kabilin bilinan niya. Ang iyung bunsong anak ang nais niyang kasama namin sa unang araw ng pagbisita namin sa kanyang silid. Wag kang mag alala. Ito ay tradisyon lamang. Ngunit mukhang hindi pa handa ang iyong anak, kaya baba na lamang muna kami. Kung nais mong sumama Lezit ay hindi ka namin pipigilan. Huwag na huwag lamang kayong mag iingay sa baba. Hayaan nyo kaming gawin ang dapat namin gawin. Nagkakaintimdihan ba tayo Lezit?" Mahabang paliwanag ng matandang babae kay Lezit. Napatango tango na lamang ang ginang sa sinabi ng matanda, ewan niya pero iba ang pakiramdam niya sa mga ito. Masama ang kutob niya at parangay hindi magandang mangyayari, ngunit wala siyang nagawa kundi ang sumang-ayon. Hindi naman nag aksaya pa ng oras ang mga matatanda, agad nang tinungo ng mga ito ang daan papuntang basement. Binuksan nito ang pintuan sa ilalim ng hagdanan at bumaba pababa sa basement. Nagsunuran naman ang ibang matatandang babae. Nagkatinginan naman sina Dice at Lezit.
"Ma, bakit hinahayaan lang sila ni Papa? May karapatan si Papa na humindi sa kanila. Total patay na ang lola Ading" hindi mapakaling tanong ni Dice sa ina.
"Hayaan mo anak at kakausapin ko ang papa mo. Maging ako man ay hindi mapalagay. Ewan.. iba ang pakiramdam ko." Sabi naman ni Lezit sa anak.
"Sige na bumaba na tayo." Sabi pa ng ginang at nauna na itong bumaba. Hanggang paanan lamang sila ng hagdanan dapagkat napakadilim sa lugar na iyon. Pinilit ni Lezit na makita sa gitna ng dilim ang mga matatandang bababe ngunit wala siyang makita.
"Nasan sila ma?" Nagtatakang tanong ni Dice.
"Ssshhh!! Hinaan mo ang boses mo. Hindi ko alam. Ang dilim dito, wala akong makita." Pabulong na sabi ni Lezit na tanging liwanag mula sa bukas na pintuan lamang ang nagsilbing liwanag nila sa lugar na iyon.
"Hindi man lamang ba sila nag pailaw ma? Maliwanag ang paningin nila sa dilim?" Subra ang pagkatakang tanong ni Dice sa ina.
"Wag ka nang maraming tanong anak pwede ba? Dahil maski ako ay hindi ko alam. At pwede ba, tumahimik ka nga, sabi nung matanda wag tayong mag ingay dito" pabulong na sabi ni Lezit sa anak.Pilit na hinahagilap ni Lezit ang mga matatanda sa gitna ng dilim. Ngunit wala talaga siyang makita. Kinakalabit kalabit siya ni Dice na para bang nagtatanong ito kung nasaan na ang mga matatandang babae, ngunit winawaksi niya ito.
"Lezit? Anong ginagawa nyo riyan?" Nagulat sina Lezit at Dice ng biglang magsalita si Rodolfo sa taas ng hagdanan at naka dungaw sa kanilang mag ina. Katabi nito sina Veronika at Alona.
"Sshhhh....!" Sabi naman ni Lezit na nakalagay pa ang hintuturo sa gitna ng labi sabay akyat para malapitan ang mister. Sumunod naman agad si Dice ina.
"Wag kang maingay..." sabi ni Lezit ng tuluyang makalapit siya sa mister. Agad niyang sinara ang pintuan ng tuluyan silang makalabas ni Dice.
"Yung mga matatanda nasa baba. Sino sino ba sila Dolfo? Bakit parang ang werdo naman yata ng mga kinikilos nila.?" Sabi pa ni Lezit. Hinila ng marahan ni Rofolfo ang mag iina sa salas saka pabulong na nagsalita.
"Sila ang mga kasapi ni Nanay Ading. Wag na wag kayong babanggit tungkol sa kanila." Sinisilip silip pa ni Rodolfo ang pintuan ng basement kung may lalabas duon, para bang natatakot ito na marinig ng mga matatanda ang pinag uusapan nila.
"Bakit, Dolfo? Naguguluhan ako... bakit pa sila naririto samantalang patay na ang nanay mo.." giit ni Lezit.
"Ssshhh!! Wag nang maraming tanong. Basta wag na wag kayong magkukwento o babanggit tungkol sa kanila." Pabulong na sabing muli ni Rodolfo.
"Narito kana pala Rodolfo." Biglang sabi ng matandang babae na ikinagulat nilang mag pamilya. Hindi nila namalayang naka akyat na pala ang mga ito.
"Maari naba naming puntahan ang kwarto ni Ading kasama ang yung bunsong anak?" Patuloy na pagsasalita ng matanda na nakatuon na ang paningin kay Veronika. Napatingin naman si Veronika sa kanyang ama. Napatango na lamang ng marahan ang kanyang ama na para bang wala itong magawa kundi ang sumang ayon na lamang sa mga matatanda.
"Halika na ihja at baka gabihin kami ng masyado sa daan." Sabi pa ng matanda.
"Sige na Veronika." Pagtataboy naman ni Rofolfo sa anak. Kaya walang nagawa ang dalag ng mag si akyatan na ang mga matatanda kundi ang sumunod sa mga ito.
YOU ARE READING
SALAMIN ( are you with me? )
Mystery / ThrillerMinsan sa buhay natin may mga pangyayaring napaka misteryo na hindi natin inaasahang mangyari. Sa kagustuhang makahanap tayo ng mga kasagutan, di natin nalalaman nailalaan na pala natin ang ating mga sarili sa kapahamakan kagaya ni Venom, short for...