Nagising si Veronika na wala na ang kanyang ate sa tabi niya. Bukas ang makalumang bintanang maliit sa gawing kanan niya at nililipad ng sariwang hangin ang puting kurtinang pang tabing roon. Napapahikap pa si Veronika habang bumabangon. Napapalingon lingon siya sa kabuoan ng kanyang kwarto. Simple lamang iyon medyo malapad. May kalayuan ang bintana sa kanyang kama siguro mga dalawang dipa ang layo. Kaharap naman ng isang lumang tukador ang kanyang kama na sinaunang panahon pa ang pagkakadesenyo. Tiningnan niya ang kanyang repleksyon sa may kalumang salaming nakakabit sa ginta ng kanyang tokador. Medyo malabo iyon at tanging kulay ng kayang damit at kumot lang ang klaro duon. Nakarinig ng mahinang katok si Veronika sa kanyang pintuan kaya napatingin siya duon. Iniluwa naman nun ang kanyang ate Alona.
"Buti naman at gising kana. Halika na at nang makakain ka muna bago kayo bumyahe ni Papa" sabi nito sa kapatid.
"Ang aga mo namang nagising ate" sabi niya sa kanyang ate.
"Anong maaga ka riyan. Mag aalas onse na oi.. gigisingin sana kita kanina kaso sabi ni mama hayaan ka na lang raw muna na magpahinga." Sabi nito habang nakatayo sa pintuan.
"huh? Alas onse na?" Napapalatak na sabi ni Veronika.
"Opo..tara na sa baba.. ready na ang lunch natin! Sunod kana agad ha.." sabi ni Alona. Sinara naman nito ang pintuan ng makaalis ito. Napatingin si Veronika sa kanyang relong pambisig.
"Shit! Tanghali na pala! So weird! I dont usually sleep like this..." nawiwerduhang sabi sa sarili ni Veronika. Napailing iling na lamang siya at mabalis na tumayo. Kinuha niya ang kanyang towalya at agad na bumaba."Sorry guys...napasarap yata ang tulog ko..." pag papaumanhin ni Veronika sa pamilya ng dumulog siya sa hapagkainan. Nilingon naman siya ng kanyang ina at nagtaka ito. Kunot na kunot ang noo titig na titig ito sa kanya. Nagtataka naman si Veronika sa inasal ng kanyang ina.
"M-may dumi ba ako sa mukha ma?" Takang tanong niya sa ina. Umiling naman si Lezit bilang tugon sa anak sabay lapit sa dalaga at may kung anong tinitigan itong mabuti sa mukha ni Veronika.
"B-bakit ma?" Takang takang tanong muli ni Veronika sa ina. Napatingin naman ang kanyang pamilya sa kanya.
"May tumama ba sa mata mo nung nahulog ka kagabi anak?" Tanong ni Lezit sa anak. Sunod sunod na iling naman ang tinugon ni Veronika.
"Wala po ma, bakit po?" -Veronika.
"Bakit Lezit anong meron?" Tanong na rin ni Rodolfo sa asawa.
"Halika ka nga dolfo at pakatitigan mong mabuti. Baka nanlalabo lang ang paningin ko." Sagot ni Lezit sa mister. Tumayo naman agad si Rodolfo para sipatin ang tinutukoy ng kanyang misis. Nagulat siya sa kanyang nakita.
"B-bakit..." hindi natapos ni Rodolfo ang kanyang sasabihin.
"Bakit pa? Anong meron?" Nagtatakang tanong ni Veronika sa ama.
"Bakit pa? Anong nangyari?" Tanong ni Dice na nakalapit na pala sa kanila. Sabay tingin kay Veronika.
"Bakit ganyan ang mata mo Venom?" Takang tanong ni Dice ng makita iyon.
"Ha? Anong bakit ganito ang mata ko?" Nagtatakang balik tanong ni Veronika sa kanyang kuya.
"Kulay pula ang kulay ng yung mga mata!" Gimbal na sabi ni Dice. Napatayo naman si Alona ng marinig iyon at napalapit sa kanila para tingnan ang kanyang mga mata.
"A-ang mabuti pa'y kumain na kayo at nang mapatingnan pati yang mga mata mo, baka kung ano yan." Sabi na lamang ni Lizet sa kanila. Ayaw pa sana nilang magsibalikan sa kani kanilang upuan ngunit ipinagtulakan sila ng kanilang ina kaya wala silang nagawa kundi ang sumunod. Takang taka naman si Veronika kung papaanong naging pula ang kanyang mga mata. Hindi naman siya gumagamit ng contact lens para makalimutan iyong tanggalin. *its so really weird..lots of weird things happened* bulong pa ni Veronika sa sarili. Binilisan na lamang ni Veronika ang pag kain at nang matapos siya ay agad na siyang tumayo.
"Pa, hintayin kita sa kotse" Sabi na lamang niya sabay labas ng bahay. Habang hinihintay ang ama ay naisipan niyang mag yosi muna. Oo,nagyuyusi siya. Alam naman niyang masama iyon sa katawan pero kaylangan niya iyon lalo na kung stress siya."Doc,kamusta po ang mga mata ng anak ko? Mabubulag po ba sya?" Kinakabahan at deritsahang tanong ni Rodolfo sa doctor. Matapos nitong i check ang mata ni Veronika. Napailing naman ng sunod sunod ang Doctor na ikina luwag ng dibdib nina Veronika at Rodolfo.
"Bakit po nag kaganyan ang mata ng anak ko?" Sunod na tanong ni Rodolfo.
"Talaga bang hindi natural na kulay ng mata nya yan?" Para bang hindi naniniwala ang doctor sa mga sinasabi ni Rodolfo na naging kulay pula ang mata ni Veronika ng magising na lamang ito.
"Doc, ilang beses ko nang sinabi sayo. Itim ang kulay ng mata ng anak ko. Kagabi nahulog siya sa hagdanan at tumama ang ulo niya sa matigas na bagay na ikinasugat nito. Nagulat na lamang kami ng makita namin kaninang umaga na ganyan na ang mata ng anak ko. Baka kaku, may napasok na kung ano sa mata niya at pumula yan ng ganyan." Paliwanag muli ni Rodolfo sa doctor. Napapailing ang doctor sa mga sinabi ni Rodolfo.
"Napaka imposible po ng sinabi nyo tatay Rodolfo" sabi ng Doctor.
"Anong ibig mong sabihin doc?" Nagtatakang singit ni Veronika sa kanila.
"Ihja, kung napasukan man ng kung anong bagay yang mata mo. Unang mamumula ay ang Sclera ng mga mata mo. In your case the color of your Irish is red..as well as your pupil and both of it are looks so natural. I cant see any damage around it or in it ihja. It's seems that its really your natural eye color. Wala pa akong na incounter kagaya sa case mo. Your eye color changed all of the sudden. No sign's, no warning it just changed in a blink of eye." Paliwanag ng Docto kina Veronika. Umupo ito sa harapan nilang mag ama. Napapagitnaan sila ng office table.
"Theres nothing wrong with her eyes.. sometimes nakukuha po natin ang ganitong cases in our genes..any member from your family or your wife family na may ganitong case?" Tanong pa ng Doctor.
"W-wala naman po." Napapailing pang sagot ni Rodolfo.
"Double check po tayo tatay, ask your wife po..dahil wala naman po akong nakikitang deperensya sa mga mata ng anak nyo." Sabing muli ng Doctor.
"kung ganun po Doc, ay mauuna na po kami. Malayo pa po ang byahe namin at baka gabihin kami sa daan" pag papaalam ni Rodolfo sa Doctor. Tumango naman ang Doctor. Kinamayan siya ni Rodolfo bago sila lumabas sa klinik nito. Napabuntong hininga pa si Rodolfo at tinapik tapik ang anak saka nila tinungo ang sasakyan ng dalaga. Kagaya ng byahe nila kaninang papunta sila, ay walang kumibo ni isa sa kanila ng kanyang ama. Tahimik lang ang byahe nila hanggang sa marating nila ang bahay. Agad na kinuwento ni Rodolfo sa may bahay ang nangyari at kagaya niya, nagtataka rin ito sa sinabi ng doctor. Dahil wala naman talagang may ganung klase ng mata sa pamilya nila. Hindi na nakihalubilo pa si Veronika sa pagtitipon ng kanyang pamilya. Napagod siya sa byahe kaya minabuti niyang magpahinga na lamang. Agad siyang nakatulog pagkahiga niya sa kanyang kama, na animoy may kung anong humihigop sa pagkatao niya para ipikit niya ang mga mata. Alam niyang tulog siya, pero bakit ganito? Gising na gising ang kanyang diwa.
"Veronika.." napamulat siya ng mga mata ng makarinig siya ng isang boses. Madilim na sa paligid ng imulat niya ang kanyang mga mata. Nagtataka siya kung sino yung tumawag sa kanya, kaya paupong bumangon siya ng kama. Hinanap ng kanyang paningin ang may ari ng boses sa loob ng kanyang kwarto ngunit wala siyang maaninag kundi kadiliman. Kaya naman kinapa niya sa drawer ng bedside table niya ang kandila at lighter na agad naman niyang sindihan.
"Veronika..." napalingon siya sa kanyang tabi dahil nanggagaling roon ang boses na tumatawag sa kanya. Halos mapasigaw naman siya sa gulat ng makita niya ang hindi pamilyar na mukha, na nakaupo sa kama niya. Nabitawan niya ang kandilang hawak hawak at namatay iyon dahilan para dumilim muli sa kanyang paligid. Sa takot niya ay napahiga siyang muli at nagtago sa ilalim ng kanyang kumot.
"Veronika, wag kang matakot..." sabi ng babaeng may ari ng boses, hindi naman nakakatakot ang boses nito. Sa katunayan nga malambing iyon at parang musika sa kanyang pandinig.Kumabog ng malakas ang dibdib ni Veronika. Pakiramdam niya ay lalabas na sa kanyang dibdib ang kanyang puso sa sobrang lakas ng kabog niyon.
"Veronika, lumabas ka riyan sa pinagtataguan mo..wag kang matakot.." sabi pang muli ng babae. Nagdadalawang isip si Veronika kung dapat ba syang maniwala sa babae o dapat nya ba itong katakutan.
"Veronika..." tawag muli ng babae. Sa puntong iyon ay nilakasan niya ang kanyang loob at dahan dahang nilabas niya ang kanyang ulo sa kumot. Nakita niyang naka ilaw nang muli ang kandilang nabitawan niya at hawak hawak iyon ng babae, ngunit nagtataka siya sapagkat ang kandilang iyon ay kulay puti bakit kulay itim na ito?!
"Samahan mo ako Veronika...may ipapakita ako sayo.." sabi pa ng babae at ngumiti ito. Ngayon niya nakitang mabuti ang mukha nito. Napaganda nito, maputi mahaba ang buhok at nakasuot ito ng kulay puting bistida. Teka! Kulay pula ang mga mata nito!!
"Si-sino ka?!" Natatakot at lakas loob na tanong nya sa babae.
"Isa akong kaibigan...wag kang matakot..." sagot nito sa kanya.
"Papaano kang nakapasok sa kwarto ko? Sino kaba?" Tanong muli ni Veronika sa pinatapang ang boses. Ngumiti naman ang babae sa kanya.
"Sasagutin ko ang iyong mga katanungan ngunit kaylangan mong sumama sakin..." sagot nito sa dalaga.
"At saan naman tayo pupunta?" Muli ay tanong ng dalaga.
"Sa lugar kung saan nag umpisa ang lahat..." sagot nito sa dalaga na ikinataka naman ni Veronika.
"Anong ibig mong sabihin?" Puno ng pagtatakang tanong niya sa babae.
"Sumama ka at nang malaman mo..." sagot nito sa kanya na agad nang tumayo at naglakad palabas ng kwarto niya.
"Teka sandali!" Tawag naman ni Veronika sa babae. Nagdadalawang isip siya na sundan ito, paano kung mapahamak siya? Paano kung masamang tao pala ito na nanloob sa bahay nila? Teka, san sila mama at papa? Si ate at kuya? Sa isiping iyon muli ay bumangon ang kaba sa dibdib ni Veronika.
"Ma!!...Pa!!" Malakas na sigaw niya.
"Mama!!... Papa!!" Ulit niya ng walang sumasagot sa kanya. Nilakasan niya ang kanyang loob para bumangon sa kanyang kama at patakbong lumapit sa pintuan. Kahit madilim ay pinilit niyang kapahin ang saradura niyon. At nang matagpuan niya iyon ay agad niyang pinihit. Laking gulat na lamang niya ng malamang nakalock iyon. *shit! Bat naka lock ito?* tanong sa isipan ni Veronika.
"Mama! Papa!!" Sigaw niyang muli sabay kalampag sa pintuan. Ngunit wala siyang marinig na sagot mula sa mga ito.
"Kuya!! Ate!! Tulongan nyo ako!! Mama! Papa!!" Sigaw niyang muli. Naiiyak na siya sa takot at nerbyos. Kinalampag niya ng kinalampag ang pintuan.
"Ma!! Buksan nyo po ang pintuan! Mama!!" Sigaw ni Veronika habang kinakamlapag ang pintuan Nagulat na lamang siya ng may maramdamang kung anong bagay na gumagapang sa kanyang braso, kaya agad niya iyong pinagpag. Muli ay nakaramdam siya ng kung anong gumapang sa paanan naman niya kaya nagpapadyak sabay pagpag siya sa paa niya. At biglang dumami ang kung anumang gumagapang sa katawan niya sa takot niya ay nagsisigaw at nangwawala siya sabay pagpag sa buong katawan niya.
"Mama!! Tulong!! Paaaa!!!" Bumakat na ang ugat niya sa kanyang leeg sa kakasigaw ngunit wala ni isa man lamang sa mga tinatawag niya ang lumapit para tulungan siya. Natatarantang pinag papagpag niya ang kanyang buong katawan hanggang sa mabuwal siya sa pagkakatayo at bumagsak ang katawan niya sa sahig.
"Mama!!" Umiiyak na tawag niya sa kanyang ina. Saktong itinaas niya ang kanyang braso at natamaan iyon ng liwanag ng buwan. Laking gulat niya ng makita kung ano yung gumapang sa katawan niya. Malalaking uri ng ipis! Hindi basta bastang ipis lamana ang mga ito, kundi pula rin ang mga mata ng mga ito!
"M-mamaa!!!" Sigaw niya na halos ikaputok ng ugat sa leeg niya.
"Veronika! Veronika gising!!" Sigaw ng mama ni Veronika sabay yugyug ng malakas sa katawan ng dalaga.
"Anak, gumising ka!!" Sigaw naman ng kanyang ama na nasa tabi rin niya. Ngunit kahit anong gising nila sa kanya ay hindi siya magising. Umiiyak at nasisigaw lamang siya habang nakapikit ang kanyang mga mata."Gising Veronika!!" Punong puno ng pag alalang sabi ni Rodolfo sa kanyang anak sabay sampal ng malakas dito na ikina mulat ng mga mata ni Veronika. Pagkakita ng dalaga sa kanyang mga magulang ay agad siyang napabangon at niyakap ng mahigpit ang mga ito saka siya nag iiyak ng nag iiyak.
"Mama...." bulong niya sa gitna ng hikbi. Niyakap naman siya ng kanyang ina sabay himas himas nito sa kanyang likuran.
"Ssshh tahan na anak..tahan na...nandito kami ng papa mo.." sabi naman ni Lizet sa anak.
"Mama m-may babae...t-tapos mga ipis! Ma...mapupula ang mga mata nila!!" Umiiyak na sumbong ni Veronika sa kanyang mga nakita.
"Sshhh..sshh.. tahan na, tahan na... walang ipis dito okay..walang ibang tao dito kundi tayo...panaginip lang iyon anak..wag kang matakot.." pagtatahan naman ni Lizet sa anak. Napatingin ang ginang sa kanyang mister. Napayuko naman si Rodolfo at bigla itong tumayo sabay alis sa kwarto ni Veronika. Nagtinginan naman sina Dice at Alona sa ikinilos ng kanilang ama.
"Dice kumuha ka ng tubig" utos nito sa anak na lalaki. Tumango at umalis naman agad si Dice para kumuha ng tubig. Patuloy parin sa pag-iyak si Veronika at mahigpit pa ring nakayakap sa kanyang ina.
"Natatakot ako ma.." umiiyak na sabi niya sa ina. Hinimas himas naman ni Lezit ang likuran ng anak.
"Nandito kami anak..nandito lang kami..." sagot naman ng kanyang ina. Dahan dahang kumalas sa pagkakayakap si Lizet sa kanyang anak. Pinunasan nito ang mga luha ng anak at hinawi niya ang mga hibla ng buhok na humarang sa mukha ng dalaga. Sinaklop niya ng kanyang dalawang palad ang mukha ni Veronika.
"Panaginip lang yun okay... hindi totoo ang mga iyon..kung ano man yung nasa panaginip mo ay wag mong isipin.." sabi pa niya sa anak sabay halik sa noo nito. Kahit ayaw man ni veronika ay napatango na lamang siya dahil nakita niyang subrang nag alala ang kanyang ina.
"Ma, ito na po yung tubig" sabi ni Dice ng makabalik siya, agad niyang iniabot iyon sa ina. Kinuha naman ni Lezit ang baso ng tubig at binigay iyon kay Veronika.
"Ito tubig inumin mo at nang mahimasmasan ka." Sabi ni Lezit sa anak. Uminom naman si Veronika, ibinalik niya ang baso ng tubig matapos siyang inomin iyon.
"Sige na anak, magpahinga kana.. napagod ka lang siguro sa byahe kaya kung ano ano ang napapanaginipan mo.At wag mong masyadong isipin ang mga sinabi ng doctor. Maghahanap tayo ng ibang doctor na titingin sa mga mata mo." Sabi pa ni Lezit at ipinahigang muli ang anak. Ngunit napabangon muli si Veronika sabay hawak sa braso ng ina.
"Wag mo akong iwan ma..." natatakot na sabi ni Veronika sa ina. Napatingin ng mariin si Lezit sa anak, si Veronika yung klase ng taong hindi nagkakaganito. Matatakutin ito pero hindi ito dependable. Sa tatlong anak niya ito ang pinaka independent. Ngunit ngayon, ngayon ay parang humihingi ito ng tulong. Masyado na siyang nag alala para sa kanyang anak. Unang araw pa lamang nila sa bahay na iyon ay kung ano ano na ang mga pinagsasabi nito na nararamdam nito. Biglang naging kulay pula ang mga mata nito. Ngayon naman ay nananaginip ito ng kung ano ano. Kinakabahan siya. Papano kung..?
"Ma, samahan mo ako dito." Sabi ni Veronika na ikinapukaw ng diwa ni Lezit. Parang nagising siya sa malalim na pag iisip.
napakurap kurap siya ng kanyang mga mata.
"Oo, anak...sasamahan kita dito.." Sabi niya sa anak.
"Sige na magpahinga kana." Muli ay ipinahiga ni Lezit si Veronika at inayos niya ang kumot ng dalaga. Hinimas himas niya ang buhok nito hanggang sa tuluyan na itong makatulog muli.
"Ma, anong nangyayari sa kanya? Mula kahapon pa yang kakaibang kinikilos niya. At hindi ako naniniwala sa sabi ng Doctor ma. Papaanong magkaroon tayo ng lahing kulay pula ang mata? Kung meron man,eh di sana nuon pa naging mapula ang mga mata ni Venom" punong puno ng pagtatakang sabi ni Alona sa ina.
"Oo nga ma..kahapon naalala ko sabi ni Venom nakapasok raw sya sa kwarto ni Lola Ading, e naka kandado naman yun. Papaanong nakapasok sya run? Nung tsenik namin naka lock naman ang pintuan. Pero pinag didiin nya pa ring nakapasok sya sa kwarto ni Lola Ading."Napaisip si Lezit sa kwento ni Dice sa kanya. May naalala siya at ito ang bumabagabag sa kanya. Tiningnan niya ang kanyang bunsong anak,mahimbing na itong natutulog. Kaya naman marahan siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa kama nito.
"Sige na mga anak magsitulog na kayo" sabi niya sa dalawang anak. Tumango naman ang mga ito at nagsitayuan na rin. Sabay pa ang mga itong lumabas ng kwarto ni Veronika. Nang maisara na ang pintuan ay napaupong muli si Lezit sa upuang katabi ng kama ni Veronika. Napabuntong hininga siya at pinagmasdang muli ang anak.
"Wag naman sana mangyari sa anak ko ang kinatatakutan ko. Dyos ko...gabayan Nyo po ang anak ko.." taimting dasal ng Ginang saka niya hinugut ang rosaryo sa bulsa at nag alay ng dasal.
YOU ARE READING
SALAMIN ( are you with me? )
Mystery / ThrillerMinsan sa buhay natin may mga pangyayaring napaka misteryo na hindi natin inaasahang mangyari. Sa kagustuhang makahanap tayo ng mga kasagutan, di natin nalalaman nailalaan na pala natin ang ating mga sarili sa kapahamakan kagaya ni Venom, short for...