CHAPTER 6

14 0 1
                                    

Medyo may kalayuan rin ang biniyahe nila Angie at Veronika para mapuntahan yung taong tinutukoy ni Angie. Probinsya na yata iyon kase mga tatlong oras ang biniyahe nila mula sa pag labas ng syudad.
"Malayo pa ba tayo?" Naiinip nang tanong ni Veronika habang nagmamaneho. Panay naman ang tingin tingin ni Angie sa paligid na para bang may hinahanap ito. Saka ito biglang napahawak sa braso ni Veronika.
"D-dito!" Napapasigaw na sabi ni Angie at di pa magkamayaw sa pagtuturo sa bahay na tinutukoy nito.
"I-atras mo dali!" Utos nito sa kaibigan na agad namang sinunod ni Veronika. Marahan nitong ini-atras ang sasakyan.
"Tigil!" Sabi ni Angie na di umaalis ang titig sa bahay na nasa tapat ng sasakyan.
"Ito na ba?" Tanong ni Veronika sa kaibigan. Marahan namang tumango si Angie. Napatingin naman sa lumang bahay si Veronika.
"Ang creepy naman..."  pabulong na sabi nito.
"Magaling yan... may kakaibang kakayahan yan.."  sabi ni Angie na hindi maalis alis ang tingin sa lumang bahay. Napatango na lamang si Veronika sa sinabi ng kaibigan.
"So...baba na tayo o maghihintay tayo sa kung ano mang dapat hintayin?"  Tanong ni Veronika sa kaibigan na halatang naiinip na kanina pa. Papaanong di siya mainip, ang haba haba ng binyahe nila. Umusok na yata yung pwet niya sa kakaupo. Napapisik na lamang silang dalawa ng biglang may kumatok sa bintana sa gawi ni Veronika. Pareho kase silang nakatingin sa bintanang tanaw ang bahay sa gawi ni Angie kaya sa gulat ni Angie ay napatili ito. Si Veronika naman ay napahawak sa dibdib dahil biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso sa gulat. "Putang inang matanda naman to! Nakakagulat!"  Inis maktol ni Veronika.  Kumatok muli ang matandang babae sa salamin ng bintana ni Veronika.
"Anong kaylangan ng matandang to?!"  Inis na tanong ni Veronika sa kaibigan. Magsasalita na sana si Angie ngunit binaba na ni Veronika ang salamin at pamalditang nagsalita ito.
"Anong kaylangan mo?!"  Asik na tanong ni Veronika sa matanda.
"Venom ano kaba.."  awat naman ni Angie sa kaibigan kinalabit pa niya ito. Nagtataka siya sa inaasal nito kase hindi naman ito ganito dati. Napaka pasyensosa nito at magalang sa matatanda kaya kahit na naiinis na ito minsan sa mga matatandang pulubi na panay ang hinge dito ay napag papasyensyahan niya. Winaksi ni Veronika ang kamay ni Angie na ayaw tumigil sa kaka-kalabit sa braso niya.
"Ang kulit naman kase e!"  Inis pang sabi ni Veronika.
"Venom, sya ang taong pakay natin dito."  Sa sinabing iyon ni Angie ay napatanga si Veronika na para bang napahiya.
"Bakit di mo sinabi agad?"  Pabulong na sabi niya sa kaibigan.
"Ay, ewan ko sayo.. madaling uminit ng ulo mo ngayon..napapansin ko lang.."  sabi ni Angie. Hindi na nito hinintay pang makababa si Veronika at nauna na siyang bumaba ng kotse sabay ligid patungo sa kinatatayuan ng matandang babae.
"Magandang araw ho, kaka Nela."  Nakangiting bati ni Angie sa matanda. Saka pa lamang bumaba si Veronika sa sasakyan at nahihiyang yumukod sa matanda at binati rin ito.
"Hindi ko kayo matutulungan. Umalis na kayo."  matigas na sabi ng matanda sa dalawang dalaga saka ito nag lakad papasok sa bakuran nito. Nagkatinginan naman sina Veronika at Angie. Nagmamadaling hinabol ni Angie ang matandang babae.
"Para nyo pa pong awa Kaka Nela.. kaylangang kalangan namin ang tulong nyo..."  nagmamakaawang sabi ni Angie sa matanda. Tumingin ang matandang babae kay Angie saka nito binaling ang tingin kay Veronika na nu'oy nasa likuran na ni Angie.
"Kahit pa itago mo ang iyong anyo, kilalang kilala ko na ang presensya mo."  Sabi ng matanda kay Veronika na ikinataka ng dalawang dalaga.
"Ano pong ibig nyong sabihin?"  Takang takang tanong ni Veronika.
"Balikan mo ang iyong nakaraan masasagot ang iyong katanungan."  Yun ang huling sinabi ng matanda saka ito tuluyang pumasok sa bahay nila. Muling nagkatinginan ang dalawang dalaga.
"Anong ibig nyang sabihin?"  Punong puno ng pagtatakang tanong ni Veronika kay Angie na ikina iling naman ng dalaga.
"Hindi ko rin alam..."  sagot nito sa kaibigan. Matamlay at nawalan ng pag asa ang magkaibigan na sumakay muli ng sasakyan."Ang mabuti pa Venom ay umuwi kana muna..at babalikan ko ang tita Mildred sa hospital." Ang nasabi na lamang ni Angie nang makaupo na silang pareho sa loob ng sasakyan. Wala namang nagawa si Veronika kundi ang bumuntong hininga. Saka nito ini-start ang kotse at nilisan nila ang lugar na iyon.

SALAMIN ( are you with me? )Where stories live. Discover now