Chapter 4

12 0 0
                                    

"Tawag ako ng tawag sa phone mo, di kita makontak. Buti na lang at naisipan mo akong tawagan. Kundi tumirik na itong mata ko kakaantay sayo!"  May inis sa boses na reklamo ni Veronika sa kaibigan. Nakashades siya ng kulay itim para hindi makita ng kaibigan ang kanyang mga mata.
"Alam mo namang ang layo layo pa ng biniyahe ko. Ano ba naman, angie.. next time naman be responsible."  Dagdag pa ni Veronika sa litantiya niya sa kaibigan. Nanatili lamang na tahimik si Angie. Nakayuko ito at malalim ang iniisip. Naiiling na tinitigan ito ni Veronika. Nakapaymaywang pa siya sa harapan ng kaibigan.
"P-pasyensya kana Venom...n-nasira kase ang cellphone ko kagabe."  Ang tanging nasabi ni Angie sa kaibigan. Tinitigan namang mabuti ni Veronika ang kaibigan, tinatanya niya kung nagsasabi ba ito ng totoo. At sa palagay naman niya ay totoo nga ang mga sinasabi nito kaya napabuntong hininga na lamang siya.
"Ano bang nangyari? Kagabe lang ay natawagan pa kita a.."  kalmado na ang boses na tanong ni Veronika.
"P-pwede bang sa bahay na lamang natin pag usapan ito? Hinihintay kana ni tita dun"  sagot nito. Napakunot naman ang noo ni Angie sa napapansing kakaiba sa mga kinikilos ng kaibigan niya.
"Sige-sige! Mabuti pa nga at lumakad na tayo para hindi ako gabihin sa daan"  sagot naman niya at nauna na itong lumakad patungo sa parking area kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan. Tahimik na nakasunod lamang si Angie. Hanggang sa kanilang byahe ay tahimik ang kanyang kaibigan na ikinataka niya. Hindi naman kase ganun ang kaibigan niya, madaldal ito at pala kwento. Lalo na't ilang araw silang hindi nagkita, tyak na sangkatirbang kwento ang ilalantad nito ngunit ni ha,ni ho ay wala siyang narinig mula dito. Kaya minabuti niyang manahimik na lang rin. Hindi gaanong matrapik kaya wala pang kinse minutos ay naabot na nila ang bahay nito. Tahimik na bumaba ng sasakyan si Angie, tahimik ring napasunod si Veronika. Gustuhin man niyang tanungin ang kaibigan kung anong nangyayari dito at bakit ganun ang mga kinikilos niya ay minabuti niyang ireserba na lamang ang mga katanungan mamaya.
"Tita nandito na kami!"  Sigaw ni Angie ng makapasok sila sa loob ng bahay. Tahimik na naupo sa sofa si Veronika at nagmasid masid sa paligid. Ganun pa rin naman ang ayos ng bahay nila Angie, kahit na medyo matagal tagal na siyang hindi nakakapunta duon. Busy kase siya sa trabaho at tanging  sa office lamang sila nagkakausap at nagkakasama ng kaibigan. Minsan lumalabas labas sila ngunit hindi niya ito sinusundo dahil may boyfriend naman itong taga hatid-sundo.
"Hintayin mo na lang muna si Tita dito ha, kukuha lang ako ng maiinom."  Sabi ni Angie, tumango naman si Veronika kaya agad nang tinungo ng dalaga ang kusina para kumuha ng maiinom nila.
"Veronika..?"   Hindi naman nagtagal na nakakaalis si Angie ay narinig niyang tinawag siya ni Mildred. Kaya Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses nito at nakita niyang nakatayo sa di kalayuan ang taong pakay niya. Napangiti siya sa mantadang dalaga sabay tayo at lapit dito. Hinalikan niya ito sa pisnge gaya ng nakagawian niya.
"Kamusta po tita Mildred?"  Magalang na tanong niya sa matandang dalaga sabay tanggal ng kanyang sunglasses na ikinagimbal ni Mildred.
"M-mabuti naman ihja.."  alanganing sagot ni Mildred ng may napansing kakaiba sa dalaga. Napansin naman agad iyon ni Veronika kaya napakagat siya sa kanyang labi.
"I-isa po ito sa nais kong itanong sa inyo tita. Alam mo pong hindi ako mapag paniwala sa mga kung ano anong kababalaghan...pero... mukhang nangyayari po yata sakin"  nahihiyang sabi ni Veronika sa matandang dalaga. Napapatango tango naman si Mildred sa mga sinabi ni Veronika.
"Halika at babasahan kita ng baraha"  yaya niya sa dalaga. Saktong hahakbang na sana si Veronika ng dumating si Angie at nakita nito ang kanyang mga mata. Sa gulat ng dalaga ay napasigaw ito at nabitawan nito ang dala dalang tray na may lamang mga baso at inumin. Kasabay ng pagbasak at pagkabasag ng mga dala dala nito ay napatakip ito ng bibig."The reason why i called..."  di pa man nagtatanong si Angie ay inunahan na ng sagot ni Veronika.
"Dun na natin pag usapan yan sa loob ng kwarto ihja,"  sabi naman ni Mildred saka nito binalingan si Angie.
"Sige na Angj, ipaligpit mo na lang yan kay Belen. Sumunod kana agad sa loob"  habilin pa niya sa pamangkin bago inakay si Veronika papasok sa loob ng kwarto. Nanginginig naman ang katawan ni Angie sa hindi niya malamang dahilan. Sa gulat siguro dahil sa nakita niyang pagbabago sa kulay ng mga mata ni Veronika. Pero parang hindi, pakiramdam niya ay may kakaiba pa sa kaibigan. Kung ano iyon ay di niya matukoy. Nakarinig naman siya ng mga nagmamadaling yabag ng paa palapit sa likuran niya at nang lingunin niya iyon ay si Belen lang pala. Malamng nagtatakbo ito palapit sa kanya ng marinig nito ang pagkabagsak ng tray.
"Anong nangyari Angj?"  Takang takang tanong nito sa kanya.
"A..n-nabitawan ko... sorry manang Belen.. p-paki linis po."  di mapakaling sabi ni Angie sa maid nila saka siya nag mamadaling sumunod sa dalawang nauna.

SALAMIN ( are you with me? )Where stories live. Discover now