"Anak san ka galing? Bakit di ka umuwi kagabe? Nag aalala kami ng Papa mo ni hindi ka man lang tumawag. Bakit ngayon ka lang umuwi? San kaba nanggaling?" Sunod sunod na tanong ni Lezit sa anak ng mapag buksan niya ito ng pintuan. Alas sais na ng gabe at kahapon pa ng gabi niya ito hinihintay. Nung umalis kase ito kahapon ng umaga ay hindi ito nag paalam, nagtaka na lamang siya nung hanapin niya ito at hindi makita. Gabi na rin kahapon nung makakuha siya ng signal para matawagan ito at nun lang niya nalamang hindi ito makakauwi at may binisitang kaibigan. Nagtataka siya kung sinong kaibigan iyon, may tiwala naman siya sa anak niya ang punto lamang niya ay ang malaman kung sino iyon at anong nangyari kung bakit di niya ito maiwan iwan.
"Ma, pwede po bang bukas na lang tayo mag usap? Pagod po ako sa byahe.." magalang namang sagot ni Veronika sa ina. May inis na lumuob sa dibdib ni Lezit dahil hindi man lamang siya mabigyan ng dahilan ng kanyang anak para mawala ang kabang nadama niya kahapon pa ng gabe. Kahit na naririto na ito sa harapan niya ay hindi siya mapakali, pakiramdam niya ay may nangyaring hindi maganda.
"Veronika! Sagutin mo ang tanong ko Veronika Nomnishka! Ikaw na bata ka, di mo na ako ginalang! Ni hindi ka nagpaalam na aalis ka! Tapos hindi kapa umuwi kagabe! Anong sa palagay mo ang mararamdaman ko?!" Inis na sabi ni Lezit sa anak. Nagulat naman si Veronika sa pag taas ng boses ng ina. Saka niya na realize na hindi nga pala siya nakapag paalam kahapon. Natampal niya ang kanyang noo nang matauhan siya.
"S-sorry ma.. nakipag kita po ako kay Angie.. at.. at may hindi magandang nangyari.." pag aamin ni Veronika sa ina. Napakunot at napalaki naman ang mata ni Lezit sa kanyang narinig.
"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ng Ginang.
"M-may.. nangyaring di maganda.. tapos... isinugod namin si Tita Mildred sa hospital." Di naman masabi sabi ni Veronika kung ano talaga ang nangyari.
"Anong di mangandang nangyari? Sabihin mo nga?!" Pamimilit naman ng kanyang ina. Napaiwas naman ng tingin si Veronika na tila ba ayaw niya iyong pag usapan.
"Veronika! Ang sabi ko ano yung hindi magandang nangyari?" Ulit ng Ginang sa kanyang tanong. Napahugot naman ng malalim na hininga ang dalaga saka ito tumingin sa ina.
"A-ano po kase.. n-nagpatulong ako kay tita Mildred tungkol dito sa pag iiba ng kulay ng mga mata ko." bakas ang lungkot sa boses ni Veronika. Napayuko pa ito.
"Tapos.... tapos.. ewan ma.. di ko ma ipaliwanag... basta..." sabi niya na halatang nalilito na rin sa mga nangyayari. Tinitigan naman ng mariin ni Lezit ang kanyang anak.
"Ma....naniniwala ka po ba sa mga masasamang ispirito?" alanganing tanong ni Veronika sa ina.
"Yun ba yung kakaibang nangyaring tinutukoy mo?" Tanong ng Ginang sa anak. Tumango naman ng marahan si Veronika. Narinig niya ang pag buntong hininga ng kanyang ina. Kahit ayaw mang deriktang sabihin ni Veronika sa ina ang nangyari ay sapalagay ni Lezit ay alam na niya kung ano ang tinutukoy nito. Ang inis na kanyang nararamdan kanina ay napalitan ng takot at pangamba.
"Nasan si Angie?" Tanong nito sa anak.
"Nasa hospital po.. binabantayan si Tita Mildred" sagot naman ni Veronika. At muli ay napabuntong hininga si Lezit.
"Sige na anak... kumain kana muna bago tumaas." sabi na lamang nito at nauna na itong umakyat. Naiwang nag iisa si Veronika sa salas at hinatid nalamang niya ng tanaw ang ina.
*tapos na sila sigurong kumain..* bulong ni Veronika sa isipan saka niya tinungo ang kusina. Kinapa niya ang switch ng ilaw at ini-on iyon. Tumambad sa kanya ang mesang may natatakpang pagkain. Hindi pa man din niya nakikita ang laman nun ay natakam na siya. Saka lamang niya naalalang simula kagabi ay hindi siya nakakain ng maayos. Humila siya ng silya saka siya umupo at binuksan ang pagkaing natatakpan. Simpleng pagkain ang nakahain pero takam na takam siya. Ewan basta nagugutom siya. Nagsimula na siyang lantakan ang pagkaing nakahain, tagatak ang pawis ngunit sarap na sarap siya sa kanyang pagkain. Panandaliang nakalimutan niya ang pangit na nangyari sa kanila."Ang init naman dito..." bulong ni Veronika habang kumain. Halos maubos na niya ang pagkaing nasa mesa ay hindi pa rin siya nabubusog.
"Ayy ano ba yan...wala nang pagkain" sabi niya ng mapansing halos simot na niya ang pagkain. Gustuhin man niyang kumain pa ay pakiramdam niya ay di pa rin siya mabubusog kaya naman naisipan na lamang niyang ligpitin ang pinagkainan kesa magluto, tinatamad siya kaya sa sigarilyo na lamang niya babawiin ang gutom. Pagkatapos niyang hugasan ang kanyang pinag kainan ay nagpunas siya ng basang kamay saka niya kinapa ang kaha ng sigarilyo sa kanyang bulsa. Dumukot siya ng isang stick at nag lakad palabas ng bahay para naman kahit papaano ay hindi usok ng sigarilyo ang kanyang malalanghap kundi sariwang hangin. Kakalampas pa lamang niya sa hagdanan ng may narinig siyang sumutsot sa kanya. Wala sa isip na agad siyang napalingon at hinanap ang taong sumotsut sa kanya. Ngunit wala siyang nakitang tao sa kanyang likuran. Kunot ang noong napakibit balikat na lamang siya at pinagpatulog ang paglalakad.
"Veronika!" Tawag ng munting tinig sa kanya na agad niyang ikinalingon. Kung kanina ay wala siyang nararamdamang kahit na anumang takot ngayon ay ang lakas lakas na ng tambol ng kanyang dibdib.
"Sino yan?!!" Lakas loob na sigaw ni Veronika. Ngunit wala siyang nakuhang sagot kundi katahimikan. Humarap si Veronika sa gawi kung saan niya narinig ang munting tinig.
"Sino sabi yan?!!" Matapang na sigaw niya kahit kabadong kabado na siya.
"Halika....lumapit ka..." sagot naman ng muntig tinig sa kanya na ikinasindak ng dalaga. Imbis na humakbang pasulong ay napaatras si Veronika sa takot.
"S-sino ka?!" Tapang tapangan na tanong ni Veronika.
"Huwag kang matakot....lumapit ka.." sagot naman ng munting tinig.
*tatakbo o lalapit?* tanong sa sarili ni Veronika na hindi malaman ang gagawin. Katahimikan ang sumunod na nangyari kaya napaisip siya.
*baka ito ang kasagutan sa mga katanungan ko..baka ito ang makakatulong sa akin..* bulong ng dalaga sa isipan. Humugot siya ng malalim na hininga saka siya nag simulang humakbang ng marahan palapit sa munting tinig. Hanggang sa mapatapat siya sa pintuang nasa ilalim ng hagdanan, patungo sa basement.
"N-nasan ka?" Nauutal na tanong ni Veronika ng makita niyang kadiliman ang sumalubong sa kanya at walang tao roon.
"Dito..." sagot naman ng munting tinig na nanggagaling sa kaloob looban ng basement. Taas-baba ang dibdib ni Veronika na animoy hinahabol niya ang kanyang hininga sa sobrang kaba. Pikit matang napalunok siya saka siya humakbang ng marahan papasok sa loob. Dahil madilim ang parting iyon, parang bulag na kumakapa kapa siya sa dilim. Ramdam niyang pababa ng pababa siya ng hagdanan at padilim ng padilim na rin ang kanyang tinatahak. Napahinto siya at marahang nilingon ang kanyang pinanggalingan. Bukas pa rin naman ang pintuan di gaya ng sa pelikulang otomatikong sumasara iyon at kung ano ano nang kababalaghang mangyayari. Humugot pang muli siya ng malalim na hininga at ipinagpatuloy ang pagbaba sa hagdanan hanggang sa tuluyan na niyang naabot ang dulo.
"Nasan kaba?... at sino ka ba?" Tanong muli ni Veronika na pilit inaaninag sa kadiliman ang taong tumawag sa kanya.
"Dito....nandito ako..." sagot naman ng munting tinig sa kanya.. napalingon naman si Veronika sa gawing kaliwa kung saan niya narinig ang boses nito ngunit wala siyang nakita kundi kadiliman.
"Saan? Ang dilim dito..wala akong makita..." sagot naman ng dalaga.
"Lumapit ka..." sabi naman ng munting tinig sa kanya. Ewan pero sunod sunuran siya sa kung ano mang sasabihin ng tinig na iyon, kaya natagpuan na lamang ni Veronika ang kanyang sarili na kumakapa kapa nanamang muli sa gitna ng dilim.
"Nakikita mo na ba ako?" Tanong ng munting tinig sa dalaga na ikinatigil nito sa paghahakbang. Napakunot naman ang noo ni Veronika sa sinabi ng munting tinig na iyon. Anong pinagsasabi nitong nakikita niya ito? Na ang dilim dilim sa lugar na iyon?
"Paano kita makikita e, ang dilim dilim nga." May inis sa boses ng dalaga.
"Nasa harapan mo ako..." sagot naman nito na ikina lakas ng kaba ni VeronikaSa narinig ay kinilabutan si Veronika. Anong pinag sasabi ng taong ito na nasa harapan niya ito samantalang wala siyang nakikita kundi kadiliman. Sa isiping iyon ay itinaas muli ni Veronika ang kanyang kamay para kapahin ang nasa kanyang harapan kung totoo ngang nasa harapan niya ito. Napapisik siya sa takot nang may nakapa siyang kakaibang bagay. Sa sobrang kaba niya ay parang hinahabol nanaman niyang muli ang kanyang hininga, maka ilang ulit siyang napalunok at humugot ng malalim na hininga. Lakas loob na itinaas niyang muli ang kanyang kamay para kapahing itong muli. Nang maabot ito ng kanyang daliri ay marahan niyang hinimas iyon at inalam kung anong klasing bagay ito. May nakapa siyang bagay na parang natatakpan ng telang makapal. Ang kabang kanyang nadama ay napalitan ng kuryusidad.
*ano to?* tanong niya sa kanyang isipan.
"Nandito ako..." sabing muli ng munting tinig.
"A-anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ni Veronika nang malamang hindi naman hugis tao ang kanyang nahahawakan.
"Masasagot ang iyong katanungan kung iyong titingnan..." sagot naman ng munting tinig at para bang nanggagaling ito duon sa bagay na natatakpan nang makapal na tela.
*masasagot ang aking katanungan.* ulit sa isipan ni Veronika na sinabi ng munting tinig. Sa isiping iyon ay napa higpit ang hawak niya sa makapal na tela. Kasabay ng paghugot ng malalim na hininga ay hinila niya ang telang makapal.
"Ano ito?" tanong muli niya sa kanyang sarili ng makita kung ano ang bagay na iyon. Napapalibutan ito ng purong ginto at ito ang nagsilbing munting liwanag sa kadilimang iyon.
"Salamin?" Naitaong ni Veronika sa sarili. Isang malaking salamin ang natatakpan ng makapal na tela. Makaluma ang pagkakadisenyo at may batik batik na ang bawat sulok nito, kung ano man ang mga batik batik na iyon ay di niya alam. Malabo ang salamin nito kaya di niya naaaninag ang kanyang ripleksyon. Pinunasan niya iyon, nagbabakasaling baka makita niya ang kanyang repleksyon o kaya ay makita ng kung ano man lang. Ngunit kahit anong punas niya ay malabo pa rin iyon.
"Sa wakas.. natagpuan mo rin ako.." habang nag sasalita ang munting tinig na iyon ay para bang kuminang kinang ang mga gintong desenyong pumapalibot sa salamin. Napaatras si Veronika ng magsalita ang kung sino mang nilalang. Natukoy niyang sa loob ng salamin nanggagaling ang tinig.
"N-nasa loob ka ng salamin?" Takang takang tanong ni Veronika. Hindi umimik ang munting tinig na para bang minamasdam lamang siya mula sa loob ng salamin. Pinagmasdang mabuti ni Veronika ang salaming iyon, inikot pa niya ito na para bang pinag aaralan niya itong mabuti. Huminto siya sa harapan ng salamin at pinamasdan nanamang muli ito.
"Papaanong nasa loob ka ng salamin?" Takang tanong ni Veronika. Akmang hahawakan sana niya iyong ngunit biglang parang may humila sa kanyang katawan palayo sa salamin at wala siyang nagawa kundi ang tumili ng tumili. Hinila siya hanggang sa siya ay makalabas sa basement, nang makalabas siya roon ay biglang sumara ang pintuan. Patuloy pa rin siyang hinihila at hindi niya alam kung saan siya dadalhin. Hindi rin niya alam kung sino o ano ang humihila sa kanya. Wala na siyang nakikita kundi puro kadiliman. Sigaw lang siya nang sigaw na para bang humihingi ng saklolo. Hanggang sa bumagsak ang kanyang katawan na agad niyang ikinabangon at napasinghap siya ng hangin ng animoy nalunod siya sa isang balong malalim.
"Veronika ayos ka lang ba?" Tanong ni Angie kay Veronika ng magulat ito sa pagsinghap niya sabay bangon nito sa kinahihigaang sofa. Takot na takot na napalibot ng tingin si Veronika sa paligid.
"Nasan ako?" Takang tanong niya kay Angie. Napakunot naman ng noo si Angie sa tanong ng kanyang kaibigan.
"Anong pinagsasabi mo? Nandito tayo sa hospital. Mag uumaga na baka hinahanap kana ng mama mo, hindi ka umuwi kagabi." Sagot ni Angie sa kanya at nakamasid ito ng mabuti sa kaibigan. Pawis na pawis si Veronika, napapahinga siya ng malalim. Hindi niya maipaliwanag kung ano ang nangyari sa kanya.
Isang panaginip? Panaginip nga lang ba iyon? Napaka makatutuhanang panaginip naman nun.Napatingin si Veronika sa kanyang mga kamay nang itinaas niya iyon ng bahagya. Alikabok?? Saan nanggaling ang mga alikabok na ito sa kanyang mga kamay?
"Venom?? Okay ka lang ba? Balisang balisa ka...? M-may napanaginipan ka nanamang bang masama?" Usisa ni Angie sa kaibigan. Saka lamang tinapunan ng tingin ni Veronika ang kaibigan. Nababakas sa mukha nito ang takot at pangambang may mangyayari nanamang masama. Napa iling na lamang si Veronika.
"W-wala.. m-may naalala lang ako..." pagsisinungaling niya sa kaibigan. Ramdam ni Angie na hindi totoo ang sagot ni Veronika. Hindi naman niya itong masisi. Kung matatakutin kase si Veronika mas lalong matatakutin naman siya.
"V-venom... alam kong..alam kong may napanaginipan ka nanamang masama.. alam mo bang nag usap kami ni tita mildred nung gabing tumawag ka? Pagkatapos nung may nangyari saking kakaiba?" Pagkukwento ni Angie. Napailing naman ng marahan si Veronika sa katanungan ng kaibigan. Bumuntong hininga muna si Angie saka ito lumipat ng upuan. Tumabi ito sa kaibigan, umayos naman ng upo si Veronika para makaupo sa tabi niya si Angie.
"Nararamdaman nyang may taong mangangailang ng tulong ko.. alam kong hindi sapat ang kakayahan ko sa ganitong bagay pero ang sabi ni Tita... maykakayahan akong tulungan ang taong iyon.." sabi ni Angie sa kaibigan. Inabot nito ang kamay ni Veronika.
"Pero.... pero natatakot ako Venom... natatakot akong tumulong..b-baka magaya ako kay tita Mildred..o kaya ay sobra pa" pagtatapat ni Angie sa kaibigan. Napayuko siya at napapisil sa kamay ni Veronika. Pinag mamasdang mabuti ni Veronika si Angie, ramdam niya ang takot na bumabalot sa dalaga.
"Angj... alam kong sa lagay ni tita mildred ay di niya ako matutulungan..pero kaylangan kong mahanap ang kasagutan. Kung anong merong sa mga matang ito. Bakit ako? Bakit nangyayari sa akin to? Anong meron sa mga matang to? Hindi ko alam kung saan ako lalapit.. hindi ko alam kung sino pa ang makakatulong sa akin.." bakas ang kalungkutan sa boses ni Veronika.
"Ayuko naman sanang tuklasin pa kung anong meron sa mga matang ito.. pero... may mga panaginip akong kakaiba... at para bang sinasabing ang nakaraan ko'y may kaugnayan sa mga matang ito. Ayuko ng ganito Angj.. gusto ko yung buhay na meron ako nun..simula nung naging kulay pula tong mga matang to..ang dami dami nang nangyayaring di ko alam kung bakit nangyayari.. kaylangan ko ng kasagutan..kaylangan kong malaman.. anong meron sa nakaraan ko at bakit naging ganito ang mga mata ko?" Punong puno ng kuryusidad ang boses ni Veronika. Hindi naman malaman ni Angie kung ano ang sasabihin kaya niyakap na lamang niya ang kanyang kaibigan.
"Matatapos rin ang lahat ng ito Venom.. mag tiwala ka sa Kanya.. matatapos rin to." Bulong nito sa kaibigan.
"I need to know the answer Angj.. ARE YOU WITH ME?" pakiramdam ni Angie ay tumindig ang kanyang mga balahibo sa huling sinabi ni Veronika sa hindi niya malamang dahilan. Na para bang may naka ambang panganib kung kanino man ay di niya alam. Kaya nya bang tulungan ang kanyang kaibigan? Kahit alam nyang mapanganib, at baka magaya siya sa kanyang tyang? O mas higit pa roon ang sasapitin niya. Naputol ang pag mumuni muni ni Angie ng bahagya syang ilayo ni Veronika at pinagmasdang mabuti.
"Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo.. ang akin lang naman ay baka may kakilala ka pang iba na maaaring makatulong sa akin.." ramdam ni Angie ang sinsiridad sa mga sinabi ni Veronika.
"Y-yung kaibigan ni Tita Mildred.. madalas dun nya pinapasa ang mga kliyente nya pag hindi niya kinakaya." Sagot naman ni Angie. Para namang nabuhayan ng loob si Veronika at nakikita sa mukha nito ang pag asang may sulusyon pa pala.
"Saan ko sya pweding matagpuan?" Agad niyang tanong sa kaibigan.
"Sasamahan kita." Hindi na nagdalawang isip pa si Angie na sabihin iyon. Sa ganitong paraan man lamang ay matulungan niya ang kanyang kaibigan.
"Manang Belen... pwede bang ikaw muna ang tumao dito? Sasamahan ko lang si Venom." Baling ni Angie kay Belen na tahimik lang na nakamasid sa kanila. Naka upo ito malapit sa higaan ni Mildred.Wala namang nagawa si Belen kundi ang tumango.
"Tayo na." Yaya ni Angie sa kaibigan, nauna pang tumayo ito kay Veronika at agad na tinungo ang pintuan. Agad rin namang sumunod si Veronika at mabilis na hinablot ang susi ng kanyang kotse na nakapatong sa ibabaw ng mesa.
"Mag iingat kayo Angie, wag kayong papagabi sa daan" pahabol na habilin ni Belen sa dalawang dalaga. Gustuhin man niyang pigilan si Angie sa gagawin nito ay di niya magawa dahil naiintindihan niyang kaylangan siya ng kaibigan nito. Kahit may masamang kutob siya sa kahihinatnan ay wala siyang magawa kundi ang magdasal na lamang. Wala siyang kaalam alam kung anong mga kababalaghan ang mga nangyayari ngunit sa nakita niyang nangyari kay Mildred mukhang may ideya na siya kung ano man ito lalo pa nung nag tama ang paningin nila nung babaeng nag nangangalang Veronika.
YOU ARE READING
SALAMIN ( are you with me? )
Mystery / ThrillerMinsan sa buhay natin may mga pangyayaring napaka misteryo na hindi natin inaasahang mangyari. Sa kagustuhang makahanap tayo ng mga kasagutan, di natin nalalaman nailalaan na pala natin ang ating mga sarili sa kapahamakan kagaya ni Venom, short for...