Dito Ka Lang

2.7K 61 2
                                    

Kapag sinabi kong dito ka lang
huwag ka nang umalis
hahit ilang beses mo pa akong ipagtabuyan
sa harap ng maraming tao
hinding hindi pa rin ako aalis

Wala akong pake
kung masugat man
ang mga tuhod kong
kakaluhod
mapigilan ka lang na iwan ako
wala akong pake
Kung pagsasampalin man ako
ng hiya
sa lahat ng taong makakakita
ng katangahan ko
maipakita ko lang
ang pagmamahal ko sa'yo ay totoo
ni walang halong biro

Sa bawat luhang pumapatak
sanhi ng pagkawasak ng puso
na ang tanging hanap
ay ang pagmamahal
na nanggaling mula sa'yo mismo

Ngunit patawad
kung nagagawa ko ang lahat
ng bagay na ito
Patawad
kung nakakapit pa rin ako
kahit alam kong
nagawa mo nang putulin
ang lubid na nag uugnay
sa dalawa nating puso

Alam ko
hindi ka na masaya
sa piling ng mga yakap kong
nagpapainit sa ilang gabi
na malamig
at ikaw ang katabi ko
sa tuwing naalala ko
ang lahat ng bagay na nagpapasaya sa akin
na ikaw ang lahat ng dulot
nakakalungkot

Ngunit, patawad
Hindi pa rin ako sumusuko
Kapag sinabi kong dito ka lang
Sana
Dito ka nalang

Hindi ko kaya.

Sa TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon