Kumusta, Kasiyahan?

1.1K 26 1
                                    

Kumusta, kasiyahan?
kay tagal na nating hindi nagkita,
simula nang balutin ako ng kalungkutan,
sa aming munting tahanan.
Gabi-gabi,
pasikreto akong humihingi ng saklolo,
dahil takot ako sa mundo,
ngunit ni isang tao,
walang lumapit o kumausap,
walang tumugon sa lahat ng tawag ko mula sa dilim kung saan ako nakakulong ng mahabang panahon,
nakatali sa mga lubid na ipinain sa kanyang paglisan,
at walang hanggang pagdudusa,
kapalit ng kanyang kasiyahan,
at paglaya mula sa itinuturing niyang hayop sa loob ng kanyang kulungan,
naturingang nalalatang tanim sa sobrang dami ng unos
na sumubok sa aking kalooban,
unti unti kong ibinuhos,
hanggang sa malugmok ng tuluyan;
sumuko na ang sundalo,
mula sa mahabang pakikipaglaban.
ngunit hindi pa nauubos,
ang mga balang natira,
pipilin pa rin iangat,
ang mga paang nalumpo kakahanap ng saklolo,
masulyapan lang ang kasiyahang ipinagkait ng mundo,
mga ngiting matagal nang nananalaytay sa loob ng pusong nanganganib matibag,
mga paghingang unti unting luluwag mga sugat na maghihilom,
at tuluyang magdudugtong muling di na luluha't malulugmok,
makita ka lang, kasiyahan.

Sa TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon