Pasensya na,
kung lalagyan ko muna
ng tuldok,
ang mahiwaga nating storya,
hanggang dito muna
ang tatapusin ko,
sa ika-unang yugto
ako maglalagay ng tuldok,
nang malaman mo ang hanggan
at hindi kana
mangangap sa bawat sulok.
aayusin ko muna,
ang naunang aklat
na kay tagal kong
nahanapan ng maayos
na pagtatapos,
bago pa mahuli ang lahat,
hindi ko masisigurado,
kung permanente ang gagamitin ko
na panulat sa tandang ilalagay
sa dulo,
at hindi lapis
gaya ng nakasanayan ko.
alam ko,
kukupas rin ang mga tinta
sa haba ng panahong
ilalagak nito
sa iyong mga kamay,
hindi man sa ngayon
o kay tagal na panahon
tayong mabubuhay,
ang mahalaga
matapos ang nauna kong istorya.
hindi ko maipapangako,
kung maglalaho
ang tuldok,
pagkatapos ng labing apat
na taon
ngunit hindi lahat ng kwento
nagtatapos sa isang simpleng tuldok.