Nanaginip ako,
hango sa isang babaeng
hindi mo aakalin ang itsura
sa malayo,
kung may pagkahawig na morena
dahil hindi ako makatango,
at malabo raw ang aking mga
mata
sa oras na iyon,
palapit siya ng palapit
sa lugar
kung saan ako naparoon,
habang lumiliit ang agwat
naming dalawa
unti unti kong nasisilayan
ang bakas ng mga panahong abot pisngi pa ang tuwa,
sa aking mga mata
kung gaano ako naging masaya,
simula nang dumating
ang mga paketeng puno ng sorpresa
at sa huli'y naging patibong
ang lahat ng pasalubong na iyong dala,
pilitin ko man kurutin
ang aking mga hita,
magising lang sa katotohanan
na panaginip lang
ang muli mong pagdating,
ngunit kasabay ng iyong pagtitig, pagsambit
sa loob ng aking imahinasyon,
ang siya pumukaw sa puso kong
kay tagal nahimbing ng mahabang panahon,
salamat, nagparamdam ka,
kahit sa panaginip nalang tayo huli nagkita.