Ika-Labing Anim ng Hunyo

553 13 0
                                    

Tanda ko pa,
ang mismong araw
ng ika-labing anim ng hunyo.
itong araw,
na sumubok sa'kin
kung paano kumawala,
sa dalang kalungkutang
maihahatid nito
sa aking buong pagkatao,
dumating na ang araw,
kung saan
ang mga ibong nagsisiliparan,
nagsisilipatan
sa mga panibago nilang lungga,
dahil sawa na silang lumalamig
ang kanilang mga sikmura
sa malamig na klima,
kung paano ang buhay
ng mga malalayang ibon
ang siyang sinapit ko,
ilang beses na akong umiyak
sa harap ng maraming santo,
nagdasal ng taimtim,
kung sa bawat pag alis mo
ay may pag asang babalik ka pa rin,
kahit alam kong hindi na.
wala akong pake
kung patuloy pa rin akong aasa,
katulad ng mga ibong
bumabalik sa dating lungga,
matapos ang malamig na panahon
maituturing ko nang biyaya
ang bawat dasal
na bumabalik ng taimtim
sa aking mga kamay,
wala nang kulay itim
na babandera,
sa oras na bumalik
ang mga ibon sa hilaga,
pumaroon man ang mga pakpak
na nakikipaghampasan
sa bawat hanging dumadampi,
kasabay ng paghihitay
na makita ka muli.

Sa TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon