Prologue

2 0 0
                                    

December 25, 2014

"Isang baso pa please." sabay tulak ng baso papalapit sa bartender.

"Tama na miss lasing kana. " sabay tago ng baso.

"Nyeta di pako lasing akin na yung baso!"
Sigaw ko.

May sinenyas yung bartender at maya maya may lumapit saking dalawang bouncer.

Marahas akong hinablot ng dalawang to sa magkabilang braso at itinapon sa labas ng bar.

"Kung maglalasing ka at magwawala jan ka sa labas wag dito miss. "

Nag dirty finger ako At napailing nalang yung isa bago ulit sila pumasok sa loob.

Pinilit kong tumayo kahit nahihilo na ako. Lumakad nako at di ko alam kung san pupunta basta lakad lang. Marami nang saradong tindahan,pero meron pa naman kakaunting bukas.

Nabaling yung tingin ko sa Lotto Outlet pumunta ako dun nang pagewang gewang. Zombie mode haha.

Nang makalapit ako humingi ako ng isang ticket sa babae. Binigyan ako ng babae habang nakatabon yung kamay sa ilong. Ang arte.

Napaisip ako ano kaya itataya ko. This time ba seswertihin ako? Sunod sunod na kamalasan ang dumapo sakin.

Habang sinusulat ko yung anim na numero para itaya, napaisip ako sa bawat number naisusulat ko bumabalik sakin lahat ng ala ala ng kamalasan na dinanas ko.

12 21 28 08 23 25

Yung panghuli ay date ngayon,  paskong pasko mag isa ako. Ibinigay ko yung taya at bayad ko sa babae at umalis nako.

Pumunta ako sa park sa tabing dagat at humiga sa may bench, ang bench at ang lamig ng gabi ang saksi sa lahat ng kamalasan ko sa buhay.

At nakita ko nanaman ang sarili kong umiiyak. Namamaluktot sa lamig. Lamig ng paskong nag iisa. Nakatitig ako sa ticket  ng lotto.

"Sana bukas magbago na ang lahat" sabay ng pagpikit ng aking mata ang pagtulo ng di mabilang na luha. Sabay ibinulsa ang ticket. At nag snap ako ng kamay bago matulog.

-----

Paggising ko napagpasyahan kong umuwi at kunin ang mga gamit ko.Total walang tao dun. May duplicate din ako ng susi ng bahay. Maghahanap ako ng trabaho at maghahanap din ng apartment na matitirhan.

Sumakay ako sa bus pauwi. Umupo ako sa pinakadulong upuan sa hulihan. Napansin kong may tv yung bus na sinakyan ko. At sa PCSO yung channel nito ibig sabihin nag bobola na at malalaman na kung anong lalabas na numero. Di ko nalang pinansin to total malas naman ako kaya di ko na inabala pang manuod.

Tumingin ako sa phone ko at trending yung billiong pera na maaring mapanalunan sa lotto. 

Mga mukang pera.  Ani ko sa mga taong nagshare nun.

Tumingala ulit ako sa tv at nakita ko yung numerong lumabas.

12 21 28 08 23 25

"Omygoooood" lumingon sakin lahat ng pasahero at bigla akong napatago sa kahihiyang ginawa ko. Nang ialis na nila sakin ang kanilang tingin kinapa ko sa bulsa ko yung ticket ko at salitan kong tinignan ang mga numero nito at mga numero sa tv.

Nanalo ako . Sabay sapo sa nakanganga kong bibig dahil sa pagkagulat.

Agad akong pumara para bumaba at nagpara ng tricycle.

"Manong sa PCSO office po. "

LadyAcel💕

 Instant Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon