BalikTanaw 18

5.7K 115 6
                                    

POV of Waren

napapadalas na ang pagkausap ko sa sarili ko feeling ko ano mang oras mababaliw na talaga ako,hindi ko alam kung tama ba tong gagawin ko pero wala na talaga akong ibang maisip na mapuntahan at maka usap.....

lahat ng taong gusto kong maka usap ay ayaw man lang akong makita kaya madalas lang akong naka kulong sa kwarto ko dahil pinagbawalan din ako nina Dad at Mom na lumabas ng bahay,dalawang lugar lang naman ang pwede kong puntahan ang bahay namin at itong bahay nila......

ng dahil sa mga ginawa ko kahit hindi nila sabihin alam kong tinalikuran na nila ako,ang pagkakaibigan na matagal naming binuo at inalagaan ay sinira ko,Sina Blue at Zec matindi parin ang galit nila sakin to the point na kailangan pa silang turukan ng pangpakalama bago sila humarap sa akin,Si Thor matinding pagtitimpi ang ginagawa niya sa tuwing magkikita kami,Sina Yhen hindi ako kinikibo,Si Joren matinding irap at pagpaparinig ang palagi kong natatanggap sa kaniya at Si Troy naman hindi niya rin ako kinikibo,silang lahat ay hindi ko masisisi kasalanan ko naman talaga ang lahat may mga dapat naman talaga silang ikagalit sakin maging ako nga galit rin ako sa sarili ko lalo na sa mga ginawa ko kay Matea.........

kasalukuyan akong naglalakad ngayon patungo sa kwarto niya magaalasais na ng gabi at palubog na ang araw ng pumunta ako dito sa kanila at nakiusap ako kay Tito na kung maari sana ay makita ko si Matea kahit saglit lang noong una nagdadalawang isip pa si Tito pero sa huli pumayag din siya........

noong gabing binugbog ako nina Blue,Thor at ng isa pa nilang kasama na sobrang galit na galit dahil sinaktan ko daw ang babaeng pinakaiingatan niya ay sa totoo lang hindi ko nagawang magalit sa kanila dahil ng gabing yun dun lang ako nagising sa kahibangan ko,sa bawat suntok,sipa at tadyak na natatamo ko sa bawat isa sa kanila ay hindi ko nararamdaman ang sakit bagkos ang tanging nararamdaman ko lang ang sakit dito sa dibdib ko dito sa puso ko,habang binubugbog nila ako wala akong ibang nagawa kung hindi ang mapa tulala at pakinggan ang bawat pagtibok ang puso ko,marami silang sinasabi pero niisa sa mga sinasabi nila ay wala akong marinig dahil habang binubugbog nila ako nagfaflashback ang lahat ng masasayang mga sandali na pinagsamahan namin ni Matea ng gabing yun bago ako mawalan ng malay at bago ako sumuka ng dugo ay alam ko na naibigkas ko pa ang salitang PATAWAD.......

ng tuluyan na akong maka rating sa tapat ng kwarto ni Matea ay napa pikit muna ako sandali bago ako tuluyang pumasok sa kwarto niya,ng maka pasok at ng malapitan ko na si Matea ay naupo ako sa tabi niya.......

hindi ko naiwasan na hindi mapagmasdan ang maamo niyang mukha,marami akong gustong sabihin sa kaniya pero hindi ko magawang maibukas ang bibig ko kaya ang tanging nagawa ko na lang ay ang hawakan ang kaniyang kamay........

ilang araw na ang lumipas simula ng huli ko siyang dalawin,ang sabi ni Tito napapadalas na daw ang pagwawala at pananakit niya sa sarili niya,simula ng magising siya ay hindi na siya nagsalita pang muli palagi lang siyang naka tulala,hindi rin siya kumakain at natutulog ng maayos kaya kailangan pasiyang turukan ng pangpakalma para maka kain at pangpatulog para maka tulog ng maayos.........

bahag siyang gumalaw at pati na rin ang kaniyang isang kamay kaya nakita ko ang ilang hiwa sa kamay at sa maypulso niya at duon ko na hindi naiwasan na hindi mapa luha lalu na ng makita ko ang bago niyang hiwa sa pulso niya.........

ang sabi ni Tito Konan ilang beses na daw nagtatangkang magpakamatay si Matea buti na lang daw ay palagi itong naaagapan,galit ako sa sarili ko galit na galit dahil kung hindi dahil sakin hindi sasapitin ni Matea ang ganitong sitwasiyon,kung hindi dahil sakin hindi rin mamamatay si Yana.........

sa tuwing naaalala ko ang mga pinaggagawa ko kay Matea hindi ko maiwasan na hindi sabihin sa sarili ko na sana pala ako na lang ang namatay at hindi si Yana na sana pala ako na lang ang nakaranas ng lahat ng sakit na nararanasan at nararamdaman ni Matea.......

simula ng mga realize ko ang lahat ng mga katangahan na ginawa ko wala akong ibang ginawa kung hindi ang tanggapin ang lahat ng galit nila sakin wala akong ibang ginawa kung hindi ang pakinggan ang lahat ng masasakit na sinasabi nila sakin at higit sa lahat wala akong ibang ginawa kung hindi ang paulit-ulit na sisihin ang sarili ko sa lahat ng mga ng yayari ngayon.......

hirap na hirap na ako,sobra na akong nasasaktan feeling ko ano mang oras magbi-break down na ako,ang sakit kase ang sakit sakit na sobra hindi ko alam kung pano ko ilalabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko at hindi ko alam kung kanino ko dapat sabihin........

Sorry,Sorry,Im so Sorry........umiiyak na sabi ko

itinakip ko na ang isang kamay ko sa bibig ko upang hindi ako maka gawa ng ano mang ingay habang ang isa ko naman kamay ay naka hawak parin sa isang kamay ni Matea pero hindi ko na talaga kaya tuluyan na akong napa pikit at napa hagulgol ng dahil sa mga ng yayayri ngayon.......

mga ilang sandali ay naramdaman ko na mayyumakap na sa akin hindi ko na ibinukas pa ang mga mata ko upang alamin kung sino dahil na amoy ko na siya kaya mas lalo akong na paiyak.........

Im sorry........umiiyak na sabi ko at niyakap ko na rin siya

ng humigpit ang pagkakayakap niya sakin ay bumabalik sakin ang lahat ng mga pangyayari noong araw na naki pagbreak ako sa kaniya,noong gabing hinabol niya ako sa kasagsagan ng napaka lakas na buhos ng ulan,noong mga oras na umiiyak siya,noong oras na iniwan ko siya sa tapat ng hospital,noong mga oras na kailangan niya ng tulong dahil binubully siya na hindi ko siya tinutulungan at higit sa lahat ng oras na halos mamatay na siya ng wala man lang ako sa tabi niya,lahat ng sakit na ibinigay ko sa kaniya noon feeling ko doble ang sakit na bumabalik ngayon sakin hindi lang doble triple pa......

alam kong pati rin siya ay umiiyak na,walang nagsasalita sa aming dalawa patuloy lang naming hinahayaan na umiyak ang bawat isa habang kami ay magkayakap.............

humiwalay ako sa kaniya,tiningnan ko siya sa kaniya mga mata at ganun rin ang ginawa niya sa akin bago ako magsalita ay hinawakan ko muna ang isang pisngi niya........

Im sorry,Im so sorry......paulit-ulit na sinasabi ko sa kaniya habang patuloy na tumutulo ang mga luha sa mga mata ko

dahan-dahan ko siyang hinalikan sa kaniyang nuo ngunit ilang sandali pa ay humiwalay na rin ako sa kaniya,patuloy lang siyang umiiyak habang tahimik na naka pikit kaya pinahiran ko ang mga patak ng luha na patuloy na umaagos sa kaniyang mga pisngi at muli ay niyakap ko siya........

alam kong napaka imposible pero sana balang araw mapatawad mo rin ako,Matea please bumalik kana sa dati pangako bumalik ka lang hinding-hindi na kita guguluhin pa and again im sorry...........ang sabi ko kay Matea at bago ko pa hindi makontrol ang sarili ko sa pagiyak ay humiwalay na ako sa kaniya at nagmadaling lumabas ng kwarto niya

ng maka baba ako ng hagdan ay naka salubong ko sina Blue pero agad din akong napa yuko upang hindi nila mapansin na umiiyak ako......

3rd Person POV

pinatawag ni Konan sina Blue,Zec,Thor,Troy,Yhen at Joren upang pabalikin na sa kanilang pag-aaral dahil hindi porket nagkakaganiyan si Matea ay papabayaan na nila ang mga responsibilidad nila at ang kanilang pag-aaaral,kahit na labag sa kalooban nila ay napa Oo na lang sila sa gustong mangyari ni Konan

pakalabas nilang anim sa nagsisilbing office ni Konan ay naka salubong nila si Waren noong una ay nagtaka sila kung bakit ito nagmamadali at bigla na lang yumuko ng maka salubong nila ngunit sa bandang huli ay ipinagsawalang bahala na lang nila ito pero maliban kay Troy dahil kahit na naman maypagtatampo siya kay Waren ay kaibigan parin naman niya ito.........

pasimpleng umalis si Troy at sinundan niya si Waren na kakasakay at kakaalis lang sakay ng kotche nito kaya gaya ni Waren ay nagmadali rin siyang sumakay sa kotche niya at pinaharurot niya rin ito palabas ng mansion nina Matea ngunit hindi pa nga siya masiyadong nakakalayo sa mansion nina Matea ay natanaw niya na ang kotche ni Waren na naka tigil sa isang tabi.........

agad siyang bumaba sa kotche niya at kinatok ang bintana ng kotche ni Waren,naka tatlong katok pa siya bago siyang tingnan ni Waren,hindi niya naiwasan na hindi mabigla ng makita niyang labis na nahihirapan at umiiyak si Waren.......

"ABANGAN"

THCP meet TGGP ( Vol. 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon