3rd Person POVkung kelan nagkaroon ng lakas ng loob si Matea upang maka pagsalita ay siya rin namang mabilis na panghihina at pagiging bato niya ng dahil sa bigla na lang inalis ng lalakeng kaharap niya ngayon ang mismong maskarang suot nito at bigla na lang siyang hinalikan....
isang halik na punong-punog ng pagmamahal at lungkot,agad din namang lumayo ang lalake at iniwan si Matea na tulala at gulat na gulat,samantalagang kagaya ni Matea ay nagulat rin ang karamihan sa mga schoolmates nila ng dahil sa eksenang ng yari ngunit kahit na ganun marami parin ang naka kuha ng litrato at kinilig......
ng maka balik si Matea sa kaniyang sarili ay agad niyang hinanap ang lalakeng humalik sa kaniya ngunit hindi niya na ito makita pa......
papunta siya sa parkinglot kung saan naka park ang kotche mo.......naka ngiting sabi ni Zec ng harangin niya si Matea habang nasa likod niya sina Thor at Troy
tnx.....nagmamadaling sabi ni Matea kina Zec at agad na tinungo ang lugar na sinabi ni Zec
ng maka rating si Matea sa lugar na sinabi ni Zec ay agad niya ding nakita ang lalakeng hinahanap niya na pasakay na sana ng kotche niya kaya agad niya itong binato ng pouch na hawak niya at na sapul niya ito sa ulo kaya napahinto ito sa pagsakay sa kotche nito.........
GANUN GANUN NA LANG BA YUN HA PAGKATAPOS MONG GUMAWA NG EKSENA DUN NA IDINAMAY PO PA AKO EH IIWAN MO NA LANG AKO NG MUKHANG TANGANG MAGISA DUN HA........galit na sigaw ni Matea ng maka lapit siya sa lalakeng binato niya
tiningnan lang siya ng lalakeng binato niya at pagkatapos ay pinulot nito ang pouch ni Matea.......
ano ngayon ang gusto mong gawin ko halikan ulit kita????walang emosiyon na tanong ng lalake at agad naman siyang sinampal ni Matea
KAHIT KELAN NAPAKA G@GO MO TALAGA WAREN.........galit na sigaw ni Matea sabay hablot sa pouch niya na hawak ni Waren
teka lang......pigil ni Waren kaya napa tingin naman si Matea sa braso niya na hawak ni Waren ngayon
magsasalita sana ulit si Waren ng biglang tumunog ang phone ni Matea kaya agad na sinagot ni Matea ang tumatawag sa kaniya na si ClasThoper......
Hello Clas.......ganun ba sige papunta na ako........sabi ni Matea at pagkatapos niyang makausap ang tumawag sa kaniya ay agad niyang hinigit ang braso niya na hawak parin ni Waren at nagmadali siyang sumakay sa kotche niya at umalis ng walang lingon-lingon kay Waren
wala namang ibang nagawa si Waren kung hindi ang sundan na lang ng tingin ang papalayong kotche ni Matea........
nak naman Tol ang hina mong dumiskarte kung ganiyan ka ng ganiyan ay talagang mauunahan ka ni Splitter.......sabi ni Zec kaya napaligon sa kaniya si Waren
kanina ka pa diyan???walang ganang tanong ni Waren at tumango naman si Zec
mauuna na ako sa condo sumunod na lang kayo.....sabi ni Waren habang naglalakad papunta sa kotche niya
bakit papainom ka????naka ngiting tanong ni Zev
oo....tipid na sagot ni Waren
yan yan ang gusto ko sayo Tol sabagay kailangan talaga nating icelebrate ang 1st move mo sa operation mo na "GET THE SECOND CHANCE".......parang baliw na sabi ni Zec
Lul.....tanging sabi ni Waren bago sumakay sa kotche niya at tuluyang iwan si Zec na parang baliw na naka ngiti
POV of Matea
kanina kase maytumawag sakin isang babae gamit ang phone ni Clas at sinabi sakin na kailangan ko daw pumunta sa Bar ni Blue dahil lasing na lasing na daw si Clas at hinahanap ako kaya wala na akong ibang nagawa kung hindi puntahan nga si Clas na lasing na lasing nga kahit gustong-gusto ko ng bugbugin si GungGung kanina........
ng maka rating ako sa Bar ni Blue ay agad kong hinanap si Clas at ng mahanap ko siya ay agad kong tinawagan si Blue na wala pala ngayon dito sa Bar niya......
ang tagal mo naman......sabi ko kay Blue ng maka rating siya
sorry traffic eh......Blue
ok lang tara na ihatid na natin tong si Clas hindi ko kaya eh tulog na kaya tinawagan kita.......Ako
ok lang mabuti nga at ako ang tinawagan mo pero ang mabuti pa sa condo ko na lang siya natin dalhin dahil sigurado akong magagalit ang Tita nito paginuwi natin siyang lasing sa kanila at pati tayo masisermunan....sabi ni Blue
sabagay......sabi ko at yun na nga binuhat na ni Blue si Clas papunta sa kotche niya at naunan na silang umalis samantalang ako ay sumunod na lang sa kanila sakay ng kotche ko
ano ba kaseng ng yari dito at naglasing to ng ganito????tanong ko kay Blue habang pinapahiran ko ng basang bimpo ang mukha ni Clas
ewan ko bigla na nga lang yan nawala kanina eh pero siguro satingin ko sobrang na depress yang lalakeng yan dahil natalo sila actually siya ewan ko nga ba diyan sa tao na yan ako tong naagawan ng korona kami tong naagawan ng trophy pero siya itong sobrang na depress.......sabi ni Blue habang naka upo sa couch at naka hawak sa sentido niya
ano bang pinagsasabi mo????naguguluhang tanong ko
eh kase natalo kami pati na sina Thoper at sina Zec ang nanalo pagkatapos si Waren pa ang naging MVP kaya ayan na depress si Thoper dahil nabanggit niya samin nina Matt at Jacob na bago daw magsimula ang Championship game sa pagitan ng team nila at team nina Waren ay nagkaroon daw sila ng kasunduang dalawa ni Waren.......Blue
at ano naman yun????tanong ko
na kapagnanalo daw ang team nina Thoper ay lalayuan kana ni Waren pero kapagnanalo naman daw ang team nina Waren ay ang kundisiyon lang daw ni Waren ay lalayuan ka ni Thoper for one week as in layu talaga walang txt,walang call at walang sundo at hatid........sabi ni Blue kaya bigla naman napa kunot ang nuo ko at otomatikong napa salubong ang dalawang kilay ko
ginawa ni Thoper ang lahat para manalo pero sadyang naging masaklap ang kapalaran niya at naging maganda naman ang kapalaran ni Waren kaya ayun na depress ang loko dahil sa pagkatalo niya pero alam mo Insan sobrang naging matindi ang laban nila nung championship game akala mo nga pareho silang nagaapoy eh sayang talaga at wala ka hindi mo tuloy napa nuod........manghang sabi ni Blue sakin
so natano si Clas????tanong ko at tumango naman si Blue
so nag champion ang School namin at si Waren ang naging MVP????hindi maka paniwalang tanong ko ulit
oo Insan ganun na nga......sabi ni Blue kadahilanan upang maikuyom ko ang isang kamao ko dahil naalala ko bigla ang kalokohang DEAL ni GungGong
"ABANGAN"
BINABASA MO ANG
THCP meet TGGP ( Vol. 2 )
Teen FictionAKO SI MATEA FIA ZAPNU KOTEN ang kilalang G.G PRINCESS na kinatatakutan, kinahahangaan, kinaiinggitan at minamahal ng karamihan ay ngayon AY LABIS NA KINAMUMUHIAN ANG KANIYANG KATAUHAN.............................