Chapter 3
Here we come
"Manang, tuloy po kayo." I welcomed Manang.
"Salamat, hija." She replied. "Clementine, anak.." she said when she saw Clem.
"Hello, Manang!" Bati ni Clem.
"Manang, maupo po muna kayo. Nag luto ako ng carbonara para merienda natin." I lead her way to our dining table. We sat down and started eating.
"How's mom and dad, Manang?" I asked cutting the silence.
"Ayos lang sila, anak. Nagpapahinga sila pero nag aalala talaga sila sayo. Base sa narinig ko, mukhang magtatagal pa sila rito sa Manila." Napa tango tango lang ako sa sinabi ni Manang. If they really want to find me they will find a way.
"Bakit mo nga pala ako pinapunta rito, hija? May gusto ka bang ipasabi sa mama at papa mo?" Tanong niya habang kumakain.
"No, Manang. I'll get straight to the point. Diba po taga Davao ka?"
"Oo, hija. Ewan ko kung naalala mo pa ang mga ikinekwento so sayo noong bata ka pa." She laughed.
"Oo naman po." I paused, "ah, Manang, meron po kayong kapatid doon, diba? Si Manang Miraflor?"
"Oo, anak. Nakababatang kapatid ko si Miraflor. Bakit mo natanong, hija?"
"Ah kasi manang, gusto ko po sanang pumunta ng Davao. Gusto ko pong makapag pahinga saglit." I finally said it. She faced me.
"Nako! Oo napaka ganda ng Davao, hija! Lalo na sa Samal kung saan nakatira si Miraflor! Mayroon siyang maliit na resort sa tabi ng dagat. Tiyak na magiging mapayapa ang bakasyon mo doon. Ilang araw mo ba balak mag bakasyon, hija?" Tila manghang mangha siya habang sinasabi iyon.
"I don't know manang. 1 month or 2?" I said that made her a bit shocked.
"P-Plano mong magtagal? Bakit naman, hija? Puede niyo naman sigurong pag usapan ang problema niyo, hindi ba? At paano ang trabaho mo? Sino mamamahala ng hotels?" Sunod sunod na tanong niya. Gaya lang ng reaksyon ni Clem.
"Exactly, manang." Singit ni Clem. "You know, that won't be easy, couz. The adjustments and how will you survive there? Wala kang trabaho! I mean?" She said proving her points.
"Manang just said her sister has a resort, Clem. I can work there for a while just enough to buy myself what I need and I don't know rent a place to live?"
"Hija, kahit na. Isla iyon, malayo sa nakasanayan mo dito sa siyudad." Manang said. Hinawakan ko ang sentido ko. I don't know anymore! I'm sure about my plan!
"You see, manang, balak nila akong ipakasal sa taong hindi ko kilala. You know me since I was a kid! Alam mong sinusunod ko ang mga sinasabi ni mom! I've been a good daughter to her! Pero pati ba naman sa mapapangasawa ko, siya parin masusunod?" Sinabi ko na sa wakas para malaman ni manang ang rason.
Napasinghap siya, "pasensya na, anak." Hinawakan niya ang kamay kong nasa lamesa. "Sige, hija, tutulungan kita." I faced her, she smiled at me.
"Totoo po ba, Manang?" I said excitedly.
"Oo. Tatawagan ko ang Manang Miraflor mo, ayos ba 'yon?" After she said that I quickly hugged her. I was so happy!
Nang bumitaw ako sa yakap nagsalita si Clem, "hey, Savi. I will let you go there but but but.." she paused, "I should come with you."
"OMG, yes!!" I hugged her too. Finally!
"Hija, mauuna na sana ako. Babalitaan nalang kita kapag natawagan ko na si Miraflor, ha?"
"Manang, maraming salamat po talaga! Babawi po ako sainyo pagka balik ko, promise po 'yan! Sana po ay 'wag niyo munang ipa alam kina mom at dad."
"Hay nako, walang anuman, hija. Basta maayos lang ang kalagayan mo at magiging mabuting bata ka, ayos na saakin. Makaka asa ka, anak." Hinatid namin siya sa labasan at niyakap namin siya ulit ni Clem. Pinasakay namin siya ng taxi pauwi. Hindi namin siya mahatid eh.
We went back upstairs, "anong plano mo pag matutuloy ang Davao?" Clem suddenly asked.
"We should find a place to stay, of course. And then I would ask Manang Miraflor if we can work in her mini resort. Or if not, we will find a way so we can earn. Stay there for a month or so, I guess." I don't really have a plan. I mean you can say, naisip ko lang saglit and then boom!
"And if your plan won't work?"
"I can just ask someone to send us money and we can book a flight back to Manila if we really can't survive there. We won't know if we won't try, sis." Sa nasabi ko natahimik lang siya. "Hey, thank you. You were there since day 1. I can't ask for more." She was really a sister to me.
"I got you, okay?" We then hugged each other.
Nang gumabi na, tumawag si manang. Of course I answered it right away knowing that it will be about Davao.
"Hello po, Manang?" Panimula ko. Sinenyasan ako ni Clem na i-loud speak and so I did.
"Hello, hija?"
"Opo?"
"Nakausap ko na si Miraflor. At natuwa siya sa balita ko. Sabi niya pa susunduin nila kayo at puede kayong tumuloy sa bahay nila. Natuwa siya dahil isa lang ang anak niya at lalaki ito." What she said was good news!
"Talaga po? Alam niya po bang plano naming mag stay 'don ng medyo matagal?" Y'all, I'm excited as fuck!
"Ah, oo. Nabanggit ko 'yon sakanya. At wala naman dawng problema sakanya 'yun."
"Nako, pakisabi po sakanya, maraming salamat po talaga! Sayo din, manang. Thank you po! This won't be possible without you."
"Walang anuman, hija. Tawagan mo nalang ako kung kailan kayo aalis, ha? At nang masabihan ko si Miraflor. Bibigyan din kita ng numero niya para kayo ang mag usap."
"Opo, thank you po, manang! Magpapakabait po ako doon!" I said to her like I'm a little kid.
Natawa siya sa sinabi ko, "oh siya, may trabaho pa ako, anak. Magpapaalam na muna ako."
"Sige po, bye manang! Ingat kayo!"
"Ingat rin, anak." And then I ended the call.
Clem and I faced each other, "Davao!! Here we come!"
_______________________________________
^___^ a boring update, I know. I'm sowriii hehe.

YOU ARE READING
Breeze Of Destiny
Teen FictionSavanna Ivory Buenaventura never break her parent's rule until they ask her to marry someone. She didn't even thought of meeting the guy. Instead, she ran away. She became happy for she's finally free. Savi doesn't believe in destiny until she met s...