knock **
Knock**
pagbukas ko ng pinto agad na sumalubong sakin si mika na mayroong dalang pasalubong para kay symone
" kumusta kana?" bungad nya sakin
" okay lang naman , halika umupo tayo" yaya ko sa kanya " ikaw kumusta ang paghahanda para sa nalalapit na kasal" dagdag ko
" eto nakakapagod , kakagaling ko nga lang sa wedding planner namin eh " sagot nya " at alammo ba kung sino ang nakita ko?" dagdag nya
" ikaw kung ano ano nakikita mo ah " tawa kong sagot " at alam mo ba na may nakita din ako kahapon" dagdag ko pa
" sino?" tanong nya
" si Samuel" sagot ko
" wow yong babaerong yon?!, sinasabi ko sayo Joy ha wag na wag kang magpapaloko ulit don. Cheater will always be a cheater! hayyyy kumukulo ang dugo ko talaga sa lalakeng yon eh!" gigil na sagot nya
" oo naman no! ano ba, ilang years na din ang lumipas, nakalimutan ko na sya , tsaka may anak na ako no!" ani ko
" ang sabihin mo kay Rigel parin yang puso mo! hihihi" - mika
" holllo!" pabebe kong sagot " hindi no! isa din yon eh ! ayoko pag usapan yong lalakeng yon. Sino ba yong nakita mo kanina?"tanong ko
" si Rigel Mendez! " sigaw nya
" hoy ano ka ba baka marinig ka ni symone!" saway ko
" pero besty ang sabi nya sakin umuwi daw sya dito sa pilipinas kasi ikakasal na daw sya, mukhang yong hinihintay mo nabingwit na ng iba" malungkot na bigkas ni mika
" talaga ba? haha hayaan mo sya kung anong gusto nya sa buhay nya" sagot ko
"hayysssss, dika pa nakakamove on talaga, hanggang ngayon hinihintay mo parin sya " dagdag nya
" ayyy hindi no!! hahaha never!" sagot ko naman
"tita ninang! I really love the food!" sabat naman ni symone galing sa kwarto nya
" really? Pili yan ni tito ninong mo!" sagot naman ni mika
" Thankyou so much po!" ani ng anak ko
" youre welcome baby!" sagot naman ni mika
" tita ninang from now on dont call me baby na po" paliwanag ni symone
" why?" singit ko
" I am not baby anymore mom! I am already a man!" paliwanag nya " and mom I want baby sister!" dagdag pa nya
"Saan naman ako kukuha anak" sagot ko habang tumatawa kaming dalawa ni mika
" lets buy tomorrow mommy please!" pakaawa nya " at the Mall mommy I think they have !" dagdag pa nya
"I have work tomorrow mylove dikita masasahan " sabi ko
"tita ninang I know you are not busy" pacute na boses ni symone
" paano ko ba mahihindian tong anak mo eh ang cute cute" bigkas naman ni mika
"really ninang? sasamahan nyo po ako?" masayang tanong nya
" alam mo ba kung saan tayo bibili ng baby sister mo?" tanong ni mika
" I will ask yaya first!" excited na sabi nya saka sya nagpunta sa kusina at kinausap si yaya minda
" uhmm, ikaw mag asawa ka na , hindi lang daddy ang hinahanap ng anak mo pati na din kapatid " untag nya " gawa gawa din pag may time ha " dagdag pa nito
" baliw " sagot ko naman
Paano naman ako gagawa kung yong gusto kung kasama gumawa eh ikakasal na sa iba.
______________________
"ano ba samuel hanggang dito ba naman sa airport sinusundan mo ako?!" inis na sabi ko
" Joy patawarin mo na ako please nagmamakaawa ako sayo" ani naman nya
" ilang beses ko ba sasabihin sayo na napatawad na nga kita" sagot ko naman
" let me comeback to your life" untag pa nya
" Pagod ako galing akong trabaho, kaya pwede ba kung pwede lang wag mo akong bwisitin" naiinis na talaga ako, kakalabas ko lang kasi ng airport bigla syang harang sa dinadaanan ko
" Im sorry! but please give me another chance " pakaawa nya kulang nalang ay lumuhod sya sa harap ko
" mag usap tayo sa ibang araw , wag ngayon pagod ako " sabi ko ko saka sumakay na sa service ng airline
kung kailan maganda na ang agos ng buhay ko saka naman may eeksena kasi ano eh
Kung kailang gustong gusto ko umuwi saka pa kasi traffic, bigla kung naisip sila symone at mika ano na kaya nang yayari don sa kanilang dalawa,
mayamaya habang malalim ang iniisip ko biglang ng ring yong phone ko
Mika is calling******
sinagot ko ito agad
" hay buti naman at sinagot mo agad!" bungad nya
" bakit" kinakabahan kong sagot
" ano kasi ... asan kana ?" tanong naman nya
" pauwi na natraffic lang ako , bakit ba kasi ?" curious na tanong ko
" anooo.. tsk si Rygel.."
" bakit?"
" nandon sya sa unit mo"
"whattttt!!??? anong ginagawa nyan jan!?"
" eh kasi kanina habang naglilibot kami ki symone sa mall bigla namin syang nakita, tas tinanong nya sakin kung kaninong anak si symone...
Im sorry bess pero sinabi kong ikaw pero diko sinabing sya yong ama ha" paliwanag nya" sigh* tapos ? paano sya napunta sa unit ko? tanong ko ulit
" nagpumilit sya , gusto ka daw nya makausap , wala na akong magawa kasi ..."
diko na tinapos yong sasabihin nya
" anong gagawin ko " paiyak kong boses
" bess, walang lihim na hindi nabubunyag. lalong lalo na sa mag ama mo kahit anong anggolo mo tingnan magkamukhang magkamuka silang dalawa, yong kutis lang ni symone ang nakuha nya sayo" untag nya
"at isa pa may emergency akong pupuntahan , iniwan ko na sila sa loob ng condo mo" dagdag pa nyalalo naman akong kinabahan sa sinabi nya what if itakas nya si symone diba
" haaaa?? paano kung itakas nya yon!" inis kong boses
"hindi pa naman nya alam na anak nya yon!" sagot naman nya " sige na at nag dadrive ako, wag kang mag alala tuwang tuwa si symone kay rigel kanina" untag pa nya
" sige salamat " sagot ko saka ibinaba na ang tawag
sunod sunod ang mga kamalasan ngayon araw na to .
BINABASA MO ANG
Its always been you
Short StoryHindi lahat ng naghihintay, nababalikan. At sana sa panahon na pwede na , ay pwede pa.