" goodmorning po mam!" bati sa akon ni marisa
napaaga ako ng gising kasi balak kung magluto ng breakfast namin
" goodmorning marisa ako muna ang magluluto ngayon"
" sige po mam tutulongan nalang po kita "
binigyan nya ako ng apron at sinimulan ko nang magluto
" ayyy palaka! ang aga nyo naman yata ngayon mam!" panimula ni yaya minda
" maaga naman ako lagi no!" sagot ko
" woww! mukang maganda ang gising nyo mam ah ikaw ang nagluluto !" untag pa nito " ahh alam ko na inlove ka mam kaya nagluluto ka!!!!" dagdag pa nito
" ayiiiieeeee!!!" kantyaw nila
naiinitan ako kaya naisip kung itali muna ang buhok ko saka ako humarap sa dalawa ,na ngayon ay nakaupo
" tumigil nga kayo jan ang aga aga!" saway ko
biglang nanlaki ang dalawa nilang mata saka sila nagtinginan
" whats with that expression?" takang tanong ko
" mukhang alam ko na kung bakit kayo good mood ngayon mam!" sagot ni marissa
sa pagkaka alam ko lagi naman akong good mood.
tumawa silang dalawa saka pa ito nag apir
hindi ko sila pinansing dalawa , tumalikod ako at itinuloy ang pagluluto ko ng itlog.
" ano yang niluluto nyo mam?" tanong ulit ni yaya minda
" Egg" tipid na sagot ko
" owwwwwww!!! ano na po ba ang natapos nyong lutuin ?" tanong nya ulit
" Hot dog" sagot ko ulit
" ahhhh hihihi!!!!" untag nito saka ulit silang tumawang dalawa
" alam nyo ang weird nyo! sure ba kayong nakatulog kayo nang maayos?"
" eh kayo mam baka puyat po kayo? baka napuyatan po kayo kagabi, kami na po ang magtatapos nyan"
nakatulog naman ako sa byahe namin ni Rigel kagabi sa eroplano kaya hindi naman ako puyat masyado, si Rigel ang puyat kakabantay sa akin baka daw kasi si Johan ang piloto ng pinagsakyan naming eroplano,kakarating lang kasi namin galing sa boracay
" hindi ako puyat. Si Rigel ang puyat" sagot ko
tumawa ulit ang dalawa
"may nakakatawa sa sinabi ko?" tanong ko
" wala po mam kinikilig po kasi kami!" sagot ni marisa
" kinikilig kayo na puyat si Rigel?" tanong ko habang abala parin sa pagluluto
" hihihihi sure po kayo mam ha na hindi kayo puyat, or baka masakit ang katawan nyo mam o di naman kaya pagod kayo mam?"tawa nilang dalawa
" hindi ako pagod at walang masakit sa akin"
baliw na yata yong dalawang yon ka aga aga.
" ay mam mag aayos lang kami ng mga plato ha " paalam sa akin ni yaya minda
" mabuti pa nga " sagot ko
![](https://img.wattpad.com/cover/167832285-288-k521635.jpg)
BINABASA MO ANG
Its always been you
Short StoryHindi lahat ng naghihintay, nababalikan. At sana sa panahon na pwede na , ay pwede pa.