Chapter One

7.1K 105 1
                                    

        KASALUKUYANG nag-iinit ang ulo ni Rose. Pakiramdam niya ay anumang oras ay sasabog na siya sa pinaghalong inis, galit at frustration na nararamdaman habang nakatingin sa ngingisi-ngising mukha ni Kieran na kasalukuyang nakikipag-usap sa lalaking kanina lang ay sa kanya nakatuon ang atensyon. One minute, she was having a good conversation with him and at the next second, nakatingin na ito sa kanya na para bang nandidiri ito sa nakikita and it’s all because of freakin’ Kieran Mikaelson!

“Kung ako sa’yo, pare, ‘wag kang magpapauto sa mga babae. Iba na ang modus nila ngayon, kunyari inosente ‘yon pala ay patalon-talon sa kama ng iba’t ibang lalaki. Dinaig mo pa ang nabudol sa mga ‘yan kaya inga’t ingat din. Baka isang araw pagmulat mo ng mga mata mo may AIDS ka na rin. Sayang ka, you’re a good businessman.” Nagkibit-balikat pa ang hinayupak!

Nanlaki ang mga mata ng lalaki at biglang tumayo. Naalarma naman si Rose sa ginawi nito. “Okay, that’s enough, Mr. Mikealson. We don’t need you here and we have no business with you so kindly please leave us and our dinner alone?” mariing sambit niya.

Kieran smiled at her and turned again to face Mr. Anderson. “Okay, fine. I’ll take my leave now, Mr. Anderson,” tumingin ito saglit sa kanya bago ibinalik ang tingin sa kausap. “Goodluck with that woman—“

“No, I’ll go,” putol ng lalaki.

“What? No!” Hindi na niya napigilan pa ang pagtaas ng kanyang boses. Tumaas ang kilay ni Mr. Anderson sa kanyang tono. “I mean, please, sir, let’s talk about this. We certainly do not need to believe someone who’s spreading fake news, do we? He’s an unreliable source. We don’t know where those stories came from.” Nagpa-panick na siya nang akmang aalis na ang lalaki.

“Oh, trust me, Mr. Anderson. You know me, I am a very reliable source.” Saglit na tinitigan lang ng lalaki si Kieran bago ito tumango at naglakad na paalis.

“No, Mr. Anderson, please!” pagmamakaawa niya sa lalaking papalabas na ngayon ng restaurant. Akmang hahabulin niya ito nang may pumigil sa braso niya.

“You’re not going anywhere.”

“And who are you to tell me what to do?” sikmat niya.

Pinakatitigan siya nitong mabuti. “You know who I am...Rose.”

“Oh, please! Don’t give me that crap. I am not your wife! You’ve lost all your chances. You’ve lost every right. You’ve lost everything the moment you made me sign those papers, Kieran. Everything!”

“No, you’ve lost everything, Rose. You’ve lost it the moment you chose to lose it including the right to call yourself my wife.”

Hindi makapaniwalang napatitig siya sa lalaki. After everything, after all she’d experienced because of him, ito pa ang may ganang tanggalan siya ng karapatan sa lahat? It’s so unfair!

Napapailing na tumalikod na lamang siya. She went to the parking lot and was about to hop inside her car when Kieran—of course, sino pa ba’ng makapal ang mukha ang haharap sa ganitong estado niya—stopped her to do so.

“Ano na naman?” bulyaw niya. Naghintay siya ng sasabihin nito pero hindi naman ito nagsalita. “Alam mo sawang-sawa na ako. Sawang-sawang-sawa na, Kieran! Ano ba’ng kasalanan ko sa’yo? It wasn’t my fault that our relationship fell apart. It wasn’t my fault that our marriage didn’t work. And it was definitely not my fault that you chose to believe all those lies instead of hearing the truth from me! Fuck it, Kieran! Sawang-sawa na ako sa pagiging immature mo!” patuloy na nagtataas-baba ang dibdib niya sa naipong galit sa kaloob-looban niya habang hindi iniintindi ang nasisimulang pag-agos ng luha.

“Alam mo ba kung ano ‘yong ginawa mo kanina, Kieran? You ruined a deal with a client at hindi lang ‘yon, siniraan mo pa ako sa kanya. So technically, you ruined my career—you stripped me off my job! Alam mo kung gaano kaimportante sa’kin ‘to but you just had to ruin it! At hindi ko alam kung bakit mo ginagawa ‘to, ang siraan ako sa bawat taong nakakasalamuha ko at ang batuhin ako ng mga salitang hindi naman totoo but, guess what, Kieran Mikaelson, I don’t care anymore.”

The Ex Series #2: RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon