Chapter Four

2K 64 11
                                    

    “ANO ‘YAN?” tanong niya nang may ilapag na papel si Kieran sa center table.

Kasalukuyan niyang ginagamit ang couch at center table ng opisina ng binata sa pagtatrabaho. Pagkatapos kasi ng lunch nila ay hindi na siya nito pinabalik sa sarili niyang table sa labas ng opisina nito na pinagkibit-balikat lang niya. ‘Di hamak na mas komportable naman itong couch niya kaysa sa swivel chair ko. Siguradong mahal ‘to at galing pa ng ibang bansa. Magkano kaya ‘to kung ibebentang second hand dito sa Pinas?

“Basahin mo.” Anito’t tumalikod na at bumalik sa sariling upuan.

“Dos and don’ts while Rose is Kieran’s.” Napataas ang kilay niya sa nabasa. “Hoy, anong Rose is Kieran’s? Wala akong natatandaang ibenenta ko ang sarili ko sa’yo, ah! Demonyong ‘to.”

Kunot ang noong tiningnan siya nito na para bang galing siya sa ibang planeta. “I’m not a demon. And you are working for me so technically, you are mine—my assistant, under my care and my responsibility.” Bigla ay napangisi ito na para bang may naisip na namang kademonyohan. “Ano bang iniisip mo, Ms. Imperial?”

“Wala!” hindi sinasadyang napalakas ang boses niya. Pahiya one o one ako do’n, ah? Ikaw naman kasi Rose, kung ano-anong iniisip mo! Kastigo niya sa sarili.

“Aww! Ikaw na babae ka, ikaw talaga ang sisira sa eardrums ko.” nakasimangot na wika nito.

Ngumiti siya nang pagkatamis-tamis sa sinabi nito. “It will be my pleasure, mastel.”

Pinaningkitan naman siya nito ng mga mata. “Back to your work, Rose.”

“Ay, teka, mastel. Ire-review ko muna ‘tong mga dos and don’ts mo.”

“Mamaya mo na asikasuhin ‘yan. We can discuss that over dinner.”

“What? May pa-lunch na, may pa-dinner pa. Iba rin! Pero pasensya ka, mastel, kailangan kong umuwi ng maaga, eh. May naghihintay kasi sa’kin sa bahay, baka mag-tantrums pa ‘yon.”

Rose felt shiver down her spine when she heard him speak with obvious anger in his voice. “Inuutusan kita, Ms. Imperial.”

“Aba naman, mastel! Alam ko namang you’re—quote and unquote—fithy fucking rich pero hindi ko alam na yayamanin ka rin pala pagdating sa mga utos. Dinaig mo pa si Lord, ha? Siya nga sampu lang ang utos, ikaw hindi ko na talaga mabilang—“

Napapabuntong hiningang tinaas nito ang kamay. “Shut it, Rose.”

Napapangisi na lamang siya dahil alam niyang nakokonsume na ang lalaki sa kadaldalan niya. Mabuti sana kung madaldal lang siya, ang kaso, abot hanggang kabilang kanto ang boses niya.

“You’re going to have dinner with me. No more buts, no more arguements.” Wika nitong inabala na ang sarili sa mga papeles na nagkalat sa lamesa.

“Sir, yes, sir!” she saluted.

Tatawagan na lang siguro niya ang mga kaibigan para may kasama si Sam mamaya. Baka kasi matagalan siya, mahirap na. Si Kieran pa naman ang kasama niya. With Kieran, there’s no such thing as smooth and easy.

Kung sabagay, mas bet ko rin naman ‘yong rough. Hi-hi-hi!

    DOS and Don’ts:

    Rose shall do any of Kieran’s bidding.

    Rose shall be on-call anytime.

    Rose shall talk to Kieran if she needs anything.

    Rose shall only dine with Kieran at lunch or dinner.

The Ex Series #2: RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon