Chapter Eight

1.9K 41 4
                                    

A/N: I'm sorry for the very late update. I've been so stressed kasi recently. 'Yong class ko, MWF starts at 7 AM and ends up at almost 7 PM. Pagkauwi ko naman sa bahay latang-lata na ang pakiramdam ko at knock out na pero kailangan pa ring bumangon para gumawa ng homewroks, activities and mag-memorize since more on memorization talaga ang medecine. I really need moral support right now. Haha!

    This is a very lame update, I think. But I hope you still enjoy it. Can you give me a star for effort, please? LOL. And please don't forget to share what's on your mind at the comment box. ^_^

###

   Rose calmed her nerves. Hindi kasi siya mapakali. Ayaw iwan ng desisyon niyang bumabagabag sa kanya ang kanyang isip. She had been thinking about her decisions all night. Ilang gabi na nga siyang walang tulog kaiisip. She weighed her everything, both the positive and negative side of her decisions but it still all fell down to one: her decision is right. Sam should always come first.

Akala ng iba, ang dali lang sa kanya na pakawalan si Kieran. They all thought that she's too cruel to do that to him, to just give up on him. But the thing is, they don't understand how hard it is for her to sacrifice the one thing that she was sure of in her life; the love that she had for Kieran. They couldn't understand how tough it is for her to sacrifice her own life in order to make the life of the person so dear to her. People just couldn't understand that sometimes, you need to back down in order to save others.

Sa totoo lang, sobrang sakit din para sa kanya na magdesisyong pakawalan ang isang bagay na alam niyang siyang pinakamakapagpapasaya sa kanya. Ngunit alam din naman niya na hindi siya tuluyang magiging masaya kung ang kapalit niyon ay kahirapan para sa batang tinuring na niyang sariling anak.

They say, happiness is a choice. She wants to be happy. She badly wants to choose happiness. But can joy really live in her heart with the thought of Sam suffering? No, it will only make her more sad. Kaya mas mabuti na rin 'to. Siguro nga dapat na rin talaga nilang pakawalan ni Kieran ang isa't isa. She guessed, they're really not meant to be.

"Ms. Imperial."

Napukaw siya mula sa pagmumuni-muni nang marinig ang pormal at baritonong boses na 'yon. Napatingala siya rito. Nakapamulsa ang lalaki habang nakatingin sa kanya nang matiim.

Ilang araw na silang hindi nag-uusap kung hindi lang din naman tungkol sa trabaho. It's been two weeks to be exact. At kahit pa nga sekretarya siya nito ay ramdam naman niyang iniiwasan siya ng lalaki kaya kahit sa mga bagay na kailangang pag-usapan ay sobrang tipid nito kung magsalita. She understands him, though. Ayaw rin naman niyang ipilit. Besides, isn't this what she wants? For them to be purely professional with each other?

"Yes, sir?"

"Go under time and prepare yourself. I'll fetch you at 6."

"Sir? May pupuntahan tayo?" napakagat-labi siya nang tiningnan siya nito na para bang siya na ang pinakabobong tao sa mundo. Ang obvious naman kasi, tinanong niya pa! "Sabi ko nga po, sir," napapangiwing aniya. "I'll take my leave."

Hindi na ito sumagot pa at basta na lang tumalikod upang bumalik sa sariling opisina. Siya naman ay inihanda na ang gamit upang makauwi na rin. Pagkarating niya sa bahay ay agad siyang sinalubong ng bulilit na nagbibigay-kulay sa magulong buhay niya.

"Mama!"

Agad na kinarga at pinugpog niya ng halik ang humahagikgik na paslit. "How's your day, baby boy?"

"Pyay!" the child exclaimed.

"Wow! You played with tita Kaiea?"

"Hospital!"

The Ex Series #2: RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon