2205 words. Just a short update. Sana ma-appreciate niyo. 😊 Don't forget to leave your insights at the comment box and vote every chapter para naman may inspirasyon ang tigang na si ako na mag-update sa kabila ng gabundok na lab reports sa Anatomy and Physiology Lab pati Chemistry Lab. Lol. 😆
Midterms na pala. Wish me luck! 😉
PS. I changed our group name into DemiJoyce's Ghost Town. Lol. Sa mga hindi pa naka-join, join lang kayo doon and please answer the questions upon joining. Love you all! 😘
💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜
Rose couldn’t breathe. She was drowning. Naramdaman niya ang paghila sa kanya pababa dahilan upang mas lalo siyang mag-panic. She tried kicking it off and when she was finally freed, she used all her strength to get herself at the surface of the water. Malapit na siyang maubusan ng hangin. Isang malakas na singhap ang ginawa niya nang sa wakas ay nasa ibabaw na ng tubig ang kanyang ulo. Ilang sandali lang din ay nakarinig siya ng isang malakas na halakhak.
“Nerbyosa.”
Pinukol niya ito ng isang masamang tingin. “Gago ka talaga, ‘no? Paano kung nalunod ako?”
“Roza,”
Ayan na naman ‘yang Roza na ‘yan.
Sa pagtawag pa lang nito niyon sa kanya ay tila nalusaw na ang inis niya. Roza is the Russian term for Rose. Kieran’s grandfather was Russian and Kieran often went with the old man to Russia from time to time back in the days kaya naman kabisado na rin ng binata ang lenggwahe sa Russia.
“Chill. Sa tingin mo talaga hahayaan kitang malunod?” masuyo nitong tanong sa kanya nang makalapit. Pinulupot nito ang mga braso sa beywang niya.
“Aba, ewan ko sa’yo. Malay ko bang balak mo pala talaga akong patayin. Kapag nagkataon mumultuhin talaga kitang pisti ka!” she acted as if she wasn’t affected by his heat kahit ang totoo ay gusto na niyang sunggaban si Kieran. But aside from that, pakiramdam ni Rose ay kinikiliti ang puso niya. Oo na, kinikilig siya.
He chuckled. “Balak ko lang naman talagang hilahin ka para bigyan ka ng hangin. Mas masarap kaya ang hangin na galing sa bibig ko. At saka gusto ko kasi na sa’kin ka humugot ng lakas kapag nahihirapan ka na.”
Naramdaman ni Rose ang small at large intestines niya na nag-ala-kitikiti sa kilig. Gusto pa sana niyang panatilihin ang galit kuno niyang ekspresyon ngunit hindi na rin naman niya napigilan ang sarili niyan matawa kalaunan.
“Gago! Ginamit mo pa ang respiration sa kalandian mo,” natatawa niyang sabi. “At saka hindi oxygen ang ibibigay mo sa’kin kung sakali, Carbon Dioxide. In short, utot mo sa bibig!”
“Grabe ka talagang babae ka. Ikaw na nga ang pinapakilig ikaw pa ‘tong basag-trip,” reklamo nito.
“Oh? So kasalanan ko pa na hindi umeepekto sa’kin ‘yang kalandian mo?”
Mas lalo pa siya nitong hinapit papalapit sa katawan nito. ‘Yong tipong ramdam na ramdam na niya sa puson niya ang namumuong bukol nito sa ibaba.
“Hindi nga ba?”
Nanindig ang balahibo niya sa batok sa paraan ng pagtatanong nito. para bang may kasama ‘yong imbitasyon. Rose felt heat consuming her. Bumibigat ang paghinga niya lalo na noong tumama ang mga mata niya sa mapupulang labi ng binata. Kumibot-kibot pa ‘yon na para bang inaanyayahan siyang angkinin ang maninipis na labing talaga namang katakam-takam.
Bago pa man siya malunod sa kumunoy ng pagnanasa ay tinulak na niya ang lalaki at mabilis na kinumpay ang mga kamay upang makaakyat na sa yateng ginamit nila upang makarating sa parteng ‘yon ng karagatan. Mabilis na sinuot niya ang roba na hinanda ng isa sa mga tauhan ni Kieran para sa kanya saktong nakaahon na rin ang lalaki mula sa dagat.
BINABASA MO ANG
The Ex Series #2: Rose
Любовные романыTeaser: Sobra pa sa salitang "kinamumuhian" ang nararamdaman ni Rose sa presensya ni Kieran. Aba'y kung pu-pwede lang talaga niya itong saksakin sa ngalangala ay matagal na niyang ginawa. Sa tuwina kasing magtatagpo ang landas nila ay iba't iban...