Chapter 14

59 1 0
                                    

Elaina Gem POV.

"Baby, tapos kana ba sa ginagawa mo?"
Tanong sa akin ni tita-mom

"yes po, tita-mom"
Umupo ako sa kaharap na upuan ni Patrick dahil feeling ko matutumba ako any minute. Kasi naman eh, kanina pa ako tinitigan ni Patrick, hindi ba nya alam na nagiging uncomfortable ako pag nakatingin sya.

"anyway baby, dito muna sa atin titira si Trick"
Pagkuway ika ni tita-mom

"okay po tita-mom, ahmf tita-mom sa kwarto lang po muna ako"
Paalam ko rito

"okay baby, ipapatawag na lang kita pag kakain na tayo"

Ngiti lang ang itinugod ko dito then umakyat na ako papuntang ikalawang palapag. Hindi ko alam kung anong pumasok sa akin at nagseryoso ang aura ko, ang weird ko rin nuh.

Patrick POV.

"tita, may problema po ba si Gem?"

"wala naman, bakit mo natanong?"

"kasi kanina bigla syang sumeryoso, parang naging ibang tao sya, para bang naging cold sya ganun"
Ika ko

"wag mo na lang pansinin yun, talagang ganun talaga yun may pagka topakin"
Nakangiting ika ni tita

"ah okay po, syanga po pala tita, san po yung kwarto ko?"

"it's in the second floor on the left side, kasi yung nasa gitna kwarto yun ni baby Gem"

"okay po, punta muna ako sa kwarto tita"
Paalam ko rito

Hindi ko na hinintay na sumagot si tita, umakyat na agad ako papunta sa kwarto ko, nasa taas na ako ng marinig kong may sumigaw at nanggagaling ito sa kwarto ni Gem.

"ahhhhhhhhhhhh!"

nagdadalawang isip ako, Kung papasok ba ako o hindi. Pero sa huli napag desisyunan ko na pumasok na lang dahil baka may nagyaring masama dito. Hindi naman ako nahirapan na pumasok sa kwarto nito, dahil hindi naman naka lock.
Nang makapasok ako sa loob, sumalubong sa akin ang nagtatalon na si Gem, habang nakatingin sa paanan nito. Hindi ko makita kung ano ang nasa paanan nito dahil natatakpan ng kumot.

"Gem, why are you screaming?"
Tanong ko rito habang pinipigilan ko ang sarili ko na matawa dahil sa itsura nya ngayon.

Gulong gulo ang buhok, tas hindi pa naka botones ang blouse nito, may hawak itong feather dust. Kahit na ewan yung itsura nya ngayon, ang cute nya paring tingnan

Lumingon ito sa kinaroroonan ko, at parang nabuhayan ito ng loob ng makita ako, tumakbo ito papunta sa kinaroroonan ko at bigla akong tinalunan habang nagsisigaw, buti nga at nasalo ko sya at nabalance ko pa yung katawan ko, kundi natumba na sana kaming dalawa ngayon. nakayakap sya sa akin ng mahigpit and it feels so good to be hug by her.

Should I Accept Him Again? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon