Chapter 21

52 0 0
                                    

Elaina Gem POV.

"tita-mom, sa kwarto lang po muna ako"
Paalam ko dito pagkatapos naming mag movie marathon sa sala

It's saturday kaya wala kaming pasok, and wala naman akong gagawin, kaya mag kulong na lang ako sa kwarto ko.

Ng makarating ako sa kwarto ko agad akong humiga sa kama, para sana matulog na.
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng mag vibrate ang phone ko, tanda na may nagtext sa akin. Tinatamad na inabot ko yung phone ko sa side ng bed ko at tiningnan kung sino ang nagtext.

nang mag flash sa screen ko ang pangalan ng taong nagtext sa akin, malapit ko pa talaga maibagsak ang phone ko, dahil sa gulat. Si Trick kasi ang nagtext at ang laman ng text nito ay.....

Trick: Gem busy ka ba?
Me: hindi, why man?
Trick: pwede ka bang pumunta sa garden ngayon?
Me: kaninong garden?
Trick: sa garden ni tita Victoria
Me: Tapos ano namang gagawin ko dun?
Trick: basta pumunta ka na lang please, gonna go❤

My heart pa talaga sa huli, hindi nya ba alam na ang heart na yan ang may iba't ibang ibig sabihin, nakakaloka baka mamaya aasa na naman ako sa wala ng dahil lang sa heart na nilagay nya sa text nya☹☹.

Bumangon na ako, and after kong ayusin ang sarili ko, nakakunot ang noong lumabas ako ng kwarto ko.

Nakasalubong ko sa sala si Yaya Betty na may hawak na isang pulang rosas.

Nanunudyong lumapit ako rito
"uy si yaya, lumalovelife na"

"hay naku, ikaw talaga baby Elaina, hindi naman ito akin, para to sayo"
Nakangiting ika nito

"ha? a-akin.. Y-yan?"
nabubulol na ika ko

"Yes baby"
Ika nito sabay abot sa akin ng bulaklak

"kanino naman po ito galing?"
Nagtatakang ika ko

"malalaman mo rin mamaya, good luck baby"
Then umalis na ito

Naglakad na ulit ako papunta sa Garden, tas ng nasa pinto na ako papasok ng Garden, nakasalubong ko si manang Letty ang nanay ni Yaya Betty and katulad rin kay Yaya Betty may hawak din itong isang rosas. Nakangiti ito habang nakatingin sa akin

"let me guess po, akin na naman yang rosas nuh?"

"yes baby, this is for you, and i hope Yes ang sagot mo"

"ano naman ang kinalaman ng rosas na yan sa pagsagot ko po ng Yes?"
Naguguluhang ika ko

"malalaman mo rin mamaya baby, goodluck"
Then umalis na ito

Tumuloy na ako sa paglalakad.
At habang tinutungo ko ang daan papunta sa Garden, nararamdaman ko ang kaba sa dibdib ko, parang any moment sasabog na lang.

napa "wow" ako ng makita ko ang ayos ng Garden. May mga christmas light na naka sabit sa paligid na nagbigay ng liwanag sa kabuuan ng Garden, may mga nanggagandahang mga butterflies ang nagliliparat sa loob ng Garden, then may mga nagkalad na petals ng roses sa damuhan at sa daan kung saan ako maglalakad and may nakalagay na table sa gitna, para sa dalawang tao lang, may nakasinding candle sa mag kabilang side. Hindi ko maiwasan na hindi mapangiti, dahil sa nakikita ko.

'sino kayang may pakana nito?'
Tanong ko sa sarili ko then out of nowhere biglang lumabas si tita-mom na may hawak na isang white dress na i think ka size ko.

"good evening baby, sana simula ngayong araw maging masaya kana"

"ha? tita-mom kanina ko pa napapansin na parang ang weird nyo ngayong araw, kasi nung una si Yaya Betty nagbigay sya sa akin ng rose then may sinabi din sya sa akin na hindi ko maintindihan, and so as Manang Letty, tas naman ngayon ikaw po, ano po ba talagang nagyayari, paki explain nga po, kasi kanina pa talaga ako gulong gulo"
Hindi ko tuloy maiwasan na hindi mainis

"malalaman mo rin mamaya baby, but for now, i like you to wear this dress"
ika nito saba abot sa kin nung dress

"bakit ko naman po ito susuotin?"

"basta, just wear it"

Wala na akong nagawa kundi sundin ang utos nito, pumasok ako sa isang corner na may nakalagay na DRESSING ROOM

'bakit to meron dito?'
Nagtatakang ika ko

matapos kong masuot ang dress na bigay ni tita-mom, tumingin ako sa salamin.

"perfect"
Ika ko, dahil bumagay sa akin yung dress. Then after lumabas na ako and hindi na si tita-mom ang nasa labas, kundi ang bunsong kapatid ni Trick ang little baby ko.

"hello po ate ganda"
She said to me while smiling

"hello there little baby"
Bati ko rito, hindi ko ginulo ang buhok nito, dahil may suot itong korona yung katulad sa isang dyosa, kulay white ito na may halong pink.
"nice crown, who gave that to you little baby?"

"this crown is not for me ate ganda, it's for you po"

"for me?"
nagtatakang ika ko

"yes po"
Hinubad nito ang korona
"ate ganda can you bend down, para po maisuot ko pa sayo?"

Nag bend ako ng kaunti para mailagay nya sa akin yung crown na suot nito

"there! bagay po sayo ate ganda, para ka pang dyosa sa itsura nyo po"
Masayang ika nito

"thank you little baby, but wait ano bang meron ngayon little baby?"
Tanong ko rito, baka masagot nito ang tanong ko

"malalaman mo rin po mamaya ate ganda, goodluck po, bye"
Then tumakbo na ito paalis

Then out of nowhere na naman lumabas si Mommy at daddy ang mga magulang ni Patrick.
--------------------------------


#USER_MOODY

Should I Accept Him Again? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon