Chapter 12

54 1 0
                                    

Patrick POV.

"ang cute ni baby Gem nuh?"
Ika ni sir Henry ng makaalis si Gem

"yes super sir!"
sabay sabay na ika nila

"sir? san pupunta sina Tita Victoria?"
Tanong ko rito

"ayieee hinahanap nya si Gem"
Sabay sabay na hiyaw nila

"hindi naman si Gem ang tinatanong ko, si Tita Victoria"
Walang emosyong ika ko sa mga to

"palusot ka pa, masyado ka ng obvious Trick, akala mo hindi ka namin napapansin, sa tuwing nandito si Gem, palagi mo syang tinitigan pag hindi sya nakatingin, at napapansin namin pag nandito sya hindi ka nag susuplado at tahimik ka lang, tas pag si Gem nakatingin sayo ngumingiti ka kaagad"
nakangiting ika ni jake

"well sa tingin namin, at base sa napapansin namin ngayon sayo, siguro tuluyan mo na talagang nakalimutan ang malandi mong ex na si Jessica"
masayang ika ni Gey

Tumahimik na lang ako at hindi ko na lang sila pinansin

"anyway, kaya pala ako pumunta dito, i just wanted to inform  you that the class is already dismiss, may urgent meeting kasi ngayon ang mga teacher's kaya maaga kayong ididismiss ngayon, so may now go"

Pagkatapos na magsalita ni Sir, agad na akong naglakad papunta sa parking lot.

Sakay na ako ng kotse ko ng mag ring ang phone ko. Naglagay ang ng earphone para marining ko ang sinasabi sa kabilang linya

"yes mom?"

"Son, wag ka ng umuwi sa bahay, dito kana dumiretso sa bahay ng Tita Victoria mo"
ika ni mommy sa kabilang linya

"why?"

"basta dumiretso kana agad dito, bye son"

Kahit na nagtataka, dumiretso na lang ako sa bahay ni Tita. Pagkarating ko dun, agad akong dumiretso sa loob.

"good afternoon po,sir"
Bati sa akin ni kuya bodyguard

Tango lang ang itinugod ko dito

Agad akong pumunta sa sala at agad kong nakita ang family ko dun.

"anong meron dito?"
Nagtatakang tanong ko

"Sa wakas dumating ka rin Trick, come here"
Ika ni tita

Nagtatakang lumapit ako sa kanila at umupo sa katabi ng bunso ko

"hey there little baby sis"
Bati ko rito sabay gulo ng buhok nito

"kuya naman eh, im not a baby anymore, im already 10 years old"
Nagmamaktol na ika nito

"asus, ang cute cute mo talaga"
Pinanggigilan ko ang pisngi nito

"kuya! mommy si kuya o! pinanggigilan nya pisngi ko"
sumbong nito kay mommy

"hay naku kayo talagang dalawa"
Natatawang ika ni mommy
"anyway Victoria, where is baby Gem?"

"nandun sa room nya, tatapusin daw kasi muna nya ang program na pinapagawa sa kanya, at nagtatampo rin yun sya, kasi maaga kaming umuwi kanina galing sa school"
Natatawang ika ni tita

"ah kaya pala, ang baby talaga namin o nagdadalaga na"
Nakangiting ika nina mom and granny

"kilala nyo po si Gem?"
nagtatakang tanong ko

"yes son, matagal na, bakit man?"

"kung kilala nyo naman sya, bakit ngayon ko lang sya nakilala?"

"kasi naman busy ka dun sa ex girlfriend mo, pag pumupunta si Gem dun sa bahay tuwing saturday or sunday palagi kang wala dun, nandun ka nikikipag date sa babaeng yun, kaya paano mo sya makikilala kung busy ka"
Ika ni daddy

"I agree"
Malakas na ika ng bunso kong kapatid

Natawa na lang tuloy kami dahil sa matinis nitong pag sigaw.

"oh look whose here?"
Ika ni Granny habang nakatingin sa hagdanan.

Halos sabay sabay kaming lumingon sa hagdanan, and there i saw the girl that makes my heart beat faster and insight, Gem.

Ang sexy nyang tingnan sa suot nya ngayon, naka sando sya na kulay pink na may sulat na "The Sign Of a Beautiful Person Is That They Always See Beauty in Others" and naka denim short.
-------------------------------

#USER_MOODY

Should I Accept Him Again? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon