Chapter 56

32 1 0
                                    

Elaina Gem POV

"Goodbye class"
-Prof.

"Goodbye professor Jeff"
-students

Nagsisilabasan na ang mga kaklase ko, habang si Kuya Jess naman nag paalam na susunduin si Ate.

Inaayos ko pa ang gamit ko bago ako lumabas ng classroom. Ng tapos ko na ayusin yung gamit ko bigla na lang may kumuha ng bag ko at Hindi lang yun hinawakan pa talaga ang kamay ko.

Sisinghalan ko sana ang taong nasa harap ko pero agad kong nalanghap ang gamit nyang pabango kaya napatigil ako

"Pa..Patrick?"
Gulat na ika ko

"May pupuntahan tayo"
Ika nito sabay hila sa akin palabas ng room namin karga pa talaga nito ang bag ko

Ng naglalakad na kami sa hallway halos lahat ng estudyante nakatingin sa akin at sa magka hawak na kamay naming dalawa.

Pilit Kong binabawi ang kamay ko sa pagkakahawak nya pero Hindi nya ako hinahayaan na makawala, kaya wala na akong nagawa Hindi na ako pumiglas pa.

"Saan mo ba ako dadalhin?"
Tanong ko Kay Patrick sapat na para marinig nya ang Boses

"Malalaman mo rin"
Maikling tugon nito

"Pwede ba pag sumagot ka habaan mo rin, ang ikli mo lang pag sumagot"
Ika ko rito

"Eh sa ayoko, mapipilit mo ba ako?"
Huminto ito sa paglalakad sabay tingin sa mata ko

Napa iwas na lang tuloy ako

"Sabi ko nga"
Ika ko rito

Hindi na muli akong nagsalita tumuloy na kami ulit sa paglalakad

"Bakit tayo papunta sa parking lot?"
Nagtatakang ika ko

Papunta kasi sa parking lot ang nilalakaran namin

"Just wait and see"
Ika nito sabay kindat sa akin

"Huy may next class pa tayo"

"Nag excuse na ako Kay prof"
-Patrick

"At ano naman ang sinabi mo Kay prof.?"

"Secret"
Ika nito
"Sige pasok ka"
Ika nito habang ang kamay at nasa may pinto ng kotse

Papasok na sana ako ng Hindi pa nya binibitawan ang kamay ko

"Pwede mo na bang bitawan ang kamay ko, para makapasok na ako"

Hindi na Hindi tumugod sa akin basta binitawan na nito ang kamay ko.
Then pumunta na ito sa driver seat

'San kaya kami pupunta?'
Ika ko sa sarili ko

Naeexcite ako na kinakabahan.
Ewan ko ba sa sarili ko, ang weird ko ngayon.

Should I Accept Him Again? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon