Chapter 19

47 0 0
                                    

Elaina Gem POV.

Naglalakad kami ngayon ni Kuya Jess sa hallway habang pinag uusapan ang about sa gaganaping festival

"kung pupunta pala tayo sa Archangel ngayon, para pa usapan kung sino ang iimbitahan natin sa festival, what do you think bunso"
Tanong nito sa akin

"well okay lang naman, para at least may opinion tayong makukuha sa kanila"

"so let's go"
Aya nito

I just nodded at him

Dumiretso na kami sa kotse nito, para pumunta sa Archangel School.

After a couple of minutes sa wakas nakarating na rin kami sa Archangel, dahil sa kilala na naman ako ni kuya Guard, pinapasok na kami agad, naka uniform pa kami. Class hour na siguro kaya wala ng tao sa plaza, dumiretso kami sa office ni Tita-mom, pero napag alaman namin na nandun pala sya sa Star Genius Class, kaya agad kaming tumungo dun.

Nang makarating kami sa room ng Star Class, may dinidiscuss sa kanila si tita-mom. Kumatok ako ng tatlong beses para ma notice nila ang presensya namin. Kaya tuloy all eyes on us.

"Good morning po Tita-mom"
magalang na ika ko

"Good morning po Ma'am Victoria"
Bati naman ni Jess

"oh hello there Charm students, what can i do for you?"

Lumakad kami papunta sa kinatatayuan nito before ako nagsalita

"ahmf, tita-mom after your class can we borrow your SSG officer, gusto kasi naming humingi ng opinion sa kanila kung sino ang iinvite sa darating na festival, can we?"
Tanong ko rito

"Yes it's okay baby, akala ko kung ano na talaga"
Nakangiting ika nito

"okay po, dun na lang po muna kami"

Umupo kami sa sofa na naduon sa side ng room, habang hinihintay namin matapos si tita-mom

"i smell something fishy, bunso"
Pagkuway ika ni Jess

"bakit naman?"
Nagtatakang tanong ko rito

"kasi yung kanina, yung papasok tayo dito at yung pumunta tayo dun sa tabi ng tita-mom mo, napansin ko yung lalake sa harap, ang sama ng pagkatitig nya sa akin, parang gusto nya akong patayin sa talim ng tingin nya"
Ika nito habang nakatingin dun sa harap

"sino ba dun?"
Tanong ko rito habang nakatingin rin sa harap kung saan nakita ko si Trick na ang sama ng tingin kay Jess

"yung guy na naka tingin papunta rito"

"pano mo naman nasabi na you smell something fishy, dahil lang sa ang sama ng tingin nya sayo"

"bunso, lalake rin ako, kaya nararamdaman ko kung ano ang ipinapahiwatig ng titig na yun"
seryosong ika nito

"ano namang ipinapahiwatig ng titig nya, aber?"
Naka cross ang brasong ika ko

"ipinapahiwatig nya na layuan kita, dahil sayo lang sya, parang ganun"

"kuya wag ka ngang mag biro ng ganyan"
Ika ko sabay kagat sa ibabang labi ko

"o bakit ka namumula dyan, don't tell me sya yung boy na tinutukoy mo sa akin?"
Gulat na tanong nito

Mas lalo akong pinamulahan ng mukha sa sinabi nito, naramdaman ko rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"wag ka ngang magbiro ng ganyan kuya, malay mo hindi naman, edi wasak na naman itong  puso ko"
malungkot na ika

"totoo ang sinasabi ko bunso, tingnan mo may gagawin ako, maki joined ka na lang ha?"
May naglalarong nakakalokong ngiti sa labi nito

"bakit anong balak mo?"
Kinakabahang ika ko

"Ganito ang gagawin natin........."
----------------------------
ITUTULOY!!!!!!!

#USER_MOODY

Should I Accept Him Again? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon