Nagising ako bigla sa sama ng panaginip ko. Hindi ko masyadong naaalala pero pawis na pawis ako napansin kong may luha ang mata ko.
Ano ba yun?
Naitanung ko sa sarili ko. Napakabigat nang pakiramdam ko kaya naisip kong kumuha ng tubig sa kusina.
Nakapatay ang ilaw sa bahay namin at tulog silang lahat. Kinuha ko muna ang cellphone ko sa tagiliran ko para may ilaw ako. Ayoko naman kasing buksan ang ilaw kasi baka makaisturbo ako sa mga natutulog.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko. Ramdam na ramdam ko ang malakas na ihip ng napakalamig na hangin.
Oo nga pala, magpapasko na.
Nobyembre na ngayon at malapit na ang pasko kaya't napakalamig na ng simoy ng hangin.
Dumiretso ako agad sa kusina at kumuha ng isang baso ng tubig at ininum iyon.
Maliit lamang ang bahay namin pero kongkreto ito kahit paano. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko.
Alas 12:45 pa lang?
Anong meron at nagising ako sa ganitong oras.
Mabuti na lang at wala akong pasok bukas. Kaya maglalakwatsa kami ng boyfriend ko.Nang patungo na ko pabalik sa kwarto ko. Nakarinig ako isang malakas ngunit malayung sigaw. Sa tingin ko ay nasa kabilang eskinita. At alam ko kung kanino ang sigaw na iyun. Kay Isay, yung baliw sa kabilang kanto. Mabait si Isay ngunit sa kasawiang palad ay nabaliw siya matapos mamatay ang lahat ng kapamilya niya sa isang plane crash habang papunta ito sa America.
Naglakas loob akong lumabas ng bahay upang silipin kung ano ang dahilan ng sigaw na iyun. Natatakot ako. Sumagi na sa isip ko na baka may nangyayari nang masama kay Isaya t alam kong wala na akong magagawa.
Lumapit ako sa gate naming maliit at sinubukang aninagin ang kanto kung saan madalas na matulog si Isay. Nakita kong nakatayo lamang siya, hindi tulad ng dati niyang ginagawa na paikot ikot sa kanyang lugar.
Nakahinga ako ng malalim at saka agad na nagtungo sa loob ng bahay.
Kinaumagahan, nakatanggap ako ng text mula sa boyfriend kong si Gabriel na aalis daw kaming alas 8. Alas 6 na kaya bumangon na ako at naligo. Napansin kong nagkakagulo sa sala kaya lumabas muna ako para alamin kung bakit.
Nakita ko si mama na napakalungkot ng muka.
"Ma, ano pong nangyari?"
Tanung ko sa malambing na tono."Anak, kilala mo si Isay diba?" Tanung nya rin saakin habang nakatingin lang sa isang sulok.
"Opo ma, bakit ho?"
Alam ko sa sarili ko at nakita kong nakatayo si Isay kagabi sa kanyang tinitirahang kanto."Nawawala siya!"
Malamig na sabi saakin ni mama."Kagabi po nakita ko siya."
Prisinta ko sa kanila.Pansin ko ang pagtigil sa ingay na ginawa ng dalawa kong kuya sa kusina dahil sa paguusap habang nagluluto ng agahan.
Nakita ko ang pagtatanung sa kanilang mukha.
"Kagabi po ay nagising ako kaya kumuha ako ng tubig dito sa kusina. Nang pabalik na ako sa kwarto ko narinig kong sumigaw si Isay. Kaya lumabas ako para tingnan kung okay lang ba siya. Malapit saatin si Isay dahil mabait at matulungin ito, kaya ako nag alala."
Paliwanag ko nang magulo pa rin ang sinasabi sa mukha ng pamilya ko."Tapos nakita ko siyang nakatayo at tulala. Nakatalikod siya saakin."
Mas lalong nagtaka ang mga mukha nila."Pero anak, sabi ni Mang Dino pagdaan niya daw na ala 1 sa kanto'y wala na daw si Isay at duguan ang kanyang higaan."
Paliwanag ni papa.Alas 12 akong nagising at ala 1 naman si Mang Dino.
Tinignan ko ang wall clock namin at nagmadali na dahil susunduin ako ni Eli ng alas 8.
"Ma, Papa, aalis po ki ni Eli ngayun kasi may bibilihin po."
Paalam ko sa kanila.
Tinaasan naman ako ng kilay ni Kuya Abby. Inirapan ko lamang ito at agad na nagtungo sa kwarto nang makitang sumang-ayun sina mama.Papunta kami ngayun sa Mall para mamasyal.
"Babe, mawawala si Isay."
Naisipan kong ibalita sakanya dahil kilala naming lahat si Isay."Huh? Kailan pa? Bakit? San siya nagpunta?"
Sunod sunod niyang tanong."Ang sagot ko lang dyan ay HINDI KO ALAM." Putol ko sa mga tanung niya.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila paunta sa paborito naming tea shop.
" Babe punta tayo sa burol mamaya."
Sabi niya. Na ikinataka ko naman."Why?" Sabay inum ko ng frappe na inorder namin.
"I just want to have a private and peaceful time with you."
Sabi nya.Oo nga, wala na talaga kaming medyo mahabang bonding time kasi masyado na kaming busy sa school.
Traffic ang daan papunta sa burol. Isang oras din ang byahe papunta don.
Pansin ko ang inis na pinapakita sa mukha ni Eli."Babe, its okay. We can stay there as long as we want. Don't be mad."
Pagpapakalma ko sakanya."Oo nga! Kasu kailangan kitang ibalik sa bahay nyo bago mag ala 6. How can we bond for a long time?"
Wika nya na malungkot ang tono.Dumating kami sa borol pagkatapos ng isa't kalahating oras.
Maaamoy mo ang napakasariwang hangin pagpababa mo pa lang sa sasakyan.
Agad na naupo si Eli pagkababa niya sa isang malaking puno na may treehouse. Naisip kong umakyat sa treehouse na itinayo para sa sino mang bibisita dito sa borol."Babe ingat okay?"
Paalala niya sakin. Nasa baba siya ng hagdan at ako naman ay medyo nakakalahati na.
Napansin kong papaakyat na siya kaya't nagmadali akong umakyat.May kataasan din ang punong ito kaya't makikita mo lalo ang lahat ng mga puno at kabahayan sa ibaba ng borol. Napakapayapa ng lugar na ito at makakalimutan mo ang lahat ng problema mo.
"Anong gagawin mo pag katapusan na ng mundo?"
Bigla kong naitanung. Sumagi kasi bigla sa isip ko ang biglaang pagkawala ni Isay.
"Why did you asked?"
Nagtataka niyang tanong.Hindi ako sumagot. Dahil kung ano ano na ang mga bagay na pumapasok sa isip ko.
Kung buhay pa ba si Isay. Nasaan na kaya siya.
"Babe hindi naman umaalis si Isay sa lugar niya. Mga mga dugo ang higaan niya. Narinig ko siyang sumigaw kagabi." Naging malakas ang boses ko.
Magulo ang nangyari. Hindi ko alam kung sino ang walang hiyang dumukot kay Isay at bakit niya gagawin iyun."Calm down. Ayus lang si isay. Alam mo naman na kung saan saan siya pumupunta pag may naiisip siyang gawin diba?"
Wika niya.Baliw si isay, pero hindi siya yung klase ng baliw na nambubulabog. Nang hahabol o ano pa mang pagiging bayolenteng ginagawa ng ibang baliw. Kaya hindi pumayag ang barangay council namin na ipadala si isay sa mental hospital.
At lahat kami hindi makapaniwala sa bigla niyang pagkawala."I hope she's fine."
BINABASA MO ANG
The End of Silence
HorrorMga bagay na hindi iisipin ni Xanthippe at Gabriel/Eli ang biglaang nangyari sa kanilang buhay. Maraming kagilagilalas na pangyayari ang dumating sa kanilang buhay na nagdulot ng pagkalagas ng kanilang pamilya.