Chapter 2 : Fire

6 1 0
                                    

Habang nasa tree house kami ni Eli, may narinig kaming kaluskos galing sa matataas na damuhan. Napakakapal kasi ng damuhan na parang sinadyang lumagay sa gilid ng daan para ituro ang daan papunta dito sa tree house. Tinignan ko ang lugar kung saan iginarahe ni Eli ang kotse.

Nakahiga ngayon si Eli sa tabi ko at natutulog.
Hindi ako tumayo at hinayaan na lamang ang kung anong gumalaw na iyon.

"Babe, what's wrong?" Dumilat siya at umupo. Tinignan rin niya ang lugar kung saan ako nakatingin.

"Nothing. Hayop lang siguro." I smiled at him even though nababagabag ako sa bagay na iyun.

"Come here!I know nababagabag ka sa nangyari kay Isay dahil malapit siya sayo. Alam ko na kasabay pa iyun ng stress na dulot ng school. I'm here to comfort you, just tell me
everything okay?" Tumango ako sakanya at niyakap niya ako.
Mahal na mahal ko si Eli. Nakilala ko siya noong highschool pa lamang ako. Matalino,mabait, caring at marami pang iba. He's my perfect match at dagdagan mo pa ng mahaba niyang
pilik mata, makapal na kilay at kulay kayumangging kutis. Hindi masyadong matipuno ang kanyang katawan at ayaw ko ng lalaking matipuno ang katawan. Maraming nagkakagusto sa kanya sa school pero ako lang talaga ang mahal niya and I'm so happy for that.

"Eli, bakit ako?" Tanung ko sakanya habang nakangiti.
"Seriously? Nagtatanung ka nanaman niyan. Tinanong mo na yan ng ilang beses at hindi ka pa rin kuntento sa mga sagot ko?" Tatawa tawa siya at niyakap ako ulit ng mahigpit.

"Uhm, okay! Naisip ko lang kasi ulit na may mas magaganda at mas mababait na babae diyan."
Sabi ko.

"Pinamimigay mo nanaman ako Xanthippe Lazaro." Wika niya in a playful tone.

Nagtawanan na lang kami. At saka kinuha ko na ang mga pagkaing dala namin.
Nakita kong tumayo si Eli at pumunta sa tapat ng bintana kung saan makikita ang view ng malawak ng lungsod ng Elmore. Sumunod ako at inabot sakanya ang isang malamig na milk tea na binili namin kanina. Bumuli kami ng isa pa kasi paborito talaga namin ang milk tea.

Nakita kong may usok na tumataas papunta sa langit. Isa itong maitim na usok na nagmumula sa kabahayan. Medyo malapit sa bahay namin.

"Babe what is that? What happened?" Nakakatakot. Satingin ko ay isang kilometro lang ata ang layo nito sa bahay namin. Nadadaanan ang lugar na iyon kung papunta na kami sa bahay.

Malamang traffic nanaman ang pauwi.

"May sunog ata Babe. Kunin mo yung phone mo at tignan natin kung anong balita." Tumango ako
at agad na kinuha ang cellphone ko sa bag.

"Isang napakalaking sunog ang nangyari dito sa Barangay San Antonio ngayong hapon. Ayon sa
ibang residente ay may isang babae raw ang nagwalang bigla at bayolenteng nang atake ng mga tao sa pelengke ng barangay. Iniimbistigahan pa ng mga awtoridad ang nangyari."

Hindi na namin pinanuod pa ang sunod na balita at agad kaming bumaba dahil sa pag aaalala.

Mabilis na pinatakbo ni Eli ang sasakyan. Alam kong nag aalala siya sa pamilya ko. Wala ang pamilya niya at lahat ay nasa America. Malapit na malapit si Eli sa pamilya ko lalo na kay tatay dahil ito na ang nagsilbing ama niya noong mga panahon na wala siyang kasama sa buhay. Pinatira ko siya sa bahay namin dahil sa nanakawan ang apartment na tinitirhan niya dati. Dahil don naging close sila ni papa.

Nang tuluyan na kaming makababa ng burol agad na pinaharurot ni Eli ang kotse niya.

Traffic ang daan papunta sa lugar namin at alam namin na ang sunog ang dahilan non.

"Shit!" Mahinang bulong niya.

"Hey! Okay lang sila mama. Wag kang mag alala, nandoon sila kuya" Hinaplos ko ang kanyang likod para kumalma siya.

Nasa tapat na kami ng lugar kung saan nangyayari ang napakalaking sunog. Maraming tao, mga pulis at bumbero. Nakpakainit ng simoy ng hangin dito kaya napagdesisyonan kong isara ang bintana.



Panatag ako na ligtas sina mama dahil nandon sila kuya Abby at Xavier pati na rin si papa.

Nasa tapat na kami ng bahay namin ngayon at agad namang bumusina si Eli. Nakita kong lumabas si Mama na bakas ang takot sa mukha.

Nang tuluyan na kaming makapasok ay agad nako bumaba at niyakap ko ng mahigpit si mama.

"Ma, ayus lang po ba kayo?" Tanung ko sakanya. Nakita kong maluha luha na ang kanyang mata.

"Tita Mama, pasok na muna po tayo. Ayos lang po ba kayo?" Tanong ni Eli pagkataposs niyang magmano.

Tumango si Mama at pumasok kami ng bahay. Nakita kong nanonood ng TV sina kuya at si Papa. Totok na totok sila sa balita dahil sa tungkol ito sa sunog.

"Ma, ano po bang nangyari?" Tanong ko uli kay mama. Pina-upo ko siya katabi ni Papa at agad akong nagmano kay papa sunod na rin si Eli.

"Xan-xan alam na namin kung nasaan si Isay." Wika ni papa sa malungkot na tono. Si mama naman ay nakatingin lamang saaamin.

Tumabi naman si Eli sa mga kapatid ko at nakipagusap.

"Si Isay ang babaeng nagwala sa Barangay San Antonio at ang dahilan ng sunog." Paliwanag ni Papa na ikinagulat ko ng sobra.

Patay na si Isay at nakasunong pa siya ng maraming bahay.

"Pero papa hindi naman masama si Isay at mabait siya. Baka nagkakamali lang  sila."
Hindi ako nakukumbinsi sa balita ni papa hanggan sa makita ko ang mukha ni isay at isang video clip bago mangyari ang sunog.

Si Isay nga!

The End of SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon