Chapter 6 : Sylvia

1 0 0
                                    

Pagkatanggal na pagkatanggal ko sa kanya'y agad kaming ngtago sa isang shop na laking pasasalamat namin na bukas.
Isa itong 24 hr shop.

Walang tigil ang pag iyak mg babae ta pinipigilan ko lamang sa pamamagitan ng pagtakip sa kanyang bibig.
Mabuti na lamang at mayroong kurtina ang shop. Maaaring para sa mga early costumers. Ang araw kasi ay nakatutok sa bintana nito tuwing umaga.

Maya maya pa ay narinig kong unti unti nang lumalayo ang ingay na likha ng mga infected.

"Kailangan na nating umalis dito. It's not safe here." Pabulong kong sabi sa kanya.
Medyo humupa na ang kanyang pag iyak dahil nagamot na ito. Nakahanap ako kanina ng first aid kit na siyang ipinanggamot ko sa kanya. Alam kong hindi iyon sapat para maibsan ang sakit na nararramdaman niya.

Tumango lamang siya. Naiintindihan niya ang sitwasyun. Hindi siya nagsasalita. Maaaring takot siya at naguguluhan pa rin ngunit sinisikap niyang intindihin ang lahat.

Tumayo kami. Dahan dahan kong binuksan ang glass door at sinilip kung ligtas na ba ang paligid. Nang makumpirmang ligtas ito'y nagtungo na kami sa labas.

Iika ika siya at kitang kita ko ang sakit na sa kanyang mukha.
Inaaakay ko siya at nakaakbay siya sa akin.

"Kailangan kong makapunta sa boyfriend ko. Tinawagan niya ako kanina at pinapapunta niya ako sa...bahay nila..." Pagkikwento niya sa akin. Hinihingal siya at halatang hirap siyang magsalita. Namumutla na rin ang kanyang mukha.

Tumango lamang ako "Tutulungan kita ngunit kailangan muna nating maipagamot ka. Pupunta tayo sa bahay dahil mas ligtas na doon."

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa street kung saan napagkasunduang tagpuan namin nina Eli at ni Chelsea.

Natatakot ako, aminado ako sa sarili kong naguguluhan ako sa lahat ng nangyayari ngunit kailangan kong magpatuloy.

Sa wakas ay nakita ko si Eli kasama si Chelsea. Napansin kong nakaharang ang sasakyan ni Eli sa harapan ng aming gate. Maaaring proteksyon iyon at emergency scape.

"Help, she's injured." Mahina kong sigaw.

Agad naman lumapit ang dalawa. Si Chelsea ay nakaapak sa itaas ng kotse at si Eli naman ay bumaba upang tulungan ako.
It seems like they locked the gate using his car.

"What happened? Bakit natagalan ka." Niyakap niya ako at hinalikan sa noo.

"I helped her. She was in a car accident sa kabilang kanto." Agad niyang inalalayan ang babae.

"Can you climb? Aalalayan ka namin." Tinignan niya ako at dahan dahang iniangat ang babae.

"Shit! Bilisan nyo." Sigaw ni Chelsea nang maaninang ang napakaraming infected na patungo sa direksyon namin.

'Shit'

Nang nakatawid na ang babae at si Chelsea, agad kaming sumunod ni Eli.

Nakapasok na kami sa loob ng gate nang umabot ang mga infected.

They seems to be mindless. Mukhang hindi sila marunong mag isip. Nais nilang makapasok sa gate namin pero hindi sila maka-akyat sa kotse.

"Lets go babe, its not safe here." Hinila ako ni Eli papunta sa loob.

Nakita kong lumabas si Kuya Abby na tumakbo patungo sa direksyon nina Chelsea at nang babaeng kasama ko.

"Sylvia!" Sigaw niya at agad na niyakap ang babae na tinawag niyang Sylvia.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The End of SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon