Chapter 5 : A Help

1 0 0
                                    

"I don't know kung ano ang nangyayari pero isa lang ang alam ko. Hindi na sila mga tao." Wika ni Chelsea. Hindi ako makapaniwala sa kanyang kwento.

"Kailangan nating makaalis dito nang hindi nila tayo napapansin." Sabi niya at sumilip sa pinto ng stock room.

Tinanong niya ako kung taga saan ako. Hindi daw ligtas sa apartment nila kahit na malapit ito dahil sa wala naman daw iyong bakod kaya't napagdesisyonan namin na sa bahay na lang namin kami magtungo.

Nang palalabas na kami nang stock room, biglang nagring ang cellphone ko.

Shit!

Agad kaming bumalik sa loob at sinagot ang tawag. It was Eli.
My Gosh! Alam kong nag-aalala na siya at hindi siya maniniwala sa kwento ko.

"Hello! Babe?" Sabi sa kabilang linya.

Nakatingin lang saakin si Chelsea.

"Babe, nandito ako sa school."
Pabulong kong sabi.
Ipinaliwanag ko sakanya kun paano at bakit ako nandito. Napansin niyang pabulong ang pagsasalita ko kung kaya't ipinaliwanag ko ang lahat.
Sabi niya, sasalubungin niya raw kami sa kanto.

"Tara na, bago pa nila tayu mapansin. Sigurado akong hindi lang sina daddy at Mang Alfonso ang naging ganyan." Humawak siya saaking kamay. Ibinigay niya saakin ang baril at sakanya ang baseball bat.
Nagtaka ako dahil hindi naman ako marunong gumamit nito.

"Hindi mo gagamitin iyan kung kaya pa naman nating gamitin ang bat. Pagginamit natin yan mas dadami ang makakarinig saatin."
Hindi na niya ako hinayaan pang makapag tanong.
Tinignan ko ang orasan ko. Alas 5 na nang umaga at medyo sumisikat na ang araw kaya hindi na kami mahihirapan pang magtungo sa bahay.

Naglakad kami palabas sa stock room nang walang ingay. Napagpasyahan naming huwag nang dumaan sa football field dahil sa alam naming nandon lang ang dalawa.
Sa corridore kami dumaan dahil mas mabilis.

Alam ni Chelsea kung ilan ang katrabaho ng kanyang daddy sa paaralang ito kung kaya't hindi kami nahirapan sa pagtatago.

Maya maya pa ay may narinig kaming ungol muli. Hindi na kami nagtaka kung ano iyon.
Isang bata. Siguro mga 10-12 taong gulang ito. Payat at gusgusin. Malamang isa itong pulubi. Bumigat ang pakiramdam ko sa awa. Napapaluha ako habang nasa gilid kami ng lockers.

"Shhh. Pagbilang ko ng tatlo tatakbo tayo nang walang ingay." Paliwanag niya.

"Pano pag nakita tayo ng bata?"
Tanong ko. Kung may plan A dapat ay may plan B.

"Tumakbo ka lang at ako na ang bahala. Hindi mo maaaring paputukin ang hawak mo dahil mas lalo tayong mapapahamak." Paliwanang niya habang hawak ang ako sa bisig.
Tumango lang ako dahil alam ko ang pinupunto niya.

Medyu maliwanag na sa labas ng school campus pero dahil sa umaga na ngunit medyo madilim pa rin sa tapat ng corridor dahil sa bubog nito at mga puno'ng malapit rito.

Sinilip naming muli kung nasaan na ang bata. Patuloy pa rin ang pag-ungol nito na mistulang hayop. Nakakaawa ang sinapit niya.
Nakatalikod siya sa amin at sa anggulo niyang iyon makikita ang kagat sa kanyang hita. Duguan di ang kanyang dahil.
Hindi ko namalayan ang biglang pagtulo ng aking luha.
Agad ko itong pinahid.

'Kailangan kong isiping hindi na sila tao'

Bulong ko sa aking isip.
Tinanguan ko ang sarili ko.

"Kailangan na nating kumilos."
Wika ni Chelsea.
Ako ang nauuna dahil wala akong maaaring gamiting armas kung mapapansin man ako ng bata, tatakbo ako at si Chelsea ang lalaban. Iyun ang plano namin.

Dahan dahan akong naglakad upang hindi makalikha ng tunog.
Mapapansin ang ritmong galaw ng bata. Umiiikot ito na may anggulo. Para bang naghahanap ito ng tao o ano mang ingay.

Nakarating ako sa kabilang dulo ng corridor kung saan hindi na maaaninag ng bata. Mula 'ron ay hindi na malayo ang gate sa main entrance.

Kasunog ko lamang si Chelsea. Ngunit nagulat ako nang makita ang mga naglalakad na tilad din ng bata at ng mga una namin nakita. Nakatayo ang iba at ang mga naglalakad naman ay pabalik balik sa kanilang pwesto. Nakita ako ng isa at agad na nagtungo sa aming direksyon.

'Shit'

"Takbo!!" Mahinang sigaw namin palabas ng campus.

Tumakbo kami at dahil don, nakuha pa namin ang atensyon ng iba. Mabilis ang mga ito kumpara sa mga ordinaryong tao. Mabuti na lamang at may plano kami. Pagdating na pagdating namin sa crossing ng daan ay naghiwalay kami upang mahati ang atensyon ng mga ito.
"Mag-iingat ka Xanthippe!" Sabay takbo niya sa kabilang daan.

"Hihintayin ka namin." Wika ko sakanya.
Nagpatuloy ang paghabol nila saakin. Pansin ko ang pagbawas nila. Mas marami ang humahabol kay Chelsea.
Nagpatuloy ako, mabuti na lamang at mahilis akong tumakbo at nasanay na rin ako sa araw araw na pag eehersisyo ko.
Nang makalayo ay nakita ko ang isang karambola ng sasakyan.

'Aksidente'

Halata ito sa itsura. Mga wasak na sasakyan at mayroon pang dugo.
Mayroon akong nakitang isang babae na buhay pa. Hindi lamang siya maka-alis dahil na stock ang sarili niya na nakaseatbelt sa yuping harap ng sasakyan.

Umiiyak siya dahil sa sakit at umaaagus ang dugo sa kanyang tiyan dahil sa may isang parte ng sasakyan ang nakatusok sa kanyang tagiliran.

"Tulong! Parang awa nyo na tulong." Pag mamakaawa ng babae. Hindi niya ako nakikira dahil nakatagilid sa aking direksyon ang sasakyan niya. Hindi niya ako magawang lingunin dahil sa hirap siyang gumalaw. Pansin kong wala nang ang driver ng tatlo pang sasakyang kasama sa aksidente.
Maaaring tumakbo na sila o kaya'y naging tulad na ng mga taong humahabol sa akin.

Habang sa di kalayuan ay nakikita ko ang mangilan ilan sa aking tinatakbuhan ay hinahanap ako.
Parami sila ng parami sa hindi ko malamang dahilan.

"Tulungan nyo ko! Parang awa nyo na." Iyak ng babae na mas lalo pang nakatawag ng pansin sa mga taong hindi ko alam kung ano ang tawag.

Nilapitan ko siya upang matulungan kahit na alam kong malapit na ang mga may sakit na tao.

Iyun na lamang ang itatawag ko sa kanila dahil iyon ang kwento ni Eli sa amin.

"Miss, huwag kang maingay." Wika ko habang sinusubulang alamin kung paano ko siya maiaalis sa kanyang kalagayan.

"Tulungan mo please." Pagmamakaawa niya saakin. Tumango ako at sinenyasan siya na huwag maingay.

Mabuti na lamang at malapit siya sa pinto at hindi masyadong nakadiin sakanya ang nayuping parte ng kanyang sasakyan. Sadyang natusok lamang talaga siya ng metal sa harap nito.

Inalis ko ang seatbelt niya. Naririnig ko ang tunog ng laman at dugong patuloy na umaaagus sa kanyang katawan. Maputla na siya at napasigaw sa sakit.
Nang tuluyan ko na siyang naibaba sa sasakyan. Hindi ko inalis ang nakatusok sa kanyang tagiliran dahil alam kong mas lalala ang lahat.

Inakay ko siya hanggat sa makakaya ko. Panay pa rin ang daing niya at umiiyak na siya sa sobrang sakit ngunit mahina lamang ito dahil sinabi  kong huwag siyang maingay.
Maaaring na kita na niya ang mga infected.

The End of SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon