Gabi na nang makauwi si Eli dahil sa sobrang karambola mg traffic sa San Antonio. Agad naman siyang tumawag sa akin ng makarating na siya.
Hindi talaga maganda ang kutob ko sa mga nangyayari. Si Isay ang dahilan ng lahat? Alam ng lahat na baliw siya pero hindi naman siya ganun.
Inisip ko lahat ng mga nangyari mula nung umaga. Agad kong naalala ang sinabi ni Mama na may dugo ang higaan ni Isay nang makita ito sa may kanto.
Humiga ako sa kama. Alas 10 na ng gabi at hindi pa rin ako makatulog. Nababagabag pa rin ako sa lahat. At hindi ako pinapatahimik ng curiosity ko.
Naisipan kong tawagan si Eli para kamustahin siya.
Nagriring lang ang linya niya at hindi siya sumasagot. Malamang tulog na siya.Nang nadatnan na ako ng antok ay may bumusina sa harapan ng bahay namin. Isang napakalakas at sunod sunod na busina. Agad akong tumakbo papunta sa bintana ko. Nakita ko ang sasakyan ni Eli. Nagulat ako dahil hindi ko alam ang dahilan kung bakit. Kumarupas ako ng takbo papunta sa gate dahil mistulang nagmamadali siya.
Mag-isa lamang si Eli sa bahay niya. Mas lalong sumama ang kutob ko. Kung magulo na ang nangyayari simula pa lang kanina, mas gumulo pa ngayon.
Nang makarating na ko sa gate. Nakita ko ang mukha ni Eli na may bahid ng dugo. Pati na rin ang kanyang damit.
Agad ko binuksan ang gate. Nakita kong nagising na sina kuya hanggang sa sila papa. Mabilis niyang ipinasok ang kotse at inutusan akong isara ito.
"Anong nangyari?" Ani ko. Bumaba siya at agad na lumapit saakin at niyakap ako ng mahigpit.
Hinawakan niya ang pisngi ko ng kanyang dalawang palad. Hinihingal siya at pawis na pawis."Are you all alright?" Tanung niya sakin sabay tingin sa pamilya ko.
"Eli, ano bang nangyayari? Bakit bigla kang pumunta dito sa bahay. Alas 10 na." Tanong ni mama.
Binitawan niya ang pisngi ko pero hawak niya pa rin ang kamay ko.
Eli's POV
Gabi na nang napagdesisyonan kong umuwi. Napakahaba ng traffic sa tapat ng San Antonio. Napansin kong nagtatakbuhan ang mga tao. Hindi man halata dahil sa sikip ng traffic ay napapansin kong kakaiba ang ikinikilos nila.
Nang makausog pa ako ng kaunti'y may nakita ako isang babae na nakapatong sa isang babae. Siguro iisipin nila na may kung ano mang bussiness na ginagawa ang dalawa. Pero malayong malayo ito sa totoong ginagawa nila.Hindi ko maalis ang titig ko sa dalawa. Napansin kong nanlalaban ang lalaki. Ilang sandali pa ay kinagat ng babae ang lalaki sa leeg nito. Umaaalingawngaw na sigaw ang narinig ko kahit napakaingay ng lugar dahil sa halo halong ingay ng bombero at mga busina ng sasakyan.
Nagsimula na akong kabahan. Nakita kong hindi lang ako ang nakapansin sa dalawa kung kaya't mayroon nang mga taong tumulong sa lalaki. Natulala lamang ako hindi dahil naduduwag ako kundi dahil sa hindi pa ako sigurado sa kung ano man ang nangyayari kaya't ayaw kong magpadalos dalos.
Ibinaling ng babaeng kumagat sa lalaki ang kanyang atensyon sa isang residenteng hinihila siya. Iniwan niya ang lalaking kinagat niya na wala nang buhay at duguan. Puno ng bahid ng dugo ang kanyang mukha.
Agad niyang ginagat ang braso ng lalaki. Binugbog ng mga residente ang babae sa pag aakalang isa itong nag-aamok na baliw.
Nagpagdesisyonan ko nang lumabas ng tuluyan dahil hindi na maganda ang nangyayari. Papalapit pa lamang ako sa kaguluha'y napansin kong gumagalaw pa rin ang lalaking kinagat ng babae kaya't nabuhayan ako ng loob.
Nilapitan ko ang lalaki para saklolohan.
"Ayos ka lang manong? Please wake up." Kinausap ko siya at nagbabakasakaling sumagot pa siya.
Mas lalo pa akong nagkapag asa nang marinig ko na gumagaralgal ang kanyang boses. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tumawag ng ambulansiya. Kahit alam kong matatagalam bago sila dumating, atleast makarating sila.
Nakita ko yung babae na kumagat ng lalaking hawak ko ngayon. Maaaring wala na siyang buhay dahil di na siya gumagalaw. 9:30 na nang natignan ko ang relo ko nang napansin kong biglang gumalaw ang lalaking hawak ko.Nagtaka ako nang bigla siyang tumayo na parang bang wala lang nangyari.
Nagulat ako at hindi makapaniwala sa ginawa niya. Nabaling ang atensyon niya sa akin at bigla niya akong inatake.
Agad akong napa-atras dahil sa takot.Dumampa siya at agad akong umilag at kumaripas ng takbo pabalik sa kotse ko. Napansin kong gumagalaw na ang traffic at naaabala na ang mga nakasunod sa akin kaya't agad akong lumiko sa pinakapossibleng route pabalik sa bahay nina Xanthippe.
I drove fast kasi wala namang traffic ang way pabalik sa kanila. Hingal na hingal ako at pawis na pawis. When I've finally got there, pinasadahan ko ng napaka-ingay na busina ang harapan ng kanilang gate.
Hindi ko alam kung ako ang nangyari at nasaksihan ko kanina. Natatakot ako para sa kaligtasan ng mga taong mahal ko at iniingatan ko.
Nakita kong tumatakbo papunta sa aking direksyon si Xanthippe at sumunod naman ang kanyang mga kapatid pati na rin sina tita at tito.
Agad ko siyang niyakap pagkababa ko sa kotse ko. Hindi ko alam kung bakit sa mga oras na papunta ako dito at dahil sa mga nakita ko kanina natatakot ako para sa kanila.
Tinanong ako ni tita kung ano raw ang ginagawa ko sa bahay nila pero hindi ako makasagot.Hinawakan ko ng magkabilang palad ko ang kanyang pisngi.
Xanthippe's POV
"Hindi pa po ako nakakaabot sa apartment." Paliwanag ni Eli nang tanungin siya ni mama kung bakit siya bumalik dito sa bahay.
"Tita, tito, may mga nagpapatayan pong mga tao sa San Antonio. Para silang nababaliw."
Kwento niya. Hindi si Eli matatakotin pero nakikita ko sakanyang mukha ang pagkatakot.Ganun ba talaga kalala ang nakita niya?
Nasa sala kami ngayon ng bahay. Nagrequest si Eli na isara ang mga pinto at bintana kasi baka raw makaabot rito ang mga baliw. Tawang tawa ang aking mga kapatid sa mga ikinikwento niya. Maging ako ay hindi lubos na naniniwala rito. Alam ko kasi na hindi communicable ang usang mental illness kaya't papaano na nang makagat ng isang tao ang isang tao ay nangangagat na rin ito.
Hindi maaari.
BINABASA MO ANG
The End of Silence
HorrorMga bagay na hindi iisipin ni Xanthippe at Gabriel/Eli ang biglaang nangyari sa kanilang buhay. Maraming kagilagilalas na pangyayari ang dumating sa kanilang buhay na nagdulot ng pagkalagas ng kanilang pamilya.