1: MONTANEOUS

3 0 0
                                    

"Rocke, wag ka nang iiyak. Promise ni ate na magiging safe ka. Gagawa si ate ng paraan para makaalis tayo dito ng walang nasasaktan" mahinahon na sabi sa kanya ng nakakatandang kapatid at tinulungan na alisin ang mga luhang tumulo sa makinis na pisngi ng nakabanatang kapatid na si Rocke.

Habang ang nakababatang kapatid naman ay huminto na sa pag iyak at hindi na nasundan kung ano ang nangyari sa loob ng bus na kanilang sinasakyan. Ang kaninang maingay na paligid dahil sa mga palahaw na iyak ng mga bata at tunog ng baril ay napalitan ng kadiliman at katahimikan. Naramdaman din ni Rocke ang pagkawala sa pagkakahawak sa kanya ng nakakatandang kapatid at di naglaon ay bumalik ang liwanag. Pero kasabay noon ay ang pagkawala din ng kanyang ate. Hinanap niya ito sa loob ng bus ngunit nagmistulang naglaho ito ng walang nakakaalam. Ang mga holdaper naman ay nasa lapag na ng bus at nasa nakakaawang estado na hindi kailanman nanaisin ng isang tao na makita. Ang mga katawan nito ay nagkahiwa-hiwalay sa hindi malaman na dahilan. Napuno ang bus ng kulay dugo mula sa mga nakakaawang mga holdaper at sa muling sandali ay bumalik ang mga iyak at palahaw ng mga taong nasa loob niyon.

"Rocke!, bumaba ka na dito sa hapag at ika'y malalate na sa klase mo" narinig niyang sigaw ng kaniyang Ina na si Monica mula sa Kusina. Bumangon na rin sya sa kanyang pagkakahiga at inaayos ang bahagyang nalukot na parte ng kanyang Uniform. At lumabas na ng kanyang kwarto. Nadaanan nya ang kwarto ng kanyang Ate na halos Apat na taon na ring di binubuksan simula ng mawala ito na parang bula.

Nang makababa ay naabutan nya ang kanyang ama na si Emerson na nagbabasa ng Dyaryo habang iniinom ang kanyang kape. Sa lumipas na Apat na Taon ay bahagyang pumayat ang kanyang ama dahil na rin sa paghahanap sa kanyang nawawalang Ate. Na kahit abutin man ng ilang taon ay hindi sila nagsasawang hanapin ito. Na kahit na halos sa paghahanap na lamang sa kanyang ate ang atensyon ng mga magulang ay pinagwalang bahala nya. Ang mahalaga ay makita nila ito sa lalong madaling panahon.

Tahimik lamang silang tatlong pamilyang kumain ng almusal at kalaunan at nagkakanya kanya na rin sila ng alis. Sya ay pupuntang Paaralan habang ang kanyang Ama ay sa Law Firm na pagmamay-ari nito at ang kanyang Ina ay bibili ng Grocery nila. Sasama sama silang sumakay ng Kotse at siya ang unang ihahatid sa kanyang Paaralan- ang Bîèsarrè International School kung saan walang pinipiling antas ng buhay kundi pinipili lamang ang mga matatalino at masisikap na estudyante.

Usap usapan na pag mamay-ari ito ng isang dayo at dito na lamang inubos ang limpak limpak na kayaman nito. Hindi tinatanggap dito ang mga mayayaman na wala namang ibubuga kung talino ang pag uusapan. Marami na rin ang sumubok na pumasok dito ngunit sa kasamaang palad ay kakaunti lamang ang nakakapasok sa school ito.

Nang makarating na sa nasabing paaralan ay agad agad syang umibis at hindi na binalingan ang mga magulang. Sa lumipas na taon ay nasanay na ang magulang nito sa inaasta ng anak na si Rocke. Nasa ikatatlong taon na rin ito sa kursong pag aabogasya at masasabing isa sa mga nangunguna dahil sa kasipagan at katalinuhan.

Habang naglalakad si Rocke sa Hallway ay mapapansin ang ilang mga matang nakasubabay sa binata na kahit ganun ay dirediretso parin ang tingin at walang pinapansin. Mapalalaki man o babae ay nakasunod ang mga mata sa galaw ng binata.

Nang nakarating sa Room na papasukan ay agad na tumambad kay Rocke ang maingay na mga kaklase habang pinag-uusapan ang krimeng nangyari ng kahapon na halos katulad lamang ng nangyari Apat na taon na ang nakakalipas kasabay ang pagkawala ng kanyang Ate na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita.

"Uy Mon, nandyan ka na pala. Halika dali pinaguusapan namin yung Holdap-an kagabi sa may Malinang" ang mga salitang nakapagbalik sa kanya na galing sa kaklase nya na si Roman. Nagpatuloy syang naglakad patungo sa mga ito. Nang makarating ay agad syang binigyan ng upuan ni Roman na katabi nito. Nang makaupo ay sumabulat sa kanyang lamesa ang mga ginupit na dyaryo ngunit ang nakapag takaw ng kanyang atensyon ang dyaryo apat na taon na ang nakakalipas na may larawan ng kanyang ate na hanggang ngayon ay nawawala pa rin.

"Sa tingin mo Mon, sino kaya ang may kagagawan ng mga to?" Tanong sa kanya ni Eliza na kaklase din nya.
" Nakakatakot na talaga sa panahon nating ito, kahit na mataas ang sikat ng araw ay nagagawa pa rin nilang gunawa ng masama" dagdag pa nito.

Walang pumapasok sa isipan ni Mon kundi ang litrato ng kanyang Ate. Sobra na nya itong namimiss. Kamusta na kaya ito? Malakas ang suspetsa niya na buhay pa ito ngunit nasan? Hindi nya alam at kahit anong gawin nya ay di nya malaman laman.

Sa kabilang banda, isang babae ang nagising mula sa isang higaan habang may mga bagay na nakakabit sa kanyang ulo, binti, balikat at siko. Masakit ang kanyang katawan ngunit pinilit pa rin nyang tanggalin ang mga nakakabit sa kanya kahit na sobrang sakit pag tinatanggal ang mga ito. Nang makalas ay agad niyang inilibot ang paningin. Walang kahit na sino syang nakita kundi ang kulay pula na likido na nagkalat sa sahig, pader at sa mga kagamitang nasa loob. Sinubukan nyang tumayo ngunit nabuwal lamang sya na parang walang mga lakas ang kanyang mga paa ngunit tumayo sya at naghintay ng ilang sandali bago nya inilalad ang kanyang mga paa. Sa panahon ito ay nakayanan na nya ngunit ng malapi na sya sa pinto ay agad na nagdilim ang paligid at isang boses ang nagsalita kasabay ng paglitaw ng pulang ilaw na masakit sa mata.

"Project Genesis has awaken. Project Genesis has awaken. It was advised to all to terminate the Project Genesis." Paulit ulit na iyon ang unalingawngaw sa paligid. Pinagsawalang bahala lamang ito ng babae at tuloy tuloy sa paglalakad. Hindi pa man sumasayad ang kanyang mga kamay sa doorknob ng pinto ay agad na itong nagbukas. Kung kanina ay halos kulay pulang likido lamang ang makikita, sa labas naman ay mga taong nakasuot na puting roba ang nagkalas kalas na katawan ng mga ito ang makikita. Nakakaawa.

Walang makikitang buhay na tao sa loob ng pasilidad. At kahit na madilim ang paligid at ang kulay pulang ilaw lamang ang nagbibigay ng liwanag ay agad nakita ng babae ang labasan ng pasilidad.

Lumabas sya at nakita nya ang isang maduming daanan at nagkalat na mga dyaryo sa daan. Mukhang isa itong paradahan ng mga sirang sasakyan na ginawang abandonado. Makulimlim ang kalangitan na nagbabadya na isang bagyo ang dadating. Bigla na lamang umihip ng malakas at nagliparan, sa isang mabilis na sulyap ay agad nyang nakita ang isang larawan ng babae na nawawala.

"Marienielle Emilia Trinidad" sambit nya sa Pangalan ng babaeng nawawala.

TBC.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GENESISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon