» P R O L O G U E «

6 0 0
                                    

Presesnt...


Peter's POV


"Bro, can you do me a last minute favor?" pangingiusap ni Jason sa akin.


Ikakasal siya ngayon at ako yung best man niya.

Ever since talaga noong naaksidente ako at nagising na walang ala-ala, kinasusuklaman ko yung maraming tao at maiingay na lugar. Kung hindi ko lang talaga kaibigan ang dalawang ikakasal na ito, hindi talaga ako susulpot dito.


"Sure, bro." pagpayag ko. Sa totoo lang, kanina pa ito tuliro. Kinakabahan daw siya at ang dami daw palya ng mga arrangements niya pero sa totoo naman, pasadong pasado na yung effort niya.


"Pinasundo ko kasi yung maid of honor ni Angel kaso nasiraan ng sasakyan yung driver ko at ayaw kong magsimula yung kasal na wala siya kasi masisira yung mood ni Angel. Can you pick her up for me?"mahabang pagpapahayag nito.


Ah. The mysterious maid of honor. Wala pang nakakakita dito dahil simula noong engagement party nila Jason hanggang ngayon, no show ito. Pero naku-curious ako kasi kung sino ito kasi parehong excited yung dalawang ikakasal na makita ito. Matagal na daw nila itong kaibigan ngunit hindi ako napagbigyan ng pagkakataon na makita ito. Mas lalo pa akong nacurious kasi tuwing tinatanong ko sina Jason at Angel kung nakita ko na ba ito bago ako maaksident at magka-amnesia, pilit nilang binabago yung usapan. Ang tanging alam ko lang tungkol dito is nagtatrabaho ito sa America bilang isang doktor.


"No problem." tugon ko dito.


"Thanks, bro. I owe you a lot." pagpapasalamat nito.



"Here" biglang abot niya sa akin ng isang banner na may nakasulat na 'Storm'. "NAIA 3, bro" dagdag pa nito.


"Storm?" mahina kong tanong. It sounds very familiar.



"Yeah, that's her name" sagot nito at tinitigan ako nang mabuti.



Ang weird nito. Kanina tuliro lang ngayon parang curious na tuta.


"What's with the look, Jason?" panguusisa ko dito.


"Nothing" biglang tanggi nito. "Can you go now? I bet she's arrived already." dugtong niya.


"Yeah, yeah" saad ko at tuluyan ng umalis.


Simula kasi noong naka-recover ako sa aksidente pakiramdam ko may kulang sa buhay ko at parang mayroon silang hindi sibasabi sa akin. I grew frustrated kasi hindi ko man lang alam kung ano yun. Mas lalo ako naging restless when I started having a dream about this girl. I can't see her face or anything about her but I can remeber the things she said and the happiness she brought in my heart.

My parents heard about my improvement and came up with a plan na i-set up ako sa mga dates. I went along with them at naka-meet ako ng mga iba't ibang babae. May mga mababait, magaganda, mayayaman but none of them clicked with me. They're not what I'm looking for. Sa katagalan, naiinis na ako kasi ang daming nagkukunyare na sila yung girl in my dreams but when I ask about the things they said before, mali-mali yung mga sinasabi nila. Akala nila siguro porke't na-amnesia ako, madali nila akong maloloko. Kaya simula noon, tumigil na ako sa pagde-date at nag-focus na lang sa business ko.

In The Eye Of The StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon