» C H A P T E R 5 «

1 0 0
                                    

Angel's POV

"Grabe talaga yung Black Widow na 'yun, akala mo kung sino siya. Maka-busted ng tao parang may ipagmamalaki."

"Kaya nga. Hindi ko nga maisip kung ano ba yung nakita ni Jason dun"

"Bwiset talaga! Sarap sabunutan!"

Napailing na lamang ako sa mga naririnig ko. Mukhang may biktima na naman si Storm ah.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa na-busted ni Storm.

Alalang-alala ko pa kasi na I was once a victim of her existence.

"Ikaw! Malandi ka! Bakit mo siya inagaw sa akin?" bulalas ko sa kaniya habang marahas na tinuturo siya.

Napalingon ang mga tao sa café sa gawi namin dahil sa aking ginawa. Siguro kung sa ibang pagkakataon ikakahiya ko ang mga atensyong nakatutok sa akin pero hindi ngayong ni-reject ako ng aking childhood friend.

Kasama kong lumaki si Matt at alam ng lahat na kami ay magkakatuluyan sa kadahilanang hindi mo kami mapaghihiwalay. Ngunit simula noong pumasok kami sa kolehiyo at presensiya ng babaeng ito, nagbago ang lahat. Lahat siguro ng club na pinapasukan ng babaeng ito, pinasukan din Matt. Noong una, wala lang ito sa akin ngunit noong ipinagtapat sa akin ni Matt ang nararamdaman niya sa kaniya, nasaktan ako ng lubusan. Naging bukang-bibig ni Matt ito at dahil hindi ko ito matiis, iniwasan ko siya.

Nabalitaan ko na lamamg na lantarang binusted si Matt nito at uwiang umiiyak si Matt. Inabuso ko ang pagkakataong iyon na umamin sa aking nararamdaman ko sa kaniya ngunit ipinamukha lamang nito sa akin na hindi ako si Storm at hinding-hindi siya magkakagusto sa akin gaya ng pagka-gusto ko sa kaniya.

Kasalanan lahat ito ng babaeng ito. Storm. Bagay sa kaniya ang pangalan niya, wala siyang awang sumasalanta ng buhay ng iba.

"Magsalita ka! Ano? Wala kang masabi kasi guilty ka?" pagpapatuloy kong akusa sa kaniya.

Ngunit tinitigan lang ako nito na walang emosiyon sa kaniyang mukha.

Nayayamot na ako!

Akmang sasampalin ko na sana siya ngunit pinigilan ako nito. Hawak niya yung wrist ko at ramdam ki ang mainit niga palad dito.

"You can accuse me for all I care. I don't even know what are you talking about but if you dare to lay a finger on me, that'll be another story" saad nito sa pinakamalig na boses na narinig ko.

Alam ko siya ang may kasalanan dito pero bigla akong natakot sa boses niya.

She gently let go of my hand and look behind me.

"You should leave. This is my workplace and I hate to make a scene here" dagdag pa nito at bumalik sa pag-aayos ng counter.

Stupid. This is my workplace too. Hindi man lang niya ba ako nakita na ako yung pinapalitan niya ng shift? Dito rin ako nagpapart time at tuwing tapos ng shift ko, siya yung kapalit which is during the graveyard hour. Kaya nga alam ko kung saan ko siya hahanapin upang kumprontahin.

"You should've thought about that when you came into my life and wreck it" pagsatsat ko na pilit na pagsusungit.

Tahimik talaga akong tao at ayaw ko ng gulo pero tama na, kinakailangan ko ng lumabas sa shell ko.

Napabuntong hininga siya at tumigil sa ginagawa.

"Look, I don't really have a single idea who are you talking about here nor do I care. But if it's one of those stupid guys who kept on pursuing me then I don't see why are you blaming me. Is it my fault to be who I am?" mahabang saad nito ngunit wala pa ring bakas ng emosyon sa boses nito.

In The Eye Of The StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon