» C H A P T E R 1 «

5 0 0
                                    

Peter's POV

6 years earlier...

"Mr. McWill, please come in" saad ng isang babae. Mukhang ito ata yung secretary ng Dean.

Padabog akong pumasok sa loob ng opisina at marahas na umupo sa upuan na nasa tapat ng lamesa.

"I understand you're upset but this kind of behaviour does not go unpunished in this institution, Mr. McWill." ma-awtoridad na saad ng isang matandang lalaki.

Hindi ko ito napansin kaninang pagpasok ko. He is sitting behind the desk at sumisigaw ng awtoridad ang tindig nito.

Is he the Dean? This old hag?

"Need I remind you that half of this institution's facilities comes from my father's donations, Mr" napahinto ako at tinignan yung label ng kaniyang lamesa "Mr. Malaga" mayabang na pagtatapos ko.

Tinawanan lang ako nito nang sarkastiko at napailing.

"Need I also remind you that your father only gave those donations because he knows that no one will ever accept his troubled son, who's convicted becuase of drugs and expuled, if he didn't." sagot nito sa akin at nakipagtitigan ng masama.

Shit. Naalala ko na naman yung kamalasang natamo ko sa America at ramdam ko ang pagkulo ng dugo ko sa ala-alang yun.

Hindi naman talaga ako sumusuyop ng droga o ano pa man, ni sigarilyo nga hindi ko matiis kaso yung mga hayop kong ka-klase, sinabotahe ako.

Ilang beses na kasi nila akong niyayaya sa mga pot session nila kaso patuloy ko silang tinatanggihan. Eh no'ong isang araw may report na dumating sa Dean namin patungkol sa kanilang mga kalokohan at ako ba naman ang inakala nilang gumawa nito.

Pinadala sila sa rehab ngunit nung gabi bago sila i-deport, sinunog nila yung administration office at iniwan nila ako malapit sa crime scene na may hawak na gasulina at high sa droga.

Nang ako ay magising mula sa pagkaka-high sa droga at nang ilahad ng aking abugado ang nangyari, di na ako nagtangka pa na magbigay ng paliwanag kasi alam ko na walang maniniwala sa akin.

"Now, why don't we put you on your place, young boy" pagputol ni Mr. Malaga sa aking pagiisip.

"I'm not a young boy" mariin kong pagtama dito.

Sarap murahin nitong matandang to. Kung sapakin ko kaya siya at makita niya sino yung young boy samin dalawa.

"Oh yeah? Then stop acting like one" pambabara nito.

Ikinuyom ko ang aking kamao at pinigilan yung urge na suntukin ito. Inuubos nito ang kakaunting pasensiyang meron ako.

"Why don't we start from the start?" saad nito pagkatapos ng ilang minutong katihimikan.

"My name is Francisco V. Malaga and I am the Vice President for Academic Affairs." pagpapakilala nito sa sarili.

Tinitigan ko lamang siya na parang wala akong pakielam kung sino siya.

"You are?" tanong nito sa'kin.

"Don't you have a file of me or something?" walang ganang tanong ko.

"Oh yes, we have and it's a thick one if you ask but I'm teaching you courtesy here, Mr. McWill and it is a common courtesy to introduce yourself back when someone introduce themself." mahabang sermon nito sa akin.

Napabuntong-hininga ako. Balak ko pa sanang pilosopohin ito kaso ayaw ko nang tumagal pa dito sa opisina niya.

"How rude of me! Name's Peter McWill, Mr. Malaga and it's my pleasure to meet you" sarkastikong pagpapakilala ko sa sarili at may kasama pang ngiting pang-asar.

In The Eye Of The StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon