» C H A P T E R 2 «

3 0 0
                                    

Storm's POV

"So who would like to have him as a tutee?" pagtatanong ni Ms. Valeria, ang head ng Scholarship and Student Aid Office.

May meeting kasi lahat ng official scholar ng university. Isa kasi sa mga trabaho ng scholars dito is to give free tutor sessions sa mga students.

Sa meeting na ito, pinaalam niya sa amin kung sino yung tuturuan namin then yung schedule ng mga ito but then merong isang special student daw na late na nag-apply for tutoring.

Ang sabi ni Ms. Valeria, base sa file ng student na 'yon, isa daw itong sakit sa ulo. Mukha daw wala ng pag-asa, ex-convict daw sa America kaso na bail out dahil napakamayaman daw ang pamilya.

"If no one's willing to take him in then we'll just tell them to hire him a private one" pagpapatuloy ni Ms. Valeria.

"No, I'll take him" biglang saad ko bago ko pa mapigilan ang aking bibig.

"A-are you sure, Ms. Calingacion?
" paninigurado ni Ms. Valeria.

Nagsitinginan silang lahat sa akin. Bihira lang kasi akong magsalita, I mean, di talaga ako nagsasalita ng conversational.

Naririnig lang nila akong magsalita kapag nasa debate o reporting ako or anything school-related but never personal-related.

"Yes, Ma'am" tugon ko gamit yung malamig kong boses.

I'm not really giving this too much thought. Gusto ko lang talaga mapuno yung schedule ko for distraction.

Don't take me wrong, hindi naman sa snobber ako naturally, sadyang ayaw ko lang talaga maging involve sa ibang tao dahil sapat na ang dinanas ko.

Alanganing inabot sa akin ni Ms. Valeria yung file nung special student pati yung schedule ng session namin.

Wala pang classes at ang mga tutor session will start not until two after the opening kaya laking gulat ko nang makita kong ngayong araw yung schedule nung lalaki at alas-10 pa talaga ng umaga.

Natapos ang meeting namin mga 9:30 at mabilis kong iniligpit ang aking mga gamit at tuluyang tumakbo patungo sa library.

Literal na takbo ang ginawa ko. Paano ba naman, nasa kabilang dako pa ng kinaroroonan ko ngayon ang main library at isa sa pinaka-ayaw ko ay ang ma-late. It's a big NO for me.

Nakarating ako sa library ng quarter to 10 na hingal at pawisan. Hindi na ako nag-abala pang mag-ayos ng sarili at dumiretso na sa Tutoring Hall.

May 15 minutes pa naman kaya binuksan ko yung file nung lalaki. Hindi ako mahilig mangielam sa buhay ng may buhay ngunit kailangan kong basahin ito para malaman ko kung paano ko siya matutulungan.

Nagsumapilit ako na mag-tutor dahil, aside sa kailangan ko ng diversion as much as possible, gusto ko rin makatulong ng iba  kahit papaano. Sa totoo lang,  hindi ko na kinakailangan pang mag-tutor ng mga estudyante katulad ng ibang scholars kasi iba klaseng scholarship ang  tinatamasa ko. I'm more of this school's asset.

Sa kabila kasi ng karahasan ng buhay sa akin, biniyayaan ako ng hindi pangkaraniwang katalinuhan. Hindi kami mayaman at never akong nakaranas na magka-tutor sadyang taglay talaga sa akin ito.

Aside from the fact that I have a perfect photographic memory, I can also do math mentally. Not just the basic math but the most complicated one. I started solving advance trigo when I was in grade 3 then developed onwards.

Si ama ay isa lamang magsasaka habang si ina naman ay isang guro sa bahay-ampunan. Nung una, hindi nila alam ang gagawin nila sa akin ngunit napagdesiayonan nila na ihalubilo ako sa mga normal na bata at dahil sa bahay-ampunan si ina nakatira, halos lahat ng kaibigan ko ay galing din doon.

In The Eye Of The StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon