[BLUE'S POV]
"BLUEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!" Napalingon ako. Sus si Aria lang pala.
"Oh? ba't ka sumisigaw?" tanong ko sa kanya. Alangan naman sa akin.
"Langya ka! Anong section mo?" Tanong niya tapos nakataas yung kaliwang kilay niya. Luhhh? para san naman kaya yun?
"Section A, Ikaw?" Pagkasabi ko nun, nanlaki yung mga mata niya.. Hala?! Anong nangyayari sa babaeng to?
"Weh, di nga?" mukha niya puno ng pag-asang di nga ako Section A..
"Oo nga, bakit ba?!" naguguluhan ako sa babaeng to.
"Langya ka talaga! Pareho kayo ng section ni Kristooooooooooofffff!!!" tapos pinalo palo niya likod ko. Sino ba tong Kristoff na to? Hay nako, landi nga naman.
"Hoy sino ba yang Kristoff na yan ha? Humanda ka isusumbong kita kay Eric. Landi nito" sabi ko.
"Huy, eto naman. Pag sinabi ko yun lumalandi na kaagad? Di ba pwedeng naiingit lang dahil ang swerte mo?!" Huh? ano dawww? Swerte? owzzzz.
"Bakit naman ha?!" ngayon, ako nanaman ang nagtaas ng kaliwa kong kilay sabay hawak sa hips.
"Eh, siya lang naman kasi ang Campus Prince ng school." susss. Landi talaga nito. pake ko?
"Pake ko? Tsaka huy, first day of school pa lang oh ganyan ka na agad." sabi ko.
"Ok lang, di naman kayo magkaklase eh. 4th year na rin kasi sya. Hahahahah." sagot niya sa akin.
"Eh yun na man pala eh. Kung makapagreact ka jan." tapos tumawa ako.
Nagbell na kaya pumasok na kami sa sarili naming mga classrooms. Section C nga pala si Aria. Ay hala, di ko pa pala napapakilala sarili ko sa inyo.
Hi, hey, hello! Ako si Bluenica Katniss Erykah J. Chiu. Tawagin nyo na lang akong Blue. Ayokong Nica, Kat, Niss, Erykah o kahit ano pa basta Blue. BLUE! Maliwanag?! Sophomore na ako ngayon sa Ateneo. 14 years old palang po. Hindi ako maganda, hindi rin naman pangit. HAHAHA yung tipong choks lang. Hindi rin ako sikat dito sa school, normal lang buhay ko.
Naiinis ako sa love. alam nyo yun? naiinis ako sa love! Ang corny corny lang no? Psh, para saan naman? Eh, masasaktan ka lang naman sa huli eh.
Pero, ahhhhhh! sige aaminin ko. Nagkaganito ako dahil sa isang tao. Si Jyles Tan. First love ko. eh ano ba yan yuck corny. Ayaw ko mang balikan, kailangan para kayo'y maliwanagan. Nag rhyme pa? Hahahah. (idadaan nalang sa tawa to) Sige na nga.. Ganito kasi yun.
[FLASHBACK]
*9 years ago..*
"Wahhhh panget! panget ka! blehh." sabi nung isang bata tapos inagaw yung laruan ko.
"Akin na yan! akin yan eh. akin yan!" Sigaw ko dun sa umagaw sa laruan ko.
Tapos tinulak niya ako. Nahiga ako sa damuhan. Umiiyak.. syempre bata pa eh.
"Hoy! Ibalik mo sa kanya yan kung hindi---" sabi ng isang boy na ka age ko lang.
"Kung hindi ano ha?!" sabi nung palaaway na mokong.
Tapos naglabas siya ng pintik. Kaya ayun tumakbo ang palaaway na unggoy at binitawan yung laruan ko. Tapos lumapit siya sa akin.
"Okay ka lang?" Sabi niya tapos nag nod lang ako. Nagpakilala siya sa akin. Siya nga pala si Jyles Tan. Simula nun naging magkaibigan kami as in yung close pero hindi bestfriends. Hanggang nung 12 years old na kami, nagconfess siya sa akin. Eh, mahal ko rin yun eh kaya umoo ako.
Pero, pagkatapos ng ilang months.. Di na masyado siyang nagpapakita. Kaya napagdesisyunan kong puntahan siya sa bahay nila nang-----
"Nica?!" mukhang gulat siya. Dapat nga manloloko ka, pinagkatiwalaan pa naman kita.
nakita ko siyang may kasamang ibang babae. Aba, matangkad, maputi, maganda pa. Pero parang may binulong sa kanya si Jyles kaya ayun umalis muna.
"J-jyles..." tapos naiyak ako. 8 years ko kayang kasama yan. Pinagkatiwalaan ko pa naman.
"N-nica, ah.. ano kasi.."
Gusto ko sanang marinig yung explanation niya, pero baka di ko kayanin. Baka sasabihin niyang di na niya ako mahal. Kaya nagsalita ako.
"Kasi ano ha?! Jyles, I trusted you. Tapos ito? ha?! Wag na. wag mo nang ituloy yung sasabihin mo. I quit. Magsama kayo nung bago mo." tapos tumakbo na ako. Alam ko tinatawag niya ako pero di ako nakinig.
Grabeh, ang sakit. Twice ko na kasi siyang nakitang kasama yung babaeng yun. Tapos pag tinitext ko siya na magkita kami, sinasabi niya na busy daw sya. Yun pala yung kinabubusyhan nya ha?
Ayun 98 missed calls at 68 messages. Galing kay Jyles lahat kaya pinatay ko yung cellphone ko.
Timing din sabi nila mommy at daddy na sa Davao na kami titira. Kaya ayun atleast makakalimutan ko rin siya.
[END OF FLASHBACK]
Oh alam nyo na? bakit ako no. 1 na hater ng love love na yan.
BINABASA MO ANG
First Love or Second Love?
RomanceWhat if one day Ms. Love Hater meets Mr. Perfect? Will she fall inlove with Mr. Perfect slash Second Love? But what if she will, but her First Love comes back? She needs to choose right? What or who would she choose? her First Love or Second Love?!