[BLUE'S POV]
"Huy, gising naaa!" -Kuya Miko
grabe, gusto ko pang matulog eh.
"5 minutes, please." tapos natulog na ulit ako.
"Tapos na 5 minutes mo." Ugh, Kuya gusto ko pa talagang matulog.
"Last, 5 minutes ulit" sabi ko. Tapos naramdaman kong gumalaw yung kama ko. Hala ayun pala humiga din si Kuya Miko. Ahh, ayoko pang bumalik sa school. Nakakapagod.
"AAAAAAAAAAAAAH!" Kiniliti kasi ako ni kuya eh.
"Oo na, babangon na PO." sabi ko at nagmamadaling pumasok sa bathroom. Maliligo na ako. Ang lamig pa talaga ng tubig ha?! "Ahh, kuya may hot water ba jan?" tanong ko.
"Use cold water para naman mas fresh ang feeling." -Kuya Kharllo
Fresh ang feeling? Siguro, dahil manginginig talaga ako nito. Ah, bahala na. Pagkatapos kong maligo, sinuot ko na yung uniform ko.
Hala?! di ko naman to pinaplantsa ah? Di rin ako ang nagplantsa. Mumu?
"Ah, ako nga pala nagplantsa niyan! ^_^" -Kuya Xian
Char, ang bait lang no? Eh, di naman yan marunong magplantsa ah?!
"Diba, hindi ka marunong magplantsa?" tinanong ko sya.
"Nagpaturo ako kay yaya. Tsaka, ikaw nga pala yung first customer ko. Gusto sana kitang singilin." loko talaga tong si Kuya Xian.
"Let's eat!" Uy, bose yun ni Kuya Ivan ah. Nagluto sya? Wow naman. parang first time ah?! Babait nila ngayon. Bumabawi lang siguro tong mga to.
Pagkatapos naming kumain..
"Oh, pahatid ka na kay manong." -Kuya Xian
Uh-oh, di pwede baka makita ako ng barkada magtataka yun.
"Ah, hindi mag jejeep nalang ako. ^__^" Ohem sana pumayag sila.
"NAG COCOMMUTE KA?!" Uh-oh parang galit ata sila.
"Ah, eh---"
"COOL! TEACH US!" sabay nilang sinabi.
O__O ???
"Ah, sge. Sige na alis na ako, Byeeeeeeee." sabi ko.
*Sa School*
"BLUEEEEEEEEEEEEEEEEE!" Ay, anak ng. Sino nanaman to hah?! Lumingon ako. Hay, nako Aria talaga parati nalang sumisigaw.
"Oh, Sup?" sabi ko.
:O -> Expression ni Aria
"Oh, bakit?" tanong ko.
"Akala ko kasi galit ka sa akin." sabi nya. Awwww, wawa naman.
"Ah, hindi. Badtrip lang talaga ako nun." sabi ko.
Tapos sinabi ko sa kanya na una na ako. Sa kasawiang palad, nakitra ko ulit tong Kristoff nato. Naglalaro siya ng basketball. Sabi nila, varsity daw yun eh. So pareha pala kaming marunong mag basketball?! psh.
Sus, kahit 4th year ka pa... Aawayin kita pag inaway mo ako.
"Ahhhhhhhhhhhhhhhh" Hay nako, ayun na naman nagtitilian na naman ang mga girls.
Duh~ pero aaminin ko, gwapo nga sya at sure akong malabong mangyari na magiging close kami sikat kaya yun. Pero, huuy di ko naman yun pinapangarap.
*Fast Forward - Recess Time*
Ayun nagkita ulit kami ng barkada. Pinag-usapan namin ang tungkol sa Intrams. Intrams na kasi next week eh.
"Busy na ata mga varsity ngayon." -Bianca
"Syempre, lapit na akaya Intrams." -Patrick
Ako hindi, payag naman si coach na hindi ako sumali eh. :))
*Fast Forward ulit - Intrams Day*
Huy intrams na ngayon. Ang boring kaya niyaya ko ang barkada na manood ng basketball game. ADDU vs. SMAD. Pumayag naman sila kaya ayun.
Sa baba lang kami umupo, ayaw kasi namin sa bleachers eh.
Ang gagaling ng mga tga SMAD. Girls bball to ha. Mukhang nahihirapan ang ADDU. Naku, hindi pa naman natatalo ang ADDU BBALL. Mukhang problemado si coach ah.
Kinabahan lang ako bigla. Ewan ko ba. Tumingin ako kay coach tapos silang lahat nakatingin sa akin. Uh-oh, wag sabihing--
"Bakit sila nakatingin sayo?" -Ken
"Ah, eh-- hahah" yun lang nasabi ko. Kinakabahan ako baka malaman nila. Tapos magbago tingin nila sa akin dahil athlete pala ako di ko man lang sinabi sa kanila. Noooooo.
Lumapit sa akin si Maki, ka team mate ko sa bball. Uh-oh please wag.
"Blue, kailngan ka daw ng team. Pagbigyan mo na daw si coach kahit ngayon lang." tapos inabot niya sa'kin yung mga gamit ko pang bball.
Natunganga lahat ng barkada ko. Patay ako nito. Nagmadali akong magbihis. Naguiguilty ako kay coach eh. Dapat pagbigyan ko siya kahit ngayon lang.
Pagkatapos kong magbihis, lumapit agad ako kay coach. Halos lahat ng tao nakatingin sa akin. Hindi naman kasi nila alam na varsity ako eh. Sheeez.
Andun pa talaga si Kristoff, nanonood ng game. Ughh. Dumaan ako malapit sa kanya kasi malapit din sila coach doon eh.
"Athlete pala to? Huh, let's see" bulong ni Kristoff. Ahh, hinahamon niya ako hah?! Sige. Kung umasta para bang sinong magaling.
"Prrrrrrrrrrrrrrrrrt!" ayun nag whistle na ang referee signal na magresume ang game.
Nagsimula na akong maglaro, shoot doon shoot dito. Eh, tanga rin pala minsan ang ibang players eh kaya naagawan ko ng bola tapos shoot na naman doon at shoot dito. Grabe, nagsisigawan ang mga tao.
"LABAN ATENEO, LABAN LABAN ATENEO!" Ayun nagcheer na sila. May drums pa. Nashock ako nung nakita kong nagchecheer din yung barkada. Parang naiinspire ako na dapat manalo kami.
Yun, all I can hear are cheers and clap. Puteek lang, parang ako nalang parati nakakashoot dito ah?! Di naman sa nagiging hambog. Pero, nakakapagod. Buti nag end din yung quarter.
*Fast Forward - After Bball Game*
Yes, panalo kami! Mukhang masayang masaya talaga si coach.
"Salamat at pumayag ka." -Coach
Nagsmile lang ako sa kanya. Pinuntahan ko agad yung barkada.
"Ah, eh. Hahahah-" sabi ko sabay kamot sa ulo.
"Hoy, ba't di mo sinabi sa aming athlete ka pala?!"
"Eh kasi ---"
"Wag ka nang magpaliwanag... Cool kaya!" tapos tumawa sila.
Naman kinabahan naman ako dun.
Nagmamadali akong pumunta sa cr para magbihis.
Pagpunta ko dun sa harapan ng cr may humarang..
"Uh,excuse me ha." sabi ko sa nakaharang. Di ko makita ang mukha eh nakatalikod kasi.
"Bball varsity ka pala?"
O__O
Hala sino kah?!
BINABASA MO ANG
First Love or Second Love?
RomanceWhat if one day Ms. Love Hater meets Mr. Perfect? Will she fall inlove with Mr. Perfect slash Second Love? But what if she will, but her First Love comes back? She needs to choose right? What or who would she choose? her First Love or Second Love?!