Chapter 14: Her Parents are Back

20 0 0
                                    

[BLUE'S POV]

Gumising ako ng maaga, baka dumating na yung mga barkada ko. Pinapahanda ko ng pagkain yung mga maid dito na rin yun mag b-breakfast eh.

"Oh, ang aga mo atang nagising? And it looks like you prepared breakfast for us?" -Kuya Ivan

"THANKYOUUUUUUUUU~" -kuyas

Kapal ng mga to. Si Kuya Miko kukuha sana ng isang piece ng chicken.

"Oops, sorry brothers but thats for my visitors." -ako

Nagpuppy eyes sila. They want to taste it daw and since marami rin naman ang chicken, pumayag ako.

Magsasalita sana sila tapos inunahan ko.

"Yes i know, You're welcome ^__^" -ako

Natawa sila sa sinabi ko.

"Sino nga pala mga bisita mo?" -Kuya Xian

"Tropa kong may tatlong babae at tatlong lalake. At yung tatlong babae na yun, may gusto kay Kuya Ivan. Hahah HOT daw eh." -ako

"Mas hot kami." -kuyas except Kuya Ivan

"Ah maam, andito na po mga bisita nyo." -maid

Pumunta ako sa gate, di kaya sila basta bastang makakapasok dito kung walang approval ng Chiu Family.

"Maam, papapasukin po ba to?" -guard

"Ah, eh alangan naman pong dito lang kami ang init init po oh." -Patrick

Kulit talaga ng lokong to. Joker na joker talaga pati si manong tuloy natawa.

Ayun nakapasok na sila at pagpasok namin sa loob, laglag mga panga nila.

Ang OA lang no?! Parang ngayon lang nakakita ng ganitong bahay.

"OMG, ang ganda ng bahay nyo." -Aria

"Ang laki pa." -Eric

"Ganito ba talaga kayo kayaman?"-Mia

"O baka nirentahan mo lang to?" -Patrick

loko talaga to. Ayun nabatukan ko tuloy.

"Aray, hala babes oh." -Patrick

"OA mo." -Bianca

Hahah, ayan corny kasi.

"Oh, breakfast muna tayo!" -ako

"Libutin na lang muna natin tong napakalaki niyong bahay." -Aria

"Ah, sayang nagb-breakfast pa naman din mga kuya ko ngayon." -ako

"At sinong nagsabing hindi tayo mag b-breakfast ngayon?!" Mia

Kakaloka talaga tong mga batang to. Hindi ko na keri. Hahahah

Ayun pumunta na kami sa dining room..

"I-is this heaven?" -Bianca

"I think so." -Aria

loka lokang mga babae. Nakita lang sina kuya langit agad? Ganun ba talaga sila ka attractive?

Tapos binigyan ko ng say-hi-to-them look sina kuya.

"HI!!" -kuyas

Ayun, laglag panga ang mga girls at pinaupo na ng kanilang mga bfs.

Ayun nagmistulang talk show ang breakfast namin sa milyun milyong tanong ng mga barkada ko.

Pagkatapos naming magbreakfast, umakyat kami sa 2nd floor ng house namin at ayun ang mga boys, nagsitakbuhan ng makakita ng maraming computers na DOTA lahat ng windows.

tsk tsk tsk, adik talaga.

Dinala ko nalang ang girls sa kwarto ko at ng makapasok kami..

Ayun nagtatalunan sa bed ko. Tapos parating sinasabing ang ganda ng kwarto mo, you're room is awesome blah blah blah.

Habang dinidiscover nila yung kwarto ko, napatingin ako sa windows. Lumapit ako tapos tumingin sa baba.

And..

O_O

WHY THE HELL ARE THEY HERE?!

"Ah guys, wait lang bababa muna ako." -ako

Bumaba ako ng parang si flash as in yung very fastttttttt.

"BROSSSS~" tawag ko kina kuya.

"What?!" -kuyas

"THEY'RE HERE." -ako

"WHO?!" -kuyas

"Mom and Dad." -ako

"Really? I thought next month pa?" -Kuya Kharllo

"I thought never." bulong ko ng may pagkainis.

Ayun, sinalubong nila sina mommy at daddy sa labas.

-.- 

Pagpasok na pagpasok nila..

"Blue is that you?" -dad

Ay hinde hinde, picture ko lang to dad. PICTURE -.-

"You didn't changed. You still don't know how to look descent." -mom

Ayan, naiinis na ako maaaaa, wag mo akong iinisin dahil buong buhay ko hindi pa kita sinasagot o kahit si dad man lang.

"Celine naman, kakauwi lang natin." -dad

"Oo nga po mommy." -kuyas

Nasa sala kami ngayon at nagkakamustahan na sila. Ako lang yata ang hindi kinakamusta ni mommy este mama. Buti pa si daddy nagawa akong pansinin.

"Oh ikaw Blue, how are you? Still rank 1?" -daddy

"No, rank 2." -ako

Sa totoo lang naman rank 1, gusto ko lang inisin si mama. Gusto niya average ko 100 na kahit ngayon di ko makuha kuha. Gusto niya kasi sa lahat ng bagay, perfect ako kagaya nila kuya. Perfect sa looks, attitudes, skills, intelligence, at FASHION.

Meron naman ako lahat niyan eh except for looks and fashion.

Hindi naman kasi ako mahilig sa fashion. Fashion is not my passion. Di ako mahilig magsuot ng dress, heels, at kung ano pang sosyalin na clothes. Jeans, sneakers and loose shirts lang sinusuot ko.

"Ano ba naman yan Blue, wala ka na ngang fashion rank 2 ka pa. Be like your perfect brothers." -mommy este mama nga

Nainis ako sa sinabi ni mama. Kaya I decided to leave them sa sala at tinawag ko na ang barkada para makaalis kami dito sa bahay na to.

"Whyyy? So early pa oh." isa sa mga sinasabi nila na maaga pa daw.

Hindi ko na sila sinagot at sinabi ko nalang na sundan nila ako.

Pagkalabas namin sa bahay, ayun nagsasalita na naman sila at nagtatanong.

"Grabe, ang bata bata pa ng parents mo. Parang di obvious na may 5 anak na sila."

tahimik lang me~

"Teka, san ba tayo pupunta?"

napaisip ako sandali at yun naisip ko na tapos sinabi ko sa kanila...

"Sa BAR. Magpapakalasing." 

First Love or Second Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon