Chapter 10: Bonding with Brothers

18 0 0
                                    

[BLUE'S POV]

Saturday ngayon.

Tapos na rin ang fiesta, balik nanaman ang regular classes ngayong Monday.

Matingnan nga cellphone ko..

20 messages..

^__^

Dami ah, mabuksan nga.

-.-

Puteek, puro naman pala tungkol sa Campus Pop eh.

"Blue! Take a bath na." -Kuya Ivan

Hah?! 8 pa kaya tapos saturday din.

"It's still early bro." sabi ko

"One, two --" -Kuya Ivan.

"Maliligo na.." sabi ko

Anyare dun?! Aga pa kaya. Tssss makaligo na nga lang.

Shampoo~Sabon sa face. ^_^

Bukas ng gripo~

O__O

Hala, putik walang tubig?!

"Ah, Kuya Ivan walang tubig." sabi ko.

Mukhang hindi nila naririnig.

"HOY, MAY TAO BA JAN?! WALA PONG TUBIG." -ako

"ssh!" -mumu?

Aba, pinagtritripan ata ako ng mga to ah.

"Sige, pagtripan nyo pa ako." -ako

"Tagal mo kasi maligo ayan tuloy. Hahah, ibabalik na." -Kuya Miko ata

Bukas ng gripo~

^_^  ayun may tubig na.

Pagkatapos kong maligo, syempre nagbihis. Alangan namang maghubad lang ako. Ang landi lang.

"Oh, kumain ka na." -Kuya Kharllo

Hala?! Nakapanglakad ata suot ng mga to.

"Ah, where will you go pala?" tanong ko.

Tiningnan lang nila ako.

"Whaaat?!" sabi ko. Eh, nakatunganga lang sila eh.

"Hahah, papaturo kaming sumakay ng jeep." -Kuya Xian

Ah, oo tama pala. Nakalimutan ko tuloy.

"Ah, oo nga pala. Hahaha" sabi ko.

"Oh dba? para na tayong magbobonding nyan." -Kuya Ivan

"Tara!" lumabas na kami ng bahay.

"Ah, wait. Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanila. Alangan naman sasakay kami ng jeep na walang pupuntahan.

"Abreeza nalang." -Kuya Kharllo

So yun. Sumakay na kami ng jeep. Napag-isip isip ko na hindi rin pala to alam ng barkada. Eh nambubulgar din kasi tong mga kuya kong to ng mga secrets. Tsaka magtataka yun kung bakit englishero o sosyalin yang mga yan. Sabi ko pa naman na only child lang ako.

Tiningnan ko sila kuya..

Halatang ang saya nila.

Ngayon lang kasi nakasakay ng jeep ang mga yan.

"Ang cool namang sumakay sa jeep." -Kuya Miko

Nagsmile lang kami lahat.

Tapos yun, nakarating din sa Abreeza Mall.

Ang saya saya ng araw nato. Matagal na rin kasi kaming nakakapagbonding na mga kuya ko eh.

Naglaro kami sa Timezone, nag sine, kumain, namili.

So far, happiest day of my life. ^__^

"Oh, san pa tayo?!" -Kuya Ivan

Isip isip muna kami~

"Blueeee!" hala?! sino yun.

O__O

Patayyy.

A-ang barkada?!

Who, act cool Blue.

"Oh?!" -ako. Kinakabahan na ako~

"Kinakabahan ka ata?!" -Bianca

Sasabihin ko ba o hindi?!

Sasabihin ko ba o hindi?!

Ah, sge na nga sasabihin ko na.

"Ah, hindi ipapakilala ko lang mga kasama ko." sabi ko.

O__O <-Expression nila.

"Bakit ganyan mga mukha nyo?" tanong ko. Seriously ano bang nangyayari sa mga to?!

"Eh kasi, wala ka namang kasama eh." -Aria

"Oo nga." -Ken

Hah?! Lumingon ako sa likod. Wala nga talaga akong kasama. San nanaman kaya nagsusulpot yung mga yun? Nagmumukha tuloy akong tanga  >_< 

Mas ok na to, atleast di nla malalaman.

Magjojoke nalang ako sa mga to.

"Ah, meron no ito si Mimi, ito naman si Mumu ^__^" sabi ko.

O__O <-Expression parin nila.

"Hahah, they're my imaginary friends. lol" sabi ko.

Yun, tumawa rin sila.

Phew.

"Ah, sige ha mauna na ako. May bibilhin pa kasi ako. Bye." sabi ko.

Umalis kaagad ako, baka matrap pa ako dun sa kanila.

San na kaya sila kuya?

Hanap dito~

Hanap doon~

Ayuuuuuuun! Andyan lang pala sila eh namimili ng damit. Mapuntahan nga.

"Bagay ba?" -Kuya Xian

Suot suot ang isang blue na polo na may necktie tapos pahawak hawak sa buhok.

"Hoy, kayo ha! Iniwan nyo lang ako bigla" sabi ko.

"Sus para yun lng, tara uwi na tayo." -Kuya Ivan

"Jeep tayo ah!" -Kuya Kharllo

"Oo nga." -Kuya Miko

Gabi na kaya, baka maholdap pa kami no.

"Gabi na kaya, pasundo nalang tayo kay manong." sabi ko.

Nagpout silang apat. ANKYUUUUUUT!

First Love or Second Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon