Chapter 18: Kristoff's Date

19 1 0
                                    

[BLUE'S POV]

Saturday ngayon, gaya nga ng sabi ni Bianca pupunta kai sa mall para bumili ng mga food para sa field trip. Adik lang eh no?! Hahah xD

Nagpahatid na ako kay manong. Ewan ko ba, simula nung alam na ng barkada na mayaman ako, tinatamad na akong magcommute.

Pumasok na kami sa grocery store ng SM. Syempre kasama ko ang SAP. (Sa mga di nakakaalala, Samahan ng mga Awesome na People = SAP)

"Oh, hiwalay hiwalay na muna tayo. Kanya kanya na tayong mamili ha?" -Aria

Syempre naman, ako nanaman ang forever alone dito. Magksama si Aria at Eric, Mia at Ken, and Bianca at Patrick.

Actually, dalawa naman talaga kami ni Kristoff na forever alone. Ang awkward naman kung magsasama kami. Eew

Eto, namulot na ako  ng foods. Kadalasan kong kinukuha is Junkfoods. Konting mga biscuits, chuckie, fresh milk at kung ano pang drinks.

Magbabayad na sana ako pero naisip ko na parang may kulang sa binili ko.

Hmmm. Isip~

Ah! Naku, nakalimutan kong bumili ng mga gum. Yung Xylish gums. Pag may mga trip kasi akong pinupuntahan, mahilig akong magdala ng mga gum. Hindi naman sa nahihilo ako pero I find it cool. Hahahh enough. Kukuha muna ako.

Pumunta ako sa Section 12 wherein andon ang Xylish gum na bibilhin ko. Konti lang ang gum dito, mas marami yung mentos at etc.

Nagkita pa talaga kami ni Kristoff dito.

"Anong bibilhin mo?" sabay naming tanong ni Kristoff.

Sabay pa talaga ha?

"Ikaw na mauna." -ako

"Hindi, ikaw dapat." -Kristoff

"Hindi nga, dapat ikaw." -ako

"Ladies first eh. Kaya ikaw na." -Kristoff

"Ganito na lang, sabay nalang tayo." -ako

"Sige ba." -Kristoff

Nagbilang kami..

1

2

3

"XYLISH GUM!" 

O__O 

Sabay naming sinabi yung 'XYLISH GUM'

"Hahah, mahilig ka rin pala dun?" -Kristoff

"Ah oo, kaya nga bumibili eh." -ako

Nagsmile lang siya sa akin. Pagkatapos kung kumuha ng 5 packs. Oo limang packs. Hindi naman talaga yung 40 pcs yun. Sa isang pack, 10pcs lang at tsaka sa isang rectangle box to nakalagay tapos may foil pa ito pagbubuksan mo yung box.

Nauna na akong umalis para magbayad, alangan naman hintayin ko pa si Kristoff. 

"Huyssh, san ka pupunta?" -Kristoff

"Magbabayad sa counter obvious ba?" -ako

"Tss. Sungit. Di mo nalang ba ako hihintayin?" -Kristoff

Aba't magpapahintay pa siya? Naku naman, para naman akong alalay nito.

"Hindi na, may paa ka naman. Sige mauna na ako." -ako

"Tss. Sungit talaga." -Kristoff

Masungit na kung masungit. Pumunta na ako sa counter, may nagbabayad pa before me.

Natapos na siya, kaya ako nanaman.

Napapansin ko yung dalawang babae sa counter parang nagpipigil ng tawa taposumiiling iling pa.

First Love or Second Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon