Isang Paggalugad

38 0 0
                                    

 

Muling pumarito ang katahimikan ng gabi,

Nagbihis na ng itim ang kalangitan

Kaya tila ito'y nahamugan. Di maglalaon

ay mapaparam din ito sapagkat mayroong talang

naging kartograma ng tatlong manlalakbay.

Sa walang patid na paglululan sa ilang,

Ay paparating na rin ang senyal ng pagtubos:

Isang liwanag na bubulusok mula sa kalayuan.

Wala nang dahilan para sila'y maligaw.

Susuungin nila ang paghaplit ng alabok sa ilang

at pagtatalukbong ng gabi. Isang mahabang pagtahak

upang makarating patungo sa isang munting yungib,

Na kung saan naroon ang paslit ng buong santinakpan.

Kung Saan Ang LiwanagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon